1- Tiana

7.5K 236 39
                                    

Sweet Tavern was a small and dingy pub in the heart of Surial City. Karamihan sa mga patrons dito ay mga madudungis na mga lalaking walang magawa sa buhay kundi ang gumasta ng pera at uminom ng alak pagkatapos ng mabigat na trabaho sa minahan o kaya ay sa railway.

Tahimik na umupo si Tiana sa harap ng bar habang hindi pa rin tinatanggal ang malaking hood ng kanyang mamahalin at itim na cloak.

The bartender who looked like a supermodel eyed her suspiciously kaya naman tinaasan n'ya ito ng kilay.

She hissed. "Just give me a shot of tequila, Bryce."

Agad naman itong tumalima at inilagay sa harapan niya ang shot glass na mabilis niyang tinungga.

"Don't tell me na may mission ka nanaman dito sa Surial. Pang-apat na balik mo na 'to dito within two weeks," mahinang sabi ni Bryce.

"Tsk. Alam mong hindi mission ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon," sagot niya.

"Ang Battlefront nanaman? Kelan ka ba titigil?" mas mahina ang boses ng lalaki ngayon dahil binanggit nito ang Battlefront. He was a Pureblood and Tiana found it absurd for him to be working in this hellhole. Sinasayang nito ang pagiging Pureblood nito. He could have chosen another path. Not be stuck in this god-forsaken pub.

Such a shame really.

"Not soon. But don't worry. Titigil din ako kapag namatay na ako. Hindi naman ako immortal katulad mo," bitter niyang sagot.

How she hated being a vampire-witch.

"Where are you staying?" tanong na lang nito habang umiiling.

"Sa LaCorde," simple niyang sagot at napansin niya ang pagtaas ng kilay ni Bryce.

"You're associating yourself too much with Turned vampires now," this time ay hindi na nito hininaan ang boses kaya napaingos siya. Marami sa mga nasa loob ng pub ay mga Turned o kaya ay mga mortal na walang alam tungkol sa existence nila.

"LaCorde is the best hotel in the city. Natural lang na doon ako tumuloy. I don't settle for anything other than the best," nakasimangot niyang sagot. Nakakainis na rin minsan ang pagiging pakialamero nitong si Bryce. She met him six months ago, during her first mission in Surial. Involved sa Battlefront ang girlfriend nitong isang vampire-witch katulad niya. Unfortunately, his girlfriend was so stubborn. She died before Tiana could reach the city and save her.

After that, naging magkaibigan sila ni Bryce. In some ways, nakaka-relate siya sa sakit na naramdaman nito. The pain of losing someone.

Tinungga niya ang bagong shot ng tequila na kakalapag lang ni Bryce sa harapan niya. As much as possible ay iiwasan niya ang mag-isip ng kahit na anong may kinalaman sa personal niyang buhay. It would just make her weak. Weak was not in her dictionary.

"Tell me again, why are you doing this?"

"I told you already. Gusto kong ipaghiganti ang pagkamatay ni Arra," labas sa ilong na sagot niya.

Umiling ito. "That was your initial reason. We both know your reason changed as time went by."

"Oh eh di ikaw na ang may alam," nakasimangot niyang sagot. "Wag mo na lang akong pakialaman, Bryce. Isa pa, you're making more money because of me. Admit it, hindi malakas ang kita mo rito sa pub mo. But because of me joining the Battlefront, you're earning ten times more."

Hindi ito sumagot agad at nakatitig lang sa kanya na parang nag-iisip saka ito nagkibit-balikat. "Basta mag-iingat ka lang lage, Tiana."

Ngumisi si Tiana. She won this time. Sabagay, she always won. "Isang beer nga."

BattlefrontTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon