18- A Lady in Fur

2K 128 14
                                    

"Tiana!"

Nagulat si Tiana nang bigla na lamang siyang sinalubong ng yakap ng kanyang pamilya at mga kaibigan nang makapasok siya sa kanyang bahay na bigay ni Xandros. Hindi alam ng ISOP ang tungkol sa property na 'yun kaya siguro doon ang meeting place nila.

"Nangayayat ka na, anak. Nagugutom ka ba?" nasa mukha ng ina niya ang labis na pag-aalala habang ini-inspection siya.

"Do you need blood? I brought some blood bags. They're in the fridge," sabi naman ni Deus.

"Kung kulang meron pa ako sa cooler sa kotse ko," sabad naman ni Malik.

"I don't think she needs blood. I think she needs a bath," bigla na lamang sumali sa usapan ang bunso nilang kapatid na si Linus. Suminghot-singhot pa ito at umaktong nasusuka. "Ang baho."

Nagtawanan sila lalo na nang yakapin ito ni Tiana at sumigaw ito ng napakalakas.

"Teka, sino s'ya?" natahimik ang lahat sa tanong ni Auberon. Napatingin sila sa babaeng nasa gitna nina Keira at Xandros. Nakangisi ito na para bang kamiyembro lang ng pamilya nila.

"Hi. Ako si Lois Darvert," anito na nag-wave pa ng kamay.

"Lois Darvert? The vampire-witch who killed her family two years ago?" biglang naalarma si Deus sa narinig.

"I did not kill them!" biglang sigaw ni Lois kaya napatitig sila sa galit nitong mukha na agad namang nagbago within a second. Nagawa nitong pakalmahin ang sarili nang gan'on lang kabilis.

"Why is she here? Akala ko ba nakakulong s'ya?" baling ni Deus kay Tiana.

"She said she didn't kill them. She was framed."

"Kahit na," sabi naman ni Cole.

"A group of Turned vampires killed my whole family. My mother was a Pureblood and a member of the Senate. She was killed together with my father and two baby siblings. And for some reason, sa akin nakaturo ang lahat ng ebidensya," out of nowhere ay explain ni Lois.

"She's telling the truth," ani Malik.

"What? Where were you when this lady was convicted?" tanong ni Gaius.

"I don't know. Mission? Date?" defensive namang sagot ni Malik.

"Oh, tama na muna. At least we know she's not guilty just like Tiana," ani T.

"Tiana, Lois, maligo na kayo," salo naman ni Savannah. "Mr. Black, Ms. Long, mabuti pa kumain na muna kayo. May dala kaming pagkain."

"That would be great. Thanks," sagot naman ni Xandros na sinulyapan pa si Tiana.

Tiana went to her room kung saan may ensuite bathroom. Sa guest bathroom naman naglinis ng katawan si Lois.

Habang nagsha-shower ay hindi pa rin makapaniwala ang dalaga na nakalaya siya mula sa marumi at malungkot na kulungan na 'yun kahit na hindi legal ang paraan. Illegal ang pagkulong sa kanya kaya illegal din siyang lalabas.

Naalala niya si Xandros. Ang saya ng mukha nito nang masiguro nilang tuluyan na nga siyang nakatakas. He didn't let go of her hand until she fell asleep. Nagising na lamang siya na nakahiga sa backseat at nakaunan sa mga hita nito. Hiyang-hiya pa siya nang ma-realize 'yun at agad na bumangon at hindi na pinansin ang lalaki. She just busied herself by looking outside the window.

She wore a robe and wrapped her hair with a towel before getting out of the bathroom ngunit gan'on na lang ang gulat niya nang makita si Xandros na nakaupo sa pang-isahang couch na nasa malapit sa bintana.

"What the heck are you doing in my room?" pinanliitan niya ito ng mga mata.

"I knocked but you didn't answer so..." nagkibit-balikat si Xandros.

BattlefrontTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon