Tahimik na nakatingin si Deus kay Gaius na nakahiga sa kama nito habang pilit na kinakapa si Tiana sa panaginip. Tila nahihirapan ang kaibigan n'ya dahil pinagpapawisan ito.
"Ugh!" anito sabay balikwas ng bangon.
"You okay?" tanong ni Deus sabay tayo mula sa couch sa sulok. Inabutan n'ya ng isang basong tubig si Gaius na agad nitong tinanggap.
"Hindi ko pa rin s'ya maramdaman but I'm getting closer. I think. I could see a small light in the middle of the darkness of the dream world," sagot naman nito.
"Literally?"
Tumango si Gaius. "My dream world is a total darkness. When I tap someone's dream, I see a light. A big one. N'ong una kung sinubukang hanapin si Tiana, wala akong makita. So, this time, I pushed myself harder. Kaya may nakita na akong maliit na liwanag. Medyo mahirap kasi napakalayo n'ya but I will keep trying. We have to know how she is."
Tumango si Deus. "Thanks, bro."
Tinapik siya ni Gaius sa balikat. "No need to thank me. She's also my sister. I treat her like that."
Huminga ng malalim si Deus. Alalang-alala na siya sa kanyang kakambal. Sana okay lang ito. Sana 'wag itong pabayaan ni Mr. Black.
"Bibisitahin ko pala si Quinn mamaya. Alam mo naman 'yun. Magtatampo nanaman 'yun kapag hindi ko na-update," ani Deus.
"Phone call is so risky huh?"
Tumango siya. "Yeah."
"By the way, isa sa mga na-screen ko kanina sa speed ay isang Turned. He was very aggressive and disrespectful. Hinamon ba naman ako ng karera."
Deus smirked. "Did he get what he deserved?"
Gaius did the same. "Oo naman. I beat him and disqualified him for life. Minura pa nga ako ng ilang beses. Sumigaw-sigaw pa."
"You did the right thing. I noticed that many are disrespectful. Para bang minamaliit nila tayong mga Sentry. Someone asked for an older examiner kasi ang bata ko pa raw and he didn't trust me to give a just judgement of his skills."
"What did you do?"
"I sent him to Director Brisbois. Siya ang nag-test and the boy got banned for five years."
Natawa si Gaius. "Una nilang dapat na matutunan ay ang paggalang lalo na sa mga Seniors."
"Yeah. 'Yan tuloy napaparusahan."
"Gusto kasing ipakita ng mga Turned na astig sila. Pwede naman sana as long as meron silang skills. Madali naman akong ma-impress eh. Just act right."
Lihim na sumang-ayon si Deus sa paghihimutok ng kaibigan. Nakaka-frustrate din naman kasi ang ibang Turned. Napakadespirado ng mga ito na matanggap sa vampire community pero hindi naman nagpapakita na deserved ng mga ito ang acknowledgment. Their defective DNA was not an issue anymore. Handa silang palampasin iyun pero ang ugali ng mga ito na masyadong proud na wala naman sa tamang lugar ang dahilan kung bakit nahihirapan silang makibagay sa mga ito.
"Pero may mga matitino naman. At least may tinanggap akong lima," muling sabi ni Gaius kaya natawa nang bahagya si Deus.
"Lima lang? Ang kuripot mo naman."
"Wala namang quota hindi ba? Eh sa limang 'yun lang ako satisfy."
Napapailing na lang si Deus. "I accepted fifteen."
"Hindi na ako nagulat. Alam ng lahat na mabait ka. For sure marami kang binigyan ng chance."
Ngumisi si Deus. "I was not very strict but I made sure that they have the necessary skills. Ayoko rin namang mapahiya pa lalo na ang pangalan namin."
BINABASA MO ANG
Battlefront
VampireTiana had been working hard to prove not just to herself but to everybody that she was one of the best Sentries the world had ever seen. But her fascination turned into an obsession that she could no longer control and it started to jeopardize her l...