7- Spy

2.2K 115 12
                                    

"Here's to Shadow! Seven wins in a row. Wow!"

Hindi nag-react si Tiana sa ginawang toast ni Xandros. Nasa isang VIP room sila sa isang club sa Surial. Kasama nila roon si Bryce at tatlong mortal na babae na kanina pa tila mga high na nagsasayaw, sina Elaine, Kara at Simi.

"You don't celebrate. Every time!" komento ng lalaki saka ininom ang champagne na hawak.

"This is my seventh win under your sponsorship. Have you seen me celebrate?"

Tumawa si Xandros na tila aliw na aliw sa naging sagot niya saka binalingan si Bryce na ini-enjoy ang libreng drinks.

"Your friend is so stiff. How can you take her boring personality?"

Itinaas ni Bryce ang hawak na bote ng mamahaling alak. "I will not answer that. I'm just here for the booze."

Tumawa si Xandros. "You are funny, Bryce. You know how to take advantage. I like that."

Nagkibit lang ng balikat si Bryce.

"Why do we need to come with you anyway? Ayokong mag-celebrate, okay?" inis na tanong ni Tiana.

"I am celebrating your victory. Ang pangit naman kung iinom ako nang hindi kasama ang dahilan ng celebration."

"I don't like it."

Tumawa si Xandros sa sinabi ni Tiana. Kahit na anong sabihin niya rito ay hindi talaga ito apektado. Siya na lang ang napipikon.

"Are you really sure na hindi ipagkakalat ng mga babae mo kung sino ako?"

Binalingan ni Xandros ang tatlong mortal na agad namang umiling. "Yup. Alam nilang hindi ako magdadalawang-isip na patayin sila kapag nagsalita sila."

"You're really an animal."

Tumawa ng malakas si Xandros saka sinenyasan ang isa sa mga mortal na babae at nang lumapit ito ay bigla na lamang itong hinila ng lalaki at walang pakundangang kinagat ito sa leeg.

"You are exposing yourself to mortals," singhal ni Tiana sa lalaki.

Nakangising pinakawalan ni Xandros ang babae na ngayon ay nanghihina na umupo sa katabing sofa. Wala sa focus ang mga mata nito na para bang lutang na lutang.

"I am not an animal. I can be whenever I want but I try to be as humane as possible," balewalang sagot ng lalaki. "Sweetheart, go to the bathroom and clean yourself up. My witch friend is waiting outside to heal you. You know the drill," utos nito sa babaeng kinagat.

"Yes, Xandros," masunurin nitong sagot at agad na lumabas.

Hindi makapaniwalang nasundan na lamang ito ni Tiana ng tingin. Nang tingnan niya ang dalawa pang mortal ay tila balewala lang sa mga ito ang nangyari. Tuloy lang ang mga ito sa pagsasayaw.

"They are my blood source. And some other willing mortals. Don't worry, Tiana. I don't kill them," ani Xandros kaya muling napatingin si Tiana rito. He was back to drinking alcohol.

"What do you mean?" aniya saka sinulyapan si Bryce na mukhang curious ngunit hindi naman nagsasalita. Panay lang ang inom nito ng alak.

"These mortals have known about us even before I met them. They came to me and asked me to turn them. But before I do the service, I make them serve me first. You see, there is nothing as delicious as fresh blood. They give that to me."

Hindi agad nakasagot ang dalaga. Nakatitig lang siya sa lalaki at hindi makapaniwala sa sinabi nito.

"You've been turning mortals?"

Nagkibit ito ng balikat. "I've lived for centuries now, sweetheart. I've turned some."

"But that's illegal."

BattlefrontTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon