"You're not serious, are you? You are accusing me of telling Mr. Black that you are the Shadow?" literal na nanlaki ang mga mata ni Bryce pagkatapos itong sugurin ni Tiana sa maliit nitong opisina sa Sweet Tavern.
"Like I said, tayong dalawa lang ang nakakaalam na ako si Shadow. I sure as hell didn't tell him," nanggagalaiti sa galit na sagot ni Tiana. Hindi siya makapaniwala na tatraydurin siya ng lalaking ito na itinuring na niyang kaibigan.
Napailing ito bago kampanteng naupo sa swivel chair nito. "Una sa lahat, bakit ko naman gagawin 'yun? At pangalawa, I've never met the man. I heard a lot about him pero hindi ko pa siya nakakausap nang personal."
"Then bakit niya alam?"
"Ang tanong eh, bakit hindi ninyo kilala si Mr. Black? Sentry kayo. Dapat kilala ninyo kung sinu-sino ang mga makapangyarihang mga Pureblood sa buong kontinente."
Hindi nakasagot si Tiana. Tama naman kasi ang lalaki.
Huminga ng malalim si Bryce saka itinuro ang upuang nasa harapan ng desk nito kaya agad namang naupo si Tiana roon.
"Base sa narinig ko," panimula ng lalaki, "hindi taga-rito si Mr. Xandros Black. Galing siya sa ibang kontinente. He is super extra rich and powerful. Baka ginamit niya ang kapangyarihang iyun to find out your identity. He can always hire someone to spy on the Shadow."
Posible.
"What continent?"
"Blackbourne."
Napasinghap si Tiana. "Oh. He must be really rich then. I heard na ang pinakamahirap d'on is already ten times richer than the rich people here."
Tumangu-tango si Bryce. "He is filthy rich. Ang alam ko matagal na s'ya rito sa Vergaemonth. Hindi ko nga lang alam kung saan siya nakatira o kung ano ang itsura n'ya. Lage ko lang naririnig ang pangalan n'ya."
"It means pwedeng hindi lang siya ang nakakaalam kung sino talaga si Shadow. Pati ang inutusan or mga inutusan niya may alam din," Tiana concluded. Nanghihina siyang napaupo sa kanyang upuan.
"Wala kang choice kundi ang makipagkita sa kanya. Make a deal or something in exchange of his silence."
She groaned. She hated the idea. So bad. Ayaw na ayaw niya sa ganitong uri ng sitwasyon. Nasa alanganin siya at pwede itong ikasira ng kanyang buhay.
"What deal should I offer, Bryce?"
"I honestly don't know, Tiana. But you know what? I heard Mr. Black likes women of all kinds," ani Bryce saka tumawa kaya pinulot niya ang letter opener na nasa mesa nito at mabilis na ibinato rito. Buti na lang at mabilis iyung nasalo ng lalaki dahil kung hindi ay baka nakatarak na iyun sa noo nito.
"Seryoso ako eh," asik niya rito. Nakakainis kasi ang kaibigan niya. Puro kalokohan.
"Seryoso rin ako, okay? Use your charm. Sa ganda mong 'yan, madali mo s'yang mapaikot."
Napaisip si Tiana. Bryce had always been straightforward about vampire-witch beauties. Exotic daw kasi. Purebloods were so beautiful that they looked ethereal. 'Yung pang-beyond words 'yung beauty ng mga ito at minsan ay nauumay na ang mga ito sa gan'on. That was one of the many reasons why Bryce fell for Arra, a vampire-witch.
"Ang alam ko, mahilig talaga itong si Mr. Black sa mga babae pero ang paborito n'ya...guess what?"
"Vampire-witch?" ani Tiana sabay buga ng hangin to lessen her annoyance.
"Tumpak. Besides, konti lang ang mga katulad n'yo. Gamitin mo 'yang alas mo. Kaya siguro nakuha mo ang atensyon n'ya."
"I will not sleep with him," matigas na sabi ng dalaga kaya napailing si Bryce.
BINABASA MO ANG
Battlefront
VampireTiana had been working hard to prove not just to herself but to everybody that she was one of the best Sentries the world had ever seen. But her fascination turned into an obsession that she could no longer control and it started to jeopardize her l...