40- What Her Heart Wants

1.8K 111 11
                                    

Rifka and Gaius were exhausted when they arrived at the academy. There were a few attacks and the school was barely holding on. They were outnumbered. They had to come back to help their school but first, they made sure that Faiga Mountains was secured before leaving.

"Magpahinga ka muna," Gaius kissed her on her head bago ito nagtungo sa silid nito sa Dormire. Siya naman ay nagtuloy na sa silid niya.

Papasok na sana siya nang mamataan niya si Getty na kakalabas lang sa isa sa mga kwarto doon. Duguan ito at mukhang pagod na pagod.

"Getty, ano'ng nangyari?" agad niyang tanong dito. Suspicious. Hindi kasi iyun ang silid ng babae.

Gulat itong napatingin sa kanya. "Rifka, nakabalik ka na pala."

"Yeah. Bakit galing ka sa kwarto ni Bea?" at muli siyang napatingin sa dugo na nasa damit nito. It was dry though.

"Ah 'yun ba? Hinatid ko s'ya kasi hindi pa s'ya masyadong gumagaling mula sa injuries n'ya kagabi. She was ambushed just outside the gate. Sabi ng mga taga-infirmary ay kailangan n'ya lang ng pahinga at dugo."

Medyo nakaramdam ng hiya si Rifka. Getty was just helping other students and here she was, thinking the worst.

"Gan'on ba? Naku dapat magpahinga ka na."

Nagkibit-balikat si Getty. "May kailangan pa akong i-check sa infirmary. Ikaw ba, kumusta? Kumusta ang Faiga Mountains?"

"Oh. It's okay now. I had Cole put up some ward so those who are not from Faiga can't enter our borders."

Tila naman napaisip si Getty. "So, pati si Sentry Gaius Kühn hindi pwedeng pumasok?"

"Pwede naman as long as inimbita s'ya ng taga-Faiga."

"Oh, I see. Sige, Rifka ha. Kailangan ko nang bumalik sa infirmary to see kung kailangan pa nila ang tulong ko."

Ngumiti si Rifka sa babae. "Thanks for doing this, Getty."

"This is the least I can do. Nakakahiya nga eh na ginagawa ito ng mga katulad ko," her sadness was genuine.

"It's alright. No matter what kind of vampire, may mabubuti at may masasama talaga. There are evil Purebloods too," Rifka shivered when she remembered Achselrod, the enemy they had a few years back.

"Thanks for giving us a chance. See you later, Rifka."

"See you, Getty."

Nasundan na lang niya ng tingin ang babaeng nagmamadaling umalis. Napakabait nito. Tumutulong ito sa kanila kahit na kauri nito ang mga kalaban.

Mukhang hindi na muna siya magpapahinga. Maghahanap siya ng magagawa para makatulong.

—-

Maingat na inihiga ni Xandros si Tiana sa kama nito at kinumutan ito. He watched her sleep peacefully for a while bago siya lumabas ng silid nito. Nakasalubong niya si Bryce. Nasa mukha nito ang pag-aalala para sa kaibigan.

"Nakatulog s'ya habang yakap-yakap ko sa opisina ko," sabi niya sa lalaki. "She's not fine, Bryce. Nahihirapan siya."

"Please tell me everything."

"I will. Meet me in my office in ten minutes. Isama mo na rin ang iba pa nating mga kaibigan."

Yumuko muna si Bryce bago siya nito iniwan.

Walang pagmamadali na nagtungo siya sa kanyang silid, hindi malayo kay Tiana. Nagbihis siya ng komportableng t-shirt at pantalon bago nagpunta sa kanyang opisina.

Naroon na ang iba nang dumating siya. They all looked anxious habang nakakalat sa malawak na opisina.

Nemorah and Lois were on the chairs in front of his desk, Keira and Bryce were standing side by side near a bookshelf and Elca was standing near the window, with her sword as usual.

BattlefrontTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon