Kung malakas ang sigawan ng mga fans ng Battlefront dati triple naman ang lakas ng sigawan ng mga fans ng Battlefield. It was open for everyone. Sa katunayan, nasa gitna ng city square ang laban. Nakapalibot ang lahat sa isang pabilog na ring. Walang kung anong nakapalibot doon dahil isa sa rules ng laro ay matatalo ang sinumang mahuhulog mula r'on and the ring was not even that big.
"This is crazy. I think I'm having some nerves," ani Xandros na nakatayo sa loob ng silid kung saan naroon ang lahat ng fighters. Buti na lang at may mga costumes din ang mga ito kaya hindi nagmumukhang tanga sina Tiana at Xandros. May ilan nga lang napapatingin sa kanila na para bang nagtataka.
"Wag n'yo nang pansinin ang mga 'yan. Newbies always take everyone's attention," Nemorah said and Tiana scoffed at the word newbie.
"Good evening, ladies and gentlemen," sabay-sabay na napatingala ang lahat sa malalaking monitors na nakasabit sa gitna ng silid.
Sa screen ay nakatayo ang announcer na nakasuot ng kulay green na suit na may hapit na pantalon. Patayo na parang sea urchin ang buhok nito na may ilan pang nakadikit na mga diamante.
"Ako si Djoko, ang inyong host ngayong gabi. Magsisimula na ang ating palaro at mas exciting dahil may bagong team para sa doubles category," high-pitched na sabi ng lalaki.
Malakas na nagsigawan ang mga manonood na rinig nila mula sa silid kung saan sila naroon. At dahil din d'on ay muli silang tiningnan ng mga fighters lalo na ang mga kasali sa doubles.
"Relax lang. Mukha kang natatae eh," biglang tinapik ni Nemorah ang balikat ni Tiana kaya napakunot ang noo ng dalaga.
"Mukha akong ready," sagot niya kaya suminghot si Nemorah sa hangin.
"Oh ayan nautot ka na sa pagka-ready mo," may kalakasang sabi nito.
At may amoy nga!
Xandros chuckled kaya nakatanggap din ito ng masamang tingin mula kay Tiana. Pagbintangan ba naman kasi siyang nautot. Halata naman na si Nemorah ang umutot.
"Umalis ka na nga sa paningin ko. Baka ikaw ang una kong hambalusin eh," ani Tiana kaya natatawang umatras si Nemorah.
"Good luck, you guys," anito saka yumakap kay Xandros at lumabas na.
"Wooh! This is it huh?" kabadong sabi ni Xandros na tumabi sa kanya. Nakatingin sila sa monitors kung saan tinawag na ang unang pair na maglalaban. Isang babaeng nakasuot ng black na makintab at hapit na tube- top at pantalon at isang lalaking kulay yellow naman ang costume na may cape pa na parang superhero.
"Tandaan mo, kailangan nating manalo," mahinang sabi ni Tiana.
"Yeah, yeah."
The first match was done in a second. Nanalo ang babae dahil natapilok ang lalaki sa sarili nitong cape at bumagsak ito kasabay ng pagtama ng ulo sa sahig. Tulog!
"That was... stupid," hindi napigilan ni Tiana ang magkomento lalo na nang mapuno ng tawanan ang buong silid.
"Well, accidents happen," kibit-balikat na sagot ni Xandros.
Ah, duh? anang isip ng dalaga.
Sunud-sunod ang naging labanan. May mabilis natapos at meron ding matagal. Marami ang magagaling na fighters at meron ding mga nag-aaksaya lang ng oras.
At habang patagal nang patagal ang paghihintay nila ay nawawalan na ng pasensya si Tiana. Panay ang lakad niya kaya naman hinawakan siya ni Xandros sa mga balikat at pina-steady.
"Relax ka lang," bulong nito.
"Relaxed ako," sagot naman niya pero tinitigan lang siya ng lalaki. Hindi ito naniniwala.
BINABASA MO ANG
Battlefront
VampireTiana had been working hard to prove not just to herself but to everybody that she was one of the best Sentries the world had ever seen. But her fascination turned into an obsession that she could no longer control and it started to jeopardize her l...