28- The King

2K 89 45
                                    

Alam ni Tiana na wala siyang karapatang mainis kina Xandros at Elca dahil wala naman silang relasyon ng lalaki. They just shared hot kisses. Twice. That was it. Pero hindi siya ipokrita kaya aaminin niya sa sariling naiirita siya.

Padabog siyang umakyat sa magarang hagdanan para pumunta sa kanyang silid. Hindi niya alam kung ano ang isusuot pero kailangan niyang isuot ang kanyang maskara.

Nang mapadaan siya sa kwarto ni Lois ay nakita niyang nakabukas nanaman ang pinto nito. Lage na lang. Hindi napigilan ni Tiana ang sariling sumilip at tulad ng dati, may kung ano nanamang witchy stuff na ginagawa ang babae. Hindi yata siya napansin nito dahil nagpatuloy lang ito sa pag-chant ng spell. 

Lois was sitting in the middle of a pentagram drawn using a white chalk. Marami ring nakasinding kandila sa paligid.

Tiana watched in silence. Nakinig siya sa chant ni Lois at dahan-dahang kumunot ang kanyang noo. She knew that spell. It was a communication spell. In order for it to work, the witch who cast the spell should focus her thoughts and will to the person on the other end who should be doing the same spell simultaneously.

Lois was contacting someone!

Kaya pala hindi siya naririnig o napapansin nito dahil ang will nito ay nasa dimension kung saan kausap na nito kung sinuman ang kinontak nito.

Pero sino?

"Tatiana..."

Muntik nang mapatalon ang dalaga nang marinig si Xandros sa likuran niya.

"You scared me," mahina niyang singhal dito.

He didn't say anything. Bahagya lang itong sumulyap kay Lois saka muling dumungaw sa kanya.

"I looked for you," he said.

Umikot ang mga mata ng dalaga saka iniwan ito para tumuloy na sa kwarto n'ya. Unfortunately, he followed.

"Magbibihis ako. Don't tell me na sasama ka," taas-kilay na nilingon niya ang lalaki nang akmang papasok ito sa kwarto n'ya.

His face lit up with amusement. "Pwedeng manood?"

Inis na sinipa ito ni Tiana sa mukha sayang nga lang at nakaiwas ito.

"Hey, are you mad at me?" nagseryoso uli si Xandros. "Listen, I just had to talk to Elca about our presence here. We need an inside man."

"She said we are her enemies! What were you thinking!?" singhal niya sa lalaki. "Paano kung isumbong n'ya tayo sa hari ha? Eh di lahat ng ito ay mauuwi sa wala!"

"I did not tell her our plans, okay? Not the details. I just asked her to be our spy."

Napailing si Tiana. Parang nakikita na niya ang kanilang future failure.

"I trust her. I know in my heart that she's on our side. Kita mo namang hindi niya tayo ibinuking simula pa lang. Elca and I were friends. May tiwala ako sa kanya. Please don't be mad."

"Kapag pumalpak tayo, it's gonna be on you," sagot niya saka ito pinagsarhan ng pinto.

Nakakainis na kaya nitong i- jeopardize ang kanilang plano dahil lang sa may tiwala ito sa childhood crush nitong limang centuries nitong hindi nakita.

Nagpupuyos pa rin ang kalooban na naghalungkat siya ng maisusuot. She didn't have a lot of clothes kaya wala siyang maraming choices. In the end, she decided to wear a black tank top na pinaibabawan ng red leather jacket, black leather pants and black high-heeled knee-high boots. She tied her hair in a high ponytail leaving some strands loose. Tanging red lipstick lang ang kanyang makeup. Nang ma-satisfy sa kanyang itsura ay lumabas na siya ng kanyang silid only to be surprised by Xandros who was standing in front of her door, waiting. 

BattlefrontTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon