11- Xandros' Life

1.9K 107 8
                                    

Pinagbuksan ng maid si Deus at pinapasok ito sa living room. Doon naghintay ang lalaki at patingin-tingin ito sa mga mamahaling paintings na nakasabit sa dingding. Hindi nagtagal ay nilapitan ito ni Keira Long.

"I am so dead," pabulong na sabi ni Tiana. Nakaupo siya sa swivel chair sa harap ng maraming monitors kung saan kita ang iba't ibang parte ng bahay. Nakakalat pala ang CCTV cameras sa buong property at sa silid ni Xandros ay may naka-attach na control room kung saan naroon ang mga monitors.

"Paano n'ya nalaman ang address ko?" naguguluhang tanong ni Xandros. And to Tiana's horror, nasa likuran lang niya ang lalaki at nasa may batok nanaman niya ang bibig nito.

Inis na itinulak niya palayo ang mukha nito gamit ang kanyang kanang palad.

"Lumayo ka nga. Amoy bawang ka," pagdadahilan n'ya kahit na ang totoo ay ang sarap sa ilong ng amoy nito. Ang presko pa ng hininga.

"Bawang? Hindi ako kumain ng bawang," litong komento ng lalaki.

"Eh di mas eww. 'Yan pala ang normal na amoy ng bibig mo," aniya saka pinilit ang sarili na muling mag-focus sa camera kung saan kita sina Deus at Keira. "Can you even listen to them?"

May pinindot na button si Xandros sa hawak nitong itim na remote control at bigla na lamang nilang narinig ang usapan ng dalawa sa living room.

"Hindi ko alam kung saan mo narinig ang bagay na 'yan, Sentry Bloodworth. Ito lang ang masasabi ko, hindi involved si Mr. Black sa Battlefront na 'yan," narinig nilang pormal na sabi ni Keira.

"Paano kung isang respetadong vampire ang source ko?" ani Deus.

"Let me guess, respetado as in the mayor of Surial?" taas-kilay na hula ni Keira.

Hindi sumagot si Deus. Nakatitig lang ito sa babae. It was a silent confirmation.

"Paano n'ya nalaman?" tanong ni Tiana.

"Matagal na akong gustong pabagsakin ni Tamara. She doesn't like me that much," kibit-balikat na sagot ni Xandros.

"Hmm. Did you sleep with her?"

Mahinang natawa si Xandros. "No. She hasn't met me yet but some of my businesses are affecting hers."

"Interesting."

Amused na tiningnan siya ng lalaki. "Don't treat my life like it's a soap opera."

"You can't tell me what to do."

"I can. You are my employee," naglalaro pa rin sa mga mata nito ang amusement.

"Shadow is your employee. Not Tatiana Bloodworth," asik niya and he chuckled.

"Ang sarap mo talagang inisin."

"Oh shut your stinky face."

"So, can I talk to Mr. Black?" muling napabaling sa monitor ng living room ang dalawa.

"He is not available right now. You can set an appointment," sagot naman ni Keira.

Ngumiti si Deus saka tumayo. "I will do that. Thank you for your time."

Tumayo na rin si Keira at nakipagkamay sa lalaki.

Tumalikod na si Deus ngunit bigla itong natigilan habang nakatingin sa may bintanang gawa sa glass.

Kumunot ang noo ni Tiana. Ano ang nakita ng kanyang kakambal?

"By the way," muling tumingin si Deus kay Keira, "does Mr. Black have a sister, girlfriend or wife?"

Umiling si Keira still with her blank face.

"So, the only women here right now are you and the maids?"

BattlefrontTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon