Bored na bored na si Tiana sa kanilang byahe. Naubos na yata niya ang lahat ng movies na meron si Nemorah. Natikman na niya lahat ng drinks at pagkain sa menu ng mga chefs. Ilang buwan na ba sila sa byahe na ito? Tatlo? Apat? She lost count. Gan'on katagal. At napansin ni Tiana na gan'on din ang nararamdaman ng kanyang mga kasama. Minsan nagkikita-kita sila habang suot ang kanilang mga pantulog. Well, maliban na lang siguro kay Nemorah na lageng nakaporma. Hindi yata ito lumalabas ng kwarto nito nang hindi nakapagsuot ng magarang damit at nakapag-make up.
"Good morning, people!" malakas at masiglang bati ni Nemorah sa lahat ng kumakain sa dining hall. Kumikinang ang suot nitong itim na cocktail dress dahil sa mga nakasabit na mga bato doon.
"Pahiram ng shades," sabi ni Xandros na kumakain ng omelette.
"Nakakasilaw ka naman, Nemorah. Wala ka bang mas maliwanag pa d'yan?" segunda naman ni Lois sa pang- iinis ni Xandros.
"Hindi ko kayo narinig. Lumayo kayo sa akin mga hampas-lupa," sagot naman ni Nemorah na tiningnan na ang mga pagkaing nakahain sa serving table.
Tinawanan na lang nila ang babae. Nasanay na rin si Tiana rito. Isa pa, kung maldita itong si Nemorah ay gan'on din naman siya. Mas mabuti pa nga ito dahil pabiro ang pagiging maldita pero s'ya, well, naging saksi ang nanay n'ya kung gaano kasama ang ugali n'ya. At ngayon? Nagsisisi na siya kung bakit hindi n'ya ipinakita rito na mahal n'ya ito.
"You okay?" nagulat na lang si Tiana nang may tumabi sa kanya sa couch na nakaharap sa bintana kung saan kita ang karagatan. May iniabot itong tasa ng kape sa kanya na agad naman niyang tinanggap.
"Thanks. Yeah, I'm fine. Eh ikaw ba?"
Malungkot na ngumiti si Bryce. "I think this is the right path for me. Oo at malungkot ako kasi hinahabol tayo ng ISOP but I can't feel that it's wrong."
Sumandal si Tiana sa balikat ng kaibigan at tahimik nilang pinanood ang malawak na karagatan.
Ilang minuto rin silang nanahimik habang ang iba ay maingay na nagtatawanan at nag-uusap.
"Okay, guys, you better prepare. Makakarating na tayo sa Blackbourne in five hours," biglang anunsyo ni Nemorah kaya napatingin ang lahat dito.
"Five hours? Eh ano ang gagawin natin pagkarating d'on?" tanong ni Keira.
"Xandros?" baling ni Nemorah sa lalaki na agad na tinapos ang iniinom na kape.
"I have a plan. Let's gather here," anang lalaki as he cleared up the table.
Tumayo na sina Tiana at Bryce and for some reason ay tanging sa tabi lang ni Xandros sa kanang side nito ang natitirang bakante kaya doon naupo ang dalaga. Sumulyap sa kanya ang lalaki saka ito bahagyang ngumiti. She avoided his gaze. Bigla siyang nahiya.
Xandros cleared his throat. "Alright. So, this is what we're going to do."
---
Deus just got out of his room to eat breakfast when he saw a lot of Turned vampires walking around the courtyard.
"Ano'ng meron?" humihikab na tanong ni Malik na kakalabas lang mula sa kwarto ni Cole.
"Nag-sleepover nanaman kayo? Para kayong mga bakla," komento ni Deus.
"Eh sa ayokong matulog sa barracks kasama ang ibang Sentry," sagot naman ni Malik. "Ano nga'ng meron? Bakit andaming Turned?"
"Ngayon yata ang botohan ng senate kung papayagan ba ang mga Turned na pumasok ng academy."
"Oh!" naging tensed bigla ang dalawa habang nakatingin sa mga paroo't parito na mga Turned. "What is your opinion, Deus?"
"Tungkol sa sitwasyon na 'to?"
BINABASA MO ANG
Battlefront
VampireTiana had been working hard to prove not just to herself but to everybody that she was one of the best Sentries the world had ever seen. But her fascination turned into an obsession that she could no longer control and it started to jeopardize her l...