Tiana was restless the whole time they were at the abandoned building. It wasn't because of the dust or the pungent smell of the place but because of Simi and the interrogation that was going on.
Nawala ang plano niyang uunahan ang kambal sa witness nito.
Bakit nandito si Simi?
May kinalaman ba si Xandros Black dito?
Most probably, yes.
"Nakita mo ba ang mukha ng Shadow na ito?" tanong ni Deus kay Mister Monster.
"Hindi ko nakita dahil nakamaskara s'ya pero narinig ko ang boses n'ya," sagot naman ng lalaki.
Wala sa sariling itinikom ni Tiana ang kanyang bibig kahit na nakatikom na pala iyun.
"Sa tingin mo, mahuhuli kaya ni Deus si Shadow?"
Kumulo agad ang dugo ni Tiana nang marinig ang boses ni Simi sa kanyang likuran. Kanina pa patamad na palakad-lakad ang babae na para bang sinisiguro nito na nakikita n'ya ito.
"Magaling na Sentry ang kapatid ko," pilit niyang sagot.
Ngumisi ang babae. "Oops. Sorry. Kilala pala nating pareho kung sino si Shadow," mahina nitong bulong sa may tenga n'ya kaya agad siyang napatingin kay Deus na busy pa rin sa pagtatanong kay Mister Monster.
"Shut up or I will rip your heart out right here, right now," ganti niyang bulong kaya agad na nawala ang ngisi ni Simi at umatras ito palayo sa kanya.
"Kapag may iba ka pang maalala please give me a call," pagtatapos ni Deus sa usapan nito with Mister Monster sabay abot ng calling card.
"Sige po. Hindi ko alam na may mga ganitong uri ng fighters pala ang Battlefront. Hindi patas para sa aming mga ordinaryong tao lang. Kaya ang bilis kong natalo," sagot ng lalaki. Hindi nito alam ang tungkol sa mga bampira. Ipinalabas ni Deus na ang nakalaban nitong si Shadow ay isang mangkukulam na nagpa-practice ng witchcraft.
"Oh I get it now...why he's doing this. His ego was hurt. He did not expect to lose to a woman," sabi ni Tiana sa sarili.
Hindi agad umalis ang lalaki. May iniabot munang puting envelop si Simi rito bago ito nagmamadaling tumakbo palayo.
"You paid him?" tanong ni Tiana sa babae.
"Yun ang usapan namin. Magbibigay siya ng impormasyon in exchange of some money," balewalang sagot ng babae.
"You girls doing okay?" tanong ni Deus nang makalapit sa kanila.
"Yeah," ani Tiana saka nauna nang lumabas ng building. She made sure to make a mental note about Mister Monster. Kailangan niya itong mahanap. Kailangan niya itong patahimikin.
And Mr. Black. She needed to see him.
"May lakad pa kayong dalawa?" taas-kilay na nilingon ni Tiana sina Deus at Simi na nakasunod lang sa kanya.
"Meron pa akong aasikasuhin sa city hall. Ikaw?" ani Deus.
"I'm going back to the hotel," sagot niya saka sinulyapan si Simi na bahagyang nakangiti na para bang isa itong anghel.
Hindi nga nag-aksaya ng panahon si Tiana. Agad n'yang sinugod si Xandros Black na nasa isang mamahaling bar kahit na ang aga-aga pa. He was not there to drink alcohol though but to eat.
Naabutan siya ng dalaga na direktang umiinom ng dugo mula sa isang babaeng mortal na may pulang buhok. Si Elaine. A Pureblood's bite was only fatal to other vampires. Not to mortals.
"You want some?" nakangiting yaya ni Xandros kay Tiana pagkatapos nitong sumipsip ng dugo mula sa leeg ni Elaine.
Tiana had good control. Hindi siya basta-bastang nae-engganyo kapag nakakakita siya ng dugo. They were trained to have such control. She had her sustenance from blood bags.
BINABASA MO ANG
Battlefront
VampireTiana had been working hard to prove not just to herself but to everybody that she was one of the best Sentries the world had ever seen. But her fascination turned into an obsession that she could no longer control and it started to jeopardize her l...