27- Royal Invitation

1.9K 101 62
                                    

Maingat na pumasok ng dining area si Tiana at sa tingin niya ay nagsisimula nang kumain ang iba dahil sa ingay ng mga ito.

"Oh, buti naman nandito ka na, Tiana," acknowledge ni Bryce na tinabihan niya sa pag-upo.

Maraming pagkain sa mesa at lahat ay masarap. Baka nga hindi nila maubos ang mga 'yun. Baka mamaya ay magnanakaw siya ng tira para ibigay doon sa mga batang gutom na nasa lansangan.

"This one is delicious," turo ni Bryce sa steak na nasa plato nito kaya ngumiti si Tiana. 

Hindi sinasadyang napasulyap siya kay Xandros na nasa tapat lang niya at nakita niyang nakatitig ito sa kanya. He smiled at her pero nag-iwas siya ng tingin. She felt really awkward. Hindi niya alam kung paano umakto sa harap nito o kung paano ito tratuhin.

"Sino nga 'yung babaeng dinala mo sa library ha, Alexandros?" biglang singhal ni Nemorah kaya napaubo si Tiana dahil sa gulat. Agad namang dumalo si Bryce sa kanya.

"You okay?" tanong ni Bryce at tumango siya.

"Oo nga naman, Mr. Black," segunda naman ni Keira. "Bakit kailangan mong i-risk ang identity mo?"

"Don't worry, guys. Okay? Sigurado akong hindi niya ipagsasabi," sagot naman ni Xandros na nakangiti habang nakatitig pa rin kay Tiana.

Na- conscious naman ang dalaga. Baka makahalata ang iba kaya pinandilatan niya ito ng mga mata kaya mas ngumisi ito pero buti na lang at ibinaling nito sa pagkain ang tingin.

"Bakit sigurado kang hindi n'ya ipagsasabi? Kung 'yang mukha at katawang 'yan ang matitikman ko paniguradong ibo- broadcast ko 'yun sa buong bayan," kaswal na sabi naman ni Lois kaya natawa ng bahagya si Xandros.

"Na-flatter naman," yamot na bulong ni Tiana. Akala niya ay walang nakarinig sa kanya pero tiningnan siya ng lahat.

"Tama na nga 'yan. Ano ba ang kinalaman natin sa lovelife ni Xandros?" sabi ni Bryce kaya nakahinga ng maluwag si Tiana. It just meant that the topic will be put to rest. Hindi man lang nakahalata ang kanyang kaibigan na iniligtas nito ang kanyang buhay.

"Eat more. You're not eating anything," but her peace of mind was cut short when Xandros pushed a bowl of some kind of meat towards her. "Don't make me feed you."

Napangiwi si Tiana nang muling makuha ang atensyon ng kanilang mga kasama. Pinandilatan n'ya uli ng mga mata ang binata at nakita niyang huminga ito ng malalim.

"You too, Bryce. Kumaing mabuti," anito sabay turo sa pagkaing inilapit nito sa kanya. Nagtataka namang kumuha ng pagkain si Bryce.

"Anyways, handa na ba kayo sa fight ninyo this weekend?" pag-iiba ni Nemorah sa usapan. Buti na lang at walang nakahalata.

"Yes," sabay na sagot nina Tiana at Xandros kaya nagkatinginan silang dalawa. Ang dalaga ang unang nagbawi ng tingin saka tumikhim.

"I am always ready," sabi niya.

"Well, you both better be ready always kasi nag-organize ako ng fans club. Sinigurado kong ang members ay super duper fans ninyo. They would kill for you," ani Nemorah.

"Over naman 'yan," natatawang komento ni Lois pero nanatiling seryoso si Nemorah.

"Seryoso kaya. It's one of the questions during the interview."

"Nagpa-interview ka?" natatawang tanong ni Bryce.

"Yup. One way to know their loyalty to the club and to Black and Shadow," seryosong sagot naman ni Nemorah.

"Kung anu-ano na lang talaga ang naiisip mo," naiiling na komento ni Xandros pero nakangiti naman.

"Eh kasi 'di ba ang plano ay kukunin ninyo ang trust ng mga mamamayan? I am doing something here, people."

BattlefrontTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon