"Oh my fudge. It is her."
Naikuyom ni Deus ang kanyang mga kamao nang makumpirmang si Shadow ay walang iba kundi ang kanyang kakambal. They couldn't see her face because of her mask but they knew her so well. They knew how she fights.
Matagal na niyang alam kung nasaan ang Battlefront. Sinabi sa kanya ng mga witnesses na lumapit sa kanya. In exchange of their cooperation, mababawasan ang parusa sa mga ito.
And as for his sister, may hinala siyang involved ito. She was acting all weird and shady so he waited for the pink car to leave Xandros' house and he was devastated to see who the driver was. It was Tiana.
She was hiding something. His gut was telling him that Tiana was the Shadow but he chose to listen to his heart. He decided to believe that she was innocent.
Until now. And it hurt him. The pain was too much. He felt betrayed.
"Oh my fudge. It is her," hindi makapaniwalang ulit ni Malik. Mahigpit ang hawak nito sa Zayin sword.
"Tiana..." mahinang sambit ni Rifka at akmang aakyat na sa cage ngunit pinigilan ito ni Gaius.
"I can't believe it," mahinang bulong ni Deus. Nasa boses nito ang sakit. He felt sick.
Why did his sister do this?
Nakita nilang bigla na lamang napaatras si Tiana na para bang matutumba ito. Sa mukha nito ay ang ekspresyon na parang may iniinda itong sakit. Isang hakbang paatras pa ang ginawa nito at bago pa man ito tuluyang matumba ay nasa taas na ng cage si Atira at sinalo ang dalaga.
"Walang kikilos," si Gaius na ang nagbigay ng utos sa naguguluhang crowd dahil tila na-paralyze na si Deus. Hindi na kasi kumikilos ang binata na para bang maiiyak pa.
Nagkagulo ang mga manonood. Nagtakbuhan ang mga ito palabas ng venue ngunit nakapalibot na ang napakaraming Sentry na may dala-dalang iba't ibang uri ng weapons.
"Sino ba 'tong mga 'to?" sigaw ng isang lalaking mortal. Bitbit pa nito ang isang bote ng mamahaling alcohol.
"Tiana!"
Saka lang natauhan si Deus nang sumigaw si Rifka. Umakyat na sa cage ang kanyang mga kasama kaya sumunod na rin siya. He felt light-headed na para bang masusuka siya.
"Tiana, what happened?" nasa boses ni Atira ang pag-aalala habang kalong ang dalaga na halos wala nang malay.
"This happened," si Malik ang sumagot. Sa ilalim ng kanang paa nito ay ang espada ni Antoine Abellarde.
"Foxglove?" paniniguro ni Gaius at tumango naman si Malik.
"Then she needs my blood," sabi ni Rifka.
"Not here. Masyadong maraming witnesses," sa wakas ay nahanap din ni Deus ang kanyang boses. It was shaky but authoritative.
Kinarga na ni Atira si Tiana at kasama nitong umalis ang mga kasama niya. Nagpaiwan si Deus upang magbigay ng utos sa mga Sentry na kasama nila.
"Dalhin sa ISOP ang lahat ng 'yan," malakas niyang sigaw at agad na tumalima ang mga Sentry.
Pinanood ni Deus ang kaguluhan na nangyayari sa ibaba ng cage. May ilan pang gustong tumakas pero walang kawala ang mga ito.
Now, he had to face the fact that he would be surrendering his twin sister to the auhority as well. Hindi niya alam kung kaya niyang gawin 'yun.
Could he really do that to his sister?
And what would happen to her?
---
Kalmadong sinundan ng tingin ni Xandros si Tiana na halos wala nang malay at buhat-buhat ng isang lalaking may blond na buhok na halatang nag-aalala para sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Battlefront
VampireTiana had been working hard to prove not just to herself but to everybody that she was one of the best Sentries the world had ever seen. But her fascination turned into an obsession that she could no longer control and it started to jeopardize her l...