Loud cheers and booing filled the whole place as the fight inside a caged ring continued. Dalawang malalaking lalaki na parehong mortal ang kasalukuyang naglalaban. Nagpapalitan ng malalakas na sipa at suntok ang dalawa at puro pasa na ang mga ito. At hindi nagtagal ay natapos ang laban. Talo ang mas malaking lalaki. Sa dibdib nito ay nakabaon ang isang patalim.
"And the winner is Doctor X!" malakas na anunsyo ng announcer na may hawak na microphone na nakasabit sa gitna ng ring.
Malakas na sigawan ang naging sagot ng crowd.
Battlefront. It was the biggest underground fight-to-the-death gladitorial tournament in Surial, or in the continent perhaps. Marami ang mga sumasali sa event na ito dahil sa prizes. Pwedeng milyon-milyong salapi, mansyon, isang malaking kompanya, pwede ring collection ng vintage cars. Depende iyun dahil nagbabago iyun bawat taon.
And this year? An enormous manor in Athenun. Sino ba naman ang hindi maeenggangyong sumali? Kaya naman, may iba't ibang uri ng bampira, witches at mortals na sumasali sa Battlefront kahit na may fifty percent chance na mamamatay sila sa loob ng malaking cage na iyun.
"Ang susunod na laban..." sabi ng announcer na nakatayo sa gitna ng cage.
Hindi pa man ay malakas nang nagsigawan ang crowd. Marami sa mga ito ay nagwawagayway ng kanilang pera dahil sa kanilang mga pusta.
"Mister Monster..."
Malakas na palakpakan nang umakyat sa cage ang isang matangkad at malaking mortal na lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo at may hawak na machete dahil allowed silang gumamit ng isang weapon.
"And the Shadow!"
Halos mayanig ang buong lugar dahil sa lakas ng sigawan nang lumabas ang isang babaeng nakasuot ng jacket, pants, boots and overall coat na all black and leather. And on her face was a black masquerade mask with a silver skull in the middle.
Ang Shadow ay isa sa pinakamalakas na fighter ng Battlefront. She started in the Battlefron about six months ago and she had never been defeated. Marami na rin siyang fans kaya lageng puno ang arena kapag meron siyang laban. Sa katapusan ng taon, kapag napanatili niya ang standing sa competition, ay makakaharap niya ang champion ng Battlefront na walang iba kundi si Antoine Abellarde.
Nakatayo na ngayon sa gitna ng cage sina Mister Monster at Shadow. Lumabas na ang announcer habang hawak pa rin ang mikropono.
Sumenyas si Mister Monster kay Shadow na gigilitan siya nito ng leeg pero isang mapanuyang ngiti lang ang isinagot ng babae.
"Ready, fight!" sigaw ng announcer at mas lumakas pa ang sigawan.
Hindi nag-aksaya ng panahon si Mister Monster. Agad itong umatake kay Shadow. At dahil isa itong mortal, masyado itong mabagal para sa isang vampire-witch na katulad ni Shadow. Mabilis siyang umilag at pinatamaan ng isang simpleng suntok ang leeg ng lalaki. Dilat ang mga matang bumagsak ito kasabay ng malakas na sigawan ng crowd.
Shadow was not a very patient fighter. Hindi niya pinapatagal ang isang laban dahil ayaw niyang magdusa ang kalaban lalo na iyung mga mortal na walang alam kung anong uri ng nilalang ang mga kalaban ng mga ito.
"And the winner is the Shadow!" malakas na sigaw ng announcer.
Tila walang ganang lumabas ng cage ang Shadow at dumiretso ito sa fire exit, straight outside where an old stinky dumpster was.
Hinihingal na naituko niya ang kanyang mga kamay sa madumi at basang pader habang habol pa rin ang kanyang hininga.
Muling bumukas ang fire exit at naramdaman niya ang paglabas ng isang Pureblood.
BINABASA MO ANG
Battlefront
VampireTiana had been working hard to prove not just to herself but to everybody that she was one of the best Sentries the world had ever seen. But her fascination turned into an obsession that she could no longer control and it started to jeopardize her l...