12- Final Fight

2K 119 15
                                    

Dahan-dahang iminulat ni Tiana ang kanyang mga mata at wala sa sariling napatitig sa bintanang gawa sa salamin. Mataas na ang sikat ng araw ngunit wala pa rin siyang ganang bumangon.

Today was the day she'd been waiting for.

The Battlefront finals.

Mamayang gabi ay makakaharap na rin niya si Antoine Abellarde. Matagal niyang hinintay ang araw na ito pero bakit hindi siya masaya? In fact, ang bigat ng pakiramdam niya.

Nakarinig siya ng tunog ng motor sa labas ng kanyang bahay kaya umupo na si Tiana sa kanyang kama. Ilang segundo pa siya sa ganoong ayos bago siya tumayo at lumabas ng kanyang silid.

"Dude, you gotta stop wearing chemise when I'm around. Lalaki pa rin ako, Tiana. I'm not harmless," ani Bryce na natagpuan niya sa may kusina. Kasalukuyan nitong nilalapag sa island ang dalawang tasa ng kape at isang box ng donuts na tinake-out nito sa isang mamahaling coffeeshop.

"I don't think so," kaswal niyang sagot at patamad na naupo sa stool sa may island at kumuha ng donut.

"You don't think I'm not harmless?" nanlaki ang mga mata nito na para bang nasaktan sa sinabi n'ya.

"Oh, I know that. You're a Pureblood. Duh. But I can give you more harm if you try something funny."

Tumangu-tango ito. "Fair enough."

Uminom naman ng kape si Tiana saka muling binalikan ang box ng donuts. Sunud-sunod ang ginawa niyang pagkagat.

"Ano'ng problema mo?" nagtatakang tanong ni Bryce.

Nagkibit siya ng balikat.

"Uy, uy, uy. Don't tell me kinakabahan ka para sa fight mo mamaya?"

"Para sa fight? No way," sagot niya. "Wala lang ako sa mood."

"Magtino ka, Tiana ha. Malaki ang ipinusta ko sa'yo."

"I will win, okay? Para ka namang walang tiwala sa akin."

"Now that's what I'm talking about. Hala sige na. Kumain ka at maghanda na. Maya-maya lang ay paparito na sina Mr. Black para siguraduhing ready to go ka na fight mo mamayang gabi."

Tiana hissed. Kung bakit kasi kailangan pa siyang abalahin. Dati naman ay hinayaan lang siya ni Mr. Black kapag may laban siya pero iba ngayon. For the past week, masyado itong involved sa trainings niya. Halos araw-araw itong nasa bahay niya para panoorin siya o kaya ay sa bahay nito siya nagti-train.

"Alam mo, dapat matuwa ka. Sa wakas ay ito na ang huli mong laban. Pagkatapos nito, manalo man o matalo, though sigurado akong mananalo ka, ay hindi ka na mag-aalala na baka malaman ng ISOP ang tungkol sa involvement mo sa Battlefront. Tapos lahat ang kinatatakutan mo."

Napaisip si Tiana. Tama si Bryce. Pagkatapos ng araw na ito, hindi na siya matatakot na baka ay mabisto siya ni Deus. Dapat pala ay maging inspired siya.

"Oh, biglang nagbago ang mood mo?" gulat na napalayo ito sa island nang bigla siyang tumalon at nag-inat ng mga braso.

"You're right. Dapat masaya ako na sa wakas ay matatapos na rin ang problema ko kay Deus. And as far as I know, hindi pa rin niya alam kung nasaan ang location ng Battlefront. So, kung ipagpapatuloy niya ang paghahanap nito later, then I'm gone. This will be my first and last year in this competition."

Tumangu-tango si Bryce. "Tama 'yan. Tama! Kaya maghanda ka na bago ka pa maabutan ni Mr. Black na ganyan ang ayos mo."

Napatingin si Tiana sa sarili. Oo nga pala. Nakasuot siya ng kulay pulang chemise. She looked very seductive. Hindi nga lang niya ma-feel 'yun kapag si Bryce ang kaharap. 

BattlefrontTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon