23- Task at Hand

2.1K 115 13
                                    

Nadatnan ni Tiana si Xandros na nag-eensayo gamit ang isang matulis na spear na gawa sa bakal. Nasa isang malaking silid sila sa mansyon nina Nemorah. Sa dami ng kwarto sa bahay na iyun ay pwede nang magpatira ng daan-daang homeless people ang babae.

"Hey," nakangiting bati ni Xandros pero hindi naman tumigil sa ginagawa.

"Hey," sagot naman ni Tiana na nakaramdam ng bahagyang pagkailang. Kumuha siya ng mahaba na espada mula sa ilang mga weapons stands na nasa isang gilid. Sinulyapan n'ya si Xandros at nahuli niyang nakatingin ito sa kanya saka ito huminto sa ginagawa.

"You ready?" nakangiti nitong tanong.

For some reason ay naiinis si Tiana sa lalaki dahil tila balewala lang dito ang ginawa nito kaninang hapon.

Did he do that without knowing o talagang gan'on lang talaga ang ugali nito?

She decided to ignore her confused emotions and without any warning, she attacked him full force.

Nagulat si Xandros pero mabilis itong nakatalon paatras. A smug smile appeared on his lips as he prepared for another attack. He held his spear with his right hand.

"C'mon. Show me what a Sentry can do," hamon ni Xandros kaya naman hindi na naghintay ng pangalawang imbistasyon si Tiana.

She ran towards him and when she was close she jumped and lifted the sword aiming him in the heart. He dodged it with his spear.

"Did you just try to kill me?" amused na tanong ni Xandros. Ni hindi ito nagulat sa ginawa n'ya.

"This is how Sentries train," naka-smirk namang sagot ni Tiana na pinaikot ang espada habang nakahawak sa hilt niyun. Naiinis talaga siya rito.

"Nice," ani Xandros na muling pumosisyon para sa susunod niyang atake at pinagbigyan naman niya ang lalaki.

They didn't hold back. Each trying to hurt the other with their weapons.

Napansin ni Tiana na mabilis si Xandros kaya napaisip siya kung nagti-train ba ito kahit noong nasa Vergaemonth pa sila. Magaling din itong gumamit ng spear. At dahil mas mabigat ang spear nito kumpara sa kanyang espada, mas kinailangan niyang mag-exert ng lakas para sanggain ang bawat atake nito.

"You are not bad as a spar partner," nakangiting komento ni Xandros nang saglit silang humiwalay sa isa't isa.

Tiana smirked. "You're not bad yourself. Sanay ka yatang makipaglaban."

"I had trainings," kaswal nitong sagot. "Keira trained me as well."

Of course she did, naisip ni Tiana. Keira was a Sentry like her. Given na na magaling din itong makipaglaban.

"Again," ani Xandros sabay ngisi and Tiana willingly obliged. Inatake n'ya uli ang lalaki.

Tatlong oras silang naglaban nang wala man lang pahinga. Both of them felt drained lalo na si Xandros na hindi sanay ng gan'on katagal na training. Tiana on the other hand enjoyed the feeling. Matagal-tagal na rin mula n'ong nakipaglaban siya sa Battlefront. At totoong masarap ka-spar si Xandros dahil hindi siya nito tinatrato na mas mababa o mahina. He saw her as an equal opponent in strength and abilities. Now that was gender equality.

"How was the training?" tanong ni Nemorah nang pumasok si Tiana sa parlor. Kasalukuyan itong umiinom ng tea habang nakasuot ng puting magarbong dress at high heels. Palagi talaga itong postura.

"Fine," sagot niya. Nakaligo na siya at nakapagpalit ng komportableng itim na jogging suit. "Where are the others?"

"Oh. Keira and Bryce are in the city. Gathering intel they said pero tingin ko magdi-date lang 'yung dalawa."

BattlefrontTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon