Chapter XVIII: Brent's into her

960 38 26
                                    

🎉HAPPY 1k, HAISIY🎊
Z A U N E A

"Oh sa'n ka galing?" Tanong ni Papa habang nagmamano ako.

"Sa mall po. " mahina kong sagot. Nandun si Mama. Alam kong alam na rin naman ni Papa ang nangyari.

Papa knows everything. Yun nga yung isa sa mga barriers kung bakit I can't open up to myself. She tells everything to Papa kasi she always doesn't know what to do. Naalala ko dati, I was trying to open up to her na someone is trying to court me. She spilled everything to my father and the entire family like I lost my virginity. Tangina. I felt nothing but regrets. Alam mo yun, casual mother-daughter talk sana. Napunta na sa kuhaan ng cellphone, mabubuntis ako, maghihirap ako at kung ano-ano pa. She couldn't handle me. Neither my siblings.

Since then, never ko na triny na magkwento. She never listened na rin naman. Tapos pag sila nakakatuklas sasabihin bakit ko raw itinago sa kanila ganto ganyan. So sa'n po ako lulugar?

Nagbless din ako kay Mama. She's still my mom after all. She still provides our financial and physical needs. I am indeed grateful pero I still can't help but think of having a good relationship with my birth giver.

Ewan ko, iba kasi talaga eh. Even with my siblings. It may be small things na naggrow nalang habang nagogrow din ako. Tapos tumatak sakin. Alam mo yung internally hoping ka nalang? Di mo na malagyan ng actions kasi napapahiya ka lang. Sya pa galit. Tapos pag nagkakachance na magconfess kami sa isa't isa parang kasalanan ko pa. I'm just fed up already to the point na pag nagkwekwento sya ng mga issues sa relatives namin wala na akong pake kung nareretoke yung kwento.

Pumunta ako ng kwarto, nagbihis. Nagcr. Umiyak. Naghilamos. Lumabas. Tuloy ang buhay.

Naalala ko na naman dati, I got 99 as my final grade in Journalism. My Dad almost threw up sa sobrang saya. You know what she said? Haha. " sus yung pamangkin mo nga na Kinder sa Tarlac dalawa 99 eh" natawa rin ako. Tangina. My Papa defended me that night, he wasnt that serious pero he said " nasa probinsya ba anak mo? Saka ano ba tinuturo sa Kinder? Color?" Tapos grabe nagcecellphone lang ako kahit memes yung nadadaanan ng scroll ko iyak ako ng iyak. Gusto kong isuka yung sarili ko, sana Kinder nalang ako.

"Kain na." Mama invited me to the table na parang walang nangyari. Pero di naman sila sasabay.

I sat there alone and ate.

*buzzz buzz*
Kinapa ko yung bandang tyan ko.
"Hala!" Hindi ko napigilan bibig ko. Naiwan ko pala yung sweater ko, favorite ko pa naman yun huhuhu!

Napatingin sila Papa sa akin. "Naiwan ko pala yung sweater ko dun sa mall" kwento ko.

"Ah wala na yun. Wag ka na umasa" dagdag ni Mama

Lalo tuloy akong nanghinayang.

Nagmadali akong kunin yung phone ko sa wallet ko.

Me: cci!!!!! Nakita mo ba tung sweater ko??

Me: naiwan ko ata, favorite ko pa naman yun 😭

Ricci: Hello, Zaun-zaun ko!!!

Ricci: hala sorry i missed an eye on it too! Sa'n ba galing yun?

How am I so into you? (RICCI RIVERO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon