Chapter VI: Oplan Sorry: Day 2

1.1K 42 11
                                    

R I C C I

Tinignan ko ng masama si Kuya Prince. Hindi ko pa alam paano ko ieexplain yung video clips sa parents ko.

"Yung naka braces 'nak?" Tanong ni Mama

"Opo-"
"Oo, Ma. " sabay naming sagot ni Kuya Prince na syang nakangisi pa rin.

"Hay nako, Kuya Prince. Very clear nga sya magsalita eh. Kaya siguro sya hinahanap ng mga fans mo sa Twitter. " pag saway ni Mama kay Kuya at kinagulat ko rin. They must have seen it already. Lagot talaga ako kay Dad. Nagkatinginan kami ni Kuya Prince habang nakangiti sya ng nakakaasar.

"Sino yun, Abi?" Pagtataka ni Papa.

"Nung lumabas ka kasi para kunin yung car may naginterview kay Ricci. Tapos ngayon ang daming kumakalat na Are you full na baby?" Natigilan si Mama kasi tinapik sya ni Riley kasi ayaw na nya yung food nya.
Napabaling naman ng tingin sa'kin si Dad waiting for me to answer instead.

"Wala yun Dad, inaasar lang ako dun sa reporter. Di ko sya kilala eh. Kahapon ko lang nameet" kalmado kong sagot para hindi nya na isiping kailangan pa ng detalye.

"Gusto mo naman hahahaha. Tsaka anong nameet? Eh hindi mo nga narinig yung pangalan. " pageepal ni Kuya Prince.

"Siguraduhin mo lang ha? Di ka naman nila aasarin dun kung wala kang ginagawa. Kapangalan pa naman kita. " nalunok ko yung hiwa ng spam ng hindi nginunguya. Napainom tuloy ako ng tubig.

I really need to find that girl. I can't leave that kind of impression to the public, and to her.

______________________________________________________
A B I (RIVERO's MOM)

Kanina pa nagsisipaan itong dalawang magkapatid sa ilalim ng lamesa. Tuloy ang kantyaw ni Prince sa nakababatang kapatid.

Ano kayang nangyari dito kay Ricci?

Pagkatapos ng almusal, maaga pa masyado para sa training nila. Kinatok ko si Ricci sa kwarto niya pero parang di nya ito narinig. Binuksan ko nalang ito at nadatnan sya sa harap ng laptop nya na aligagang aligaga.

" Nak? Ano ginagawa mo?" Tanong ko at umupo sa kama nya.

"Hi Ma, ano kasi Ma eh.." napatigil sya at sinapo ang muka nya.

"Ano yun anak? Yung reporter? Ano bang nangyari at sige ang kantyaw ni Kuya mo?" Pag-aalala ko habang nagtutupi ng mga nakakakalat na damit sa kaniyang kwarto.

"Ma kasi diba yung sa mga videos na pinopost nung mga nakakapanood? Ang daming nagsasabing pinagnanasaan ko daw yung reporter kahapon. Gusto ko sanang magsorry sa kanya kaso di ko sya mahanap s kahit saan. Lahat ng video clips hindi umaabot sa pagbanggit nya ng pangalan. Hinanap ko rin sya sa mga pictures sa site ng Diem Mirror pero wala sya. Lagot ako kay Papa. " Naawa naman ako. Hindi madali para kay Ricci na maging ganito ka publiko ang lahat ng galaw nya.

"Imposibleng walang nakakakilala sa kanya anak ano ka ba. Mahahanap mo yun. Masaya ako na gusto mong magsorry sa kanya. Pero aminin mo, iba talaga tingin mo sakanya hahahahaha" pang-aasar ko sa kanya at kinurot sya sa kanyang tagiliran. Halata naman. Kilala ko ang anak ko at nandun ako nung kinakausap sya mismo.

"Mama naman eh! It's your fault nga, you pulled me away para magpunas ng pawis nung sasabihin nya na yung name nya eh. " pabirong sabi nito.

"Aba? Kasalanan ko pa? Pero sige anak, wag ka magalala magtatanong tanong din ako. Tulungan kitang maghanap. " baka naman may nakapagfilm nh full video nung interview o kaya naman baka may nakakakakilala dun sa batang iyon sa media.

"Thanks, Ma. Alis na rin po ako maya-maya for training. "

________________________

I came here a little earlier kaya ako palang at si Kuya Prince.

I was practicing hoops when I remember the reporter na naman. I wonder if she saw me playing talaga. She didn't seem to like me as much as other girls. Not bragging pero, she was far from them who's head over heels talaga. Sobrang attracted talaga ako sa ganun ka-professional sa work. She was articulate, she had the humor. Kahit muka akong nakatanga lang sa kanya, trust me, I was listening to her. And God, when she says 'ree-chee', making her lips stretch from ear to ear, you don't even know.

I paused from my shooting drills for a while at tinanaw yung part kung saan nya ako ininterview.

Man, she got me so messed up

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Man, she got me so messed up. It wasn't my first time naman. My first time was clearly remarkable to me pero this one? Lord, sana naman di ito yung last.
___________________________
Z A U N E A
I came to the office quite late kasi Philippine traffic, hello?

And to my surprise, akala ko it was a simple lunch celebration na they were referring to pero simula sa guard ng office cinongratulate na ako.

"Good morning Ma'am! Congratulations po!"

"Good morning Kuya! Salamat po" sabi ko at pinagbuksan nya pa ako ng pinto kaya naman yumuko ako bilang pasasalamat.

"CONGRATULATIONS, MS. RODRIGUEZ!" They all screamed. They were all out of harmony pero I'd still make it my ringtone if I could.

Medyo napatakip ako ng tainga dahil narin sa pagputol ng mga party poppers.

"Congratulations, iha! You changed Diem Mirror's game." Nakangiting sabi ni Mrs. Urdaneta sa akin at lumapit upanh yakapin ako. Nakakatuwang nandito sya kasi madalas syang nasa kabilang office lang.

"We can't wait to add you on our official staff, Ms. Rodriguez!"  Sabi naman ng online publications head namin. Sa ngayon kasi hindi pa ako official, as I've said, intern palang ako and I'm still in college kaya wala pa talaga ako sa site or sa listahan ng journalists dito.

"Thank you, I couldn't thank you all enough for this achievement. I myself am still in the process of internally slapping myself from this dream..." Natawa naman sila at pati na rin ako.

"As an intern, I felt more of a child in here, learning to grow, you know, baby steps. But you guys... you have given me the chance to at least be a toddler on my own for giving such opportunities na ikinauutot ko off cam. Hahahahahha! But really, thank you. " emosyonal kong pasasalamat. Lalo na kay Sir Paco.

⚠️ Votes and comments would greatly help me 💞

Thoughts? Tweet using #SoIntoRR

How am I so into you? (RICCI RIVERO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon