Chapter L: Another lie

578 29 3
                                    

Z A U N E A

Halos magtithree weeks na syang busy, magtithree weeks na rin na sa gabi lang kami nakakapagusap, parang hindi nga usap eh. We just make sure we both get to sleep reminded that we love each other.

Ricci
Love, I'm home. Long day. I'll sleep na. Ikaw din po. Love u

Hanggang sa kagabi

Ricci
Rest na ko. Ily

nalang. I mean, I understand, I have to, but somehow, ang hirap pala 'no?

Every morning I wake up hoping I could I finally see him or at least talk to him. Pag uuwi ako galing school iniisip ko baka biglang nasa labas sya kaya lagi akong nagmamadali pag uwi. Pag wala sya sa labas, iniisip ko nasa lobby sya ng dorm pero nung nakaraan sabi lang ng front desk attendant "Kumusta si Sir Ricci, Ma'am? Parang matagal tagal nang hindi bumibista ah. " napangiti nalang ako at sinabing "Busy lang. ". Pag wala sya dun, I'm hoping he made his way upstairs kung nasan yung room ko. Ahh, baka nasa loob na sya? You know, he's unpredictable. I predicted him wrong. He still wasn't inside. Baka papunta na, natagalan lang. Hanggang sa makatulog nalang ako at isipin na, baka bukas nalang.

Ed Sheeran's concert is next week, it's my first concert, and my first concert happens to be with Ricci Rivero.

I wanted to remind him kaso baka marami pa syang iniisip. Baka pagod pa sya, baka wala pa sya sa mood.

How about if I bake something for him? I keep baking for other people pero it's been a while since I baked something for him.

I think he likes chocolate cakes but he deserves bananas and peanut butter more kasi mas nutritious. He mentioned he once drank strawberry juice from Tita Abi and loved it pero baka sa drink lang and he likes red velvet more kasi he ate a lot when I gave him some before.

Aish! Tatanong ko na nga lang!

Kaso baka busy sya. Mamomroblema pa sya sa cake.

"Ate.." Blake barged in the living room disturbing my cake meditation.

"Ano?" Iritableng sabi ko.

"May dalawang delivery pa, pagod na ko eh, may assignment pa kasi ako.." palusot pa 'to. Nagcomputer kasi kanina kaya hindi nya nagawa yung assignment nya.

"Pasalamat ka wala akong ginagawa. Sige na, ba't ba kasi ngayon lang 'to? Hapon na ah?"

"Eh alangan naman tanggihan nila Mama. Saka ang layo, malapit ata yan sa dorm mo. "

I looked at the bill and the delivery address. Ang layo nga huhu. I have no choice, bawal tanggihan ang grasya.

____

Naihatid ko na yung isang cake sa parang call center company and yung next delivery address ay residential na hindi ko mahanap hanap. Sa'n ba yun?

Mabuti nalang at motor ang ginagamit namin for delivery kaya naman madaling makasingit singit sa nagdagsaang mga truck sa Maynila. Isang araw, lalaki ng ganun yung business ko, yung ganun na kalaki yung delivery vehicle ko. Tapos magsasmuggle ako ng mga bawang at sibuyas galing China.

How am I so into you? (RICCI RIVERO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon