Chapter XLII: Hot Night

973 49 11
                                    

Z A U N E A

A lot of things have changed after that. At least in the cyber world. Clips of the interview felt like a spam in Facebook, Twitter and other platforms. As much as they were 'gulantang-ed" ganun na ganun din ako. Or even more.

Umuwi ako sa dorm ng tulala. Is this all really happening?

Pagakyat ko sa kwarto, nakita ko si Ricci nakatayo. Nakangiti.

"Hello." He said and pinched my nose. I gave him a weak smile with my droopy shoulders.

"Okay ka lang?" He held my shoulders.

"Pagod lang. " mahina kong sagot.

"Sorry."

"Para saan?"

"Wala akong magawa para hindi mo maramdaman yan. "

Oo tangina.

"Oo nga eh. Kakainis"

Binuksan ko na yung pinto sa kwarto ko at pumasok. Hindi ko na rin sya inintindi.

Sumunod sya sakin at pumasok rin.

"Gabi na, baka pagalitan ka nila Tita. May mangyari na naman sa'yo. " pagod kong sabi habang naghuhubad ng sapatos.

"Can I sleep here?"

XoX

"Bakit? Wala na ba kayong bahay?"

I'm not used to having sleepovers. Yan ang laging tanong ng magulang ko if I dared to ask for permission para magsleepover.

"Meron pa naman.." he said but I was too drained to get into the humor.

"Cci.. umuwi ka na. Pwede naman tayo magkita bukas eh. Sabado naman.." sabi ko habang nakahiga na't nakapikit ang mga mata. Di ko na kaya.

Di ko naman na sya narinig. Umalis na siguro. Sana lang nilock nya yung pinto.

-

Nagising nalang ako ng pawis na pawis. Grabe sobrang init, abot singit, ang kati pa sa anit. Bumangon ako at nakitang tumigil yung elisi ng electric fan ko. Badtrip naman oh!

San ako bibili ng electric fan sa oras na 'to? Sa 7/11?

Tatayo na sana ko para pukpukin ng kaunti ng makita ko si Ricci na nakaupo sa lapag leaning on my bed so soundly. Akala ko umuwi na 'to? Anong oras na ba?

Kaloka ala una na nandito pa 'to!

Nagising naman sya siguro naramdaman nyang tinitignan ko sya.

"Uy bakit gising ka na?" Bungad nya.

"Ikaw kaya, bat ka dito natulog? Baliw bawal dito. Pag tayo nahuli lagot ako.." napakamot pa ko ng ulo. Tumayo ako at sinigurong naka lock ang pinto ko.

"Ano naman kung nandito ako? Matutulog lang eh. Lock lock ka pa. Gusto mo ba?"

Aba.

"Ikaw? Gusto mo ba? Gusto mo ba sapakin kita?"

Kung hindi lang 'to si Ricci baka nagkatotoong nasapak ko to.

Tawa naman si tanga.

"Hala, nasira yung electric fan mo?" Nakita nyang di na 'to umaandar kaya tumayo sya at tinignan kung may magagawa sya.

How am I so into you? (RICCI RIVERO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon