Chapter XXXVII: In my house, my room, my bed

753 47 25
                                    

Z A U N E A

Binaliwala nalang ni Ricci yung sinabi ni Sasha. I don't know why Sasha's being a bitch around Ricci. Well ganun naman na sya before pero she's not that hard to be with.

Mabuti nalang at hindi na pinatulan ni Ricci at nagpatuloy nalang sa pagpunas ng lamesa. Tinapos ko na rin ang nga hugasin ng marinig kong may binabati sila Mama sa gate. May bisita siguro.

Naunang pumasok si Papa. "Sa taas muna kayo 'nak" sabi nya at tinanguan naman namin sya nila Blake.

Sumunod naman kami and went upstairs. Ako, si Sasha at Danelle sa kwarto ko. Samantalang si Blake at Ricci, sa kwarto ni Blake. Nakita rin siguro ni Ricci sa pinto ko na "STRICTLY NO BOYS ALLOWED" ang nakalagay. It was actually for Blake. Kahit na hindi nya naman sinusunod, at least I already warned him.

I packed a few things I left here that I want to have in the dormitory while Sasha and Danelle were playing with ny dolls. Yes. I have dolls. I have more dolls than Danelle. May problema?

"Z, where's your comfort room? She needs to pee daw.." pagtawag sakin ni Sasha habang karga karga si Danelle.

"Ayy sige. Ako nalang Sasha. " Lumapit ako at kinuha si Danelle at kinarga rin. Kaya naman na ni Danelle umihi magisa kaso di nya abot yung toilet bowl namin. Ayaw naman sya bilhan nila Mama nung kiddie toilet talaga kasi sandali nya lang naman daw magagamit. Kaya kung hindi mo isasampa sa bowl, iihi sya sa lapag. At ang panghi.

Iniwan ko na muna si Sasha sa kwarto magisa at dumiretso sa CR.

Pinatong ko na sya at pinaihi. Pagkatapos nya, "Ate, tawberry milk.." bulol nyang sabi. Natakam din tuloy ako.

Kaso naalala ko, para makapunta kami sa kusina dadaan kami sa sala. Eh nandun yung mga bisita.

Eh, bahala na. Strawberry soy milk >>>>>> bisita na kailangan magmano tapos sasabihin ang laki ko na.

Pagdating namin sa sala. Nagmano na kami isa isa eh anim sila. Akala ko magkakakalyo na kami sa noo eh. Mga kaibigan ng family namin dito sa subdivision. May dala pang puto.

"Dane, kuha ka dalawa. " bulong ko kay Danelle. Sumunod naman sya. Perks.

"Dalaga ka na! Dati parang ikaw lang 'to si Dane eh. Ngayon lumalabas ka na sa TV" sabi nung isa. Syempre ngumiti ako. Aheheheh talaga po? Sarap po ng puto.

"Magiingat ka dun sa Ricci Rivero. Iniissue kayo tapos hindi naman sya nageentertain at sinasabing totoo. Baka nakukuhaan ka na nya ng advantage kasi sikat sya.." babala nung isa. It's not like he's going to get something from me hellerrrr???

"Magkaibigan lang po kami hahaha" sabi ko naman sakanila pero napaisip din ako huh infairness.

I don't think he's taking any advantage from me besides our.. friendship?

And if that's true, I benefit from that too kasi masaya naman talaga syang kasama.

"Edi sana sabihin nya. Gusto lang n'on na uminit pangalan nya sa balita. " bat ka galet Ate?

Besides, he's big na before I even met him. He doesn't need me pero nandito sya.

Kung makapagcomment at isip kami parang wala sa kami sa iisang bubong nila Ricci eh no?

How am I so into you? (RICCI RIVERO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon