Z A U N E A
It's Ricci's tenth day, the tenth day he's supposed to tell me what happened at the hospital.
"Zaunea, bakit ba kasi hindi mo pa sya iconfront?" Lauren asked. She started visiting me since the day she told me about what she saw at the hospital. Mapa sa family home man o sa dorm, dinadayo nya ako.
"Eh baka naman kasi aamin na sya. Baka busy lang, baka nakalimutan nya lang. Lowbat lang yun. Okaya baka bawal sya magphone. Toxic kaya ng social media nya, lalo na sa panahon ngayon.." i reasoned out.
"Putangina." She hissed and grabbed my face.
"Zaunea, tumingin ka sa'kin" she said squeezing it tighter.
"Ginagago ka na. Naiintindihan mo ba 'yun?" dagdag nya na medyo naalog ang mukha ko sa pagkagigil.
"Grabe ka naman. Syempre may pinagdadaanan yung tao, alangan namang isabay nya pa 'ko sa intindihin nya." Sabi ko at tinanggal ang kamay nya sa pagkakahawak nya sa pisngi ko as if she was being pathetic.
"Pinagdadaanan? Ikaw? Yang mukha mo, hindi nalang mata maga sa'yo kakaiyak, pati buong mukha mo halos lumuha na, wala kang pinagdadaanan sa lagay na yan?" Sabi nya at hinawakan ulit ang mukha ko.
"Aray ko naman! " pagrereklamo ko kasi mas humigpit na yung hawak nya ngayon.
"Ayan teh! Umaray ka, hindi yung sinasaksak ka na sa likod, ngumingiti ka pa!"
"Lau, hindi madali yung trabaho ni Ricci, kung meron man akong gustong iopen sakanya, hindi ngayon yung panahon para dun. "
"Eh kailan pa? Pag tinanggap nalang nyang puso mo na ganun nalang? Uy teh wag kang feeling GomBurZa, di ka martyr. May panahon sya makipagusap dun sa ex nya pero sa'yo, ano, good night i love you lang?"
Minsan gusto ko nang sampigahin 'to si Lauren sa sakit ng mga sinasabi nya. Hindi ko alam kung totoo ba yung mga sinasabi nya kaya ako nasasaktan o dahil lang din sa mga pinagiiisip ko.
Pati sila Vich napansin na maga ang mata ko sa pagpasok.
Pa'no ba naman, kung masakit nung nalaman ko na hindi nya sinasabi sa'kin, mas lalo akong nasasaktan sa gabi pag binabati nya ako ng good night at I love you pero hindi nya pa rin binabanggit. Tuwing gabi, umaasa ako na baka this time, aminin na nya. Pero hindi pa rin eh.
I wanted to ignore what Lauren was telling me so I jumped to my Twitter account. I saw tweets raving about how they are anticipating Ed Sheeran's concert, bukas na pala.
Wala pa rin akong nararamdaman na plano namin ni Ricci. Maiintindihan ko naman eh, sana lang sinabi nya kasi hindi ko alam kung may inaantay pa ba akong mangyari.
"Huy! Aalis na 'ko kako!" Pagkalabit sa'kin ni Lauren.
"Sorry, may iniisip lang. Bukas na kasi yung concert ni Ed. Di ko alam kung tuloy kami kasi hindi namin pinaguusapan.."
"Zaunea, we both know you're better than that. Help yourself." I just stared blankly to my cold hands.
This is my way of helping myself. I need Ricci, I love him, even if it includes this period off ours. I am helping myself..
"Thank you, Lau." I said wiping my nose. I know that wasn't enough for me to show how grateful I am for having her, but that's all I can say for now.
BINABASA MO ANG
How am I so into you? (RICCI RIVERO)
Fanfiction"How am I so into you after all, Ricci Rivero?" Highest Rankings: #1 in Chicklit #1 in fangirl #48 in fanfiction Started: 04|10|18 DISCLAIMER: The author of this book belongs to someone in this joint Wattpad account. Concepts may or may not be join...