Chapter XVII: Mom's into her

972 46 35
                                    

🎉HAPPY 1K HAISIY🎊

Z A U N E A

It was gettting late already so Ricci advised me na ihahatid nalang nila ako ng driver daw nila. Yaman, may pa driver.
"Sabi naman kasi sayo, okay lang na maguber ako. Ang layo kaya ng bahay nyo samin babalik ka pa sobrang out na ng way nyo. " sabi ko sa pagkahiya sa kanya habang hinihintay namin yung car nila sa pick-up spot.

"Can't risk it. Lalo na ngayon I'm getting to know you, lalo kitang navavalue.." and he smiled sweetly na parang yinayakap ako ng bawat salita nya.

"Baka masanay ako nyan, Pao-pao" malungkot kong sabi. Nakakatakot kaya.

"I like maintaining you. " he answered.

His car came with his driver who hopped out and opened the passenger and the backseat's door for us but he refused.

"Sa likod nalang ako Kuya. "He told the driver and guided me inside the backseat.

"Good evening Kuya!" Bati ko kay Kuya.

"Good evening Ma'am" sagot nito.

"Zaunea nalang po. " at ngumiti naman ito sa akin at binuksan yung radio.

"Ricci, bakit di ka nalang dun sa harap umupo?" Pagtatanong ko tapos bigla naman nyang pinatong yung ulo nya sa balikat ko.

Yung mga buhok nya patuloy na tumutusok sa mukha ko kaya naman hinawi ko ito ng kaunti. Mukha namang nagustuhan nya ito kaya pinaangat ko nalang sya. Umusog ako sa dulo ng upuan at tinapik ang mga hita ko na sinasabing dun na lang sya humiga.

Sumunod naman sya with his eyes closed. Pagod siguro 'to. Sobrang baby nang ugali nya gusto ko na syang iuwi huhuhu.

Patuloy kong hinahawi yung buhok nya.

"Huy, ano? Di mo naman ako sinasagot" at tinapik ko ng mahina ang noo nya.

" Ito na nga yung sagot eh. Makakaganito ba ako kung nasa harap ako?" Kinilig naman ako sa sinabi nya at pinagpatuloy na ang pagsuklay sa buhok nya gamit ang mga daliri ko.

"Oo, si Kuya nga lang ang gaganito sayo. " and I giggled.

Ngumisi rin sya. "Pareho lang yung wish ko ngayon saka kaninang papunta.." sabi nya habang diretso ang tingin sa'kin.

"Ano?" Tanong ko.

"Sana matraffic.." then he started facing my tummy. Napainhale ako.

"...para matagal pa kita makasama. " and he even buried his face to my flesh more and I placed my hand by his cold neck, warming it up.

___________________________
R I C C I

I've never been this comfortable inside a car. Grabe, I can live here na.

I woke up from her lap while she's sleeping. Soundly.

I took my phone out and took a picture of her and sent it to my friends.

How am I so into you? (RICCI RIVERO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon