Chapter 8

4 0 0
                                    

"I can't believe this, makalipas ng ilang taon sa wakas nag kaaminan na din kayo, kailangan pa palang dumating ni Steve sa buhay mo Kamilla para lang marealize nyo sa isa't isa na importante kayo sa isa't isa. Alam nyo bang napakasakit nyo sa ulo puro na lang kayo iyak napaka drama nyo sa buhay" nandito kami ngayon ni KamKam sa isang puno nakasilong at may kanya kanyang hawak na notebook, kailangan naming mag isip ng kakantahin para sa music subject since project namin ito kay sir Lacamonte. "Ano ka ba naman ate ang ingay mo" inis kong sabi at sinamaan sya ng tingin na ikinatawa nya lang, bakit ba ako nagkaroon ng kapatid na maingay? "So kayo na?" Nagkatinginan kami ni KamKam at ngumisi. "Si ate excited masyado pang maaga para dyan duh" asar sakanya ni KamKam minsan talaga kapag natripan namin ni KamKam na mag join force sa pakikipag asaran si ate Ice at kuya Chard ang palagi naming target parang nagkakaroon kami ng goal, ang dalawa si ate Ice madali lang syang asarin kasi pikon talo ito habang si Kuya Chard naman ang sobrang hirap asarin kasi kahit anong asar namin dito may pang balik saamin. "Hindi ako excited sadyang mukha lang talaga kayong tangang umiiyak kala mo naman katapusan na ng mundo" singhal niya saamin, woah! First time to a, may pangbalik na siya saamin. "Atleast kami ate inamin na e kayo ni kuya Lui o nasa indenial stage geez forth year college na kayo still deny pa din" pang aasar ko at dahil don sinamaan nya ako ng tingin. "Heh!" Singhal nya saakin at nag walk out na ito.

Natawa lang kami ni Kamilla sa inasta ni ate Ice. "Kahit kailan talaga si ate Ice napaka pikunin tao" napatawa na lang ako pero napaisip ako, bakit nga ba napaka pikunin ni ate Ice?. "She's scared" napatingin ako kay Kamilla ng sabihin nya iyon, scared for what? Sa pagkakaalam ko walang kinatatakutan si ate Ice kaya nga malaki ang paghanga ko dito dahil kahit sino kinakalaban nito na syang kinatatakutan nila mom. "Hindi porke pikon na tao si ate Ice ay pikon na talaga ito. Maybe takot lang sya sa isang bagay, takot syang asarin ng mga tao sa paligid nya kaya naiinis ito sa tuwing ginaganon sya, minsan tayong mga tao kapag may bagay na nangyari saatin sa nakaraan tatatak yon sa utak at puso natin na maaaring maging dahilan upang tayo ay magbago. Siguro ganon din si ate, may isang bagay itong kinatatakutan na ayaw na nyang balikan. Why don't you ask her? Baka sabihin nya sa iyo iyon, since kapatid mo sya" sasabihin nga ba ni ate Ice saakin? Mukhang malabo iyon dahil si ate Ice ang tipo ng tao na sobrang mapaglihim lalo na kung tungkol sakanya.

"I don't think so VinVin, we can never tell it" masyado bang obvious ang pagkalito at pagaalinlangan sa mukha ko na nagagawa nyang sagutin ang mga nasa isip ko. "Yes it's obvious, maybe kilala na kita kaya alam ko na kung papaano ang takbo ng utak mo" tumayo ito at ngumiti saakin. "Praktis na tayo para naman madali na lang saatin ang gagawin at alam na natin kung kailan papasok ang bawat isa."

********
I've been living in a shadow over head
I've been sleeping with a cloud above my bed
I've been lonely for so long
Trapped in the past, I just can't seem to move on

Kung dumating ba ang araw na paghiwalayin kami ng tadhana, magiging madali ba saamin ang lahat? Tinignan ko si KamKam habang kumakanta sa harapan ng buong klase, sana manatili ang mga ngiti mo sa labi kapag dumating man ang araw na iyon, sana hindi ka makulong sa madilim mong nakaraan dahil wala ng dadamay sa iyo sa panahong iyon.

I've been hiding all my hopes and dreams away
Just in case I ever need em again someday
I've been setting aside time
To clear a little space in the corner of my mind

Nung mga panahon na nililigawan sya ni Steve hindi ako nawalan ng pag asa, pag asa na balang araw malalaman nya din ang tunay kong nararamdaman kahit na habang pinapanood ko sila palihim akong nasasaktan, we are just a senior highschool student pero alam ko na sa pagkakataong ito, alam ko sa sarili ko na higit pa sa pagkakaibigan ang tingin ko sakanya, di masamang maghintay ng matagal dahil pinapangako ko sa inyo na worth it ang lahat ng iyong paghihintay kung mapapasayo naman ang taong sobrang halaga sayo, inaamin ko na may mga pagkakataon na nagduda ako sa nararamdaman ko para sakanya kaya nakatulong din saakin ang paglayo ko kay Kamilla dahil mas nakumpirma ko na sya ang babaeng tinitibok nitong aking puso at wala nang iba pa.

The Music of my Life *EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon