Nakatulala lang ako habang bitbit ang maleta ko dahil pinalayas ako ni dad ng makita nya ang pera nyang 10k sa kwarto ko na paniguradong nilagay ni Frances sa kwarto, nung mga unang araw nila sa bahay halos hindi ko na makasundo si Frances at idagdag mo pang halos ituring na nila akong basura.
Umupo ako sa gilid para magpahinga, san na kaya ako titira nito, wala naman akong malapit na kamag anak sa manila at masyadong malayo ang bahay nila lola sa tagaytay pa but I can call them right? Nag lakad lakad ako at naghanap ng bukas pang tindahan at ng makahanap lumapit ako dito. "Ahm... can I borrow your telephone, I have to call someone." Mabuti na lang at mabait yung tindera at pinahiram ako at hindi na pinagbayad.
("Hello?") Natigilan ako ng marinig ko ang boses na iyon, it was mom's voice who answered the call, anong ginagawa nya sa lugar nila lola, oo nga pala yung bahay na binisita namin ay ang mga magulang ni mom tsk bakit nga ba nakalimutan ko yon? Agad kong binaba ang telepono at nagpasalamat sa ale.Sa paglalakad ko napaupo na lang ako sa gilid ng lansangan marami akong nakikitang mga batang palaboy, napapikit na lang ako at hindi na kinaya ang pagod.
*******************
Inayos ko muna ang sarili ko para hindi nila mahalata ang nangyari, pagpasok ko sa Venue agad akong sinalubong nila tita at tito. "Kanina ka pa namin hinahanap." Nakipag beso muna ako sakanila at alanganing ngumiti. "May kinausap lang po ako, pasensya na po tita." Nakangiti kong pero sinamaan nya ako ng tingin.
"I told you to call me mom aren't I?"
Napatango na lang ako at ngumiti, hinatak na ako ni mommy Van kila Lacy na masayang kakwentuhan sila Carmela sa screen. Tumingin saakin si Lacy na nagtatanong pero hindi ko ito pinansin at mukhang unti unti na syang nasasanay sa malamig kong trato."O! Andito na pala si Kamilla e, musta?" Biglang epal ni Carlo saakin at hindi pa nakuntento hinatak ako papunta sakanila. "Congrats Kamilla este Taylor pala, sorry naninibago kasi ako hindi ako sanay na tawagin ka sa tunay mong pangalan." Mukhang wala si Vince a, ayos lang hindi kasi kami makakamove on kung patuloy naming makikita ang bawat isa, pero himdi ibig sabihin non na hihinto na kami sa pagkakaibigan at hindi sya ang magpapahinto saakin para makasama ko ang tinuring kong pangalawang pamilya. "Ano ka ba ayos lang kahit wala noh, ok na ako sa nakausap ka." Malamig kong sabi kay Aly, kahit naman naayos na ang gusot saamin ni Vince hindi ko na maibabalik ang mga nawala na, kapag ang isang bagay sa pagkatao mo mahirap ng ibalik yon. "No! I insist Taylor." Hindi na lang ako kumontra kay Carmela wala din namang mangyayari, knowing Carmela mas matigas pa sa bakal ang ulo nyan, she is a stubborn lady.
Nagsimula na ang programa, bukod kasi sa celebration ng graduation namin nila Carmela birthday din ni baby Marcus na 6 years old na ngayon, sobrang bilis talaga ng araw akalain mong 6 na tong bulilit na to, naaalala ko pang isa ako sa pina prank nya noon manang mana sa kapatid na si Thorn e sana lang hindi lumaking pasaway si Marcus kagaya ng kuya nya. Sayang lang at wala sila Aly dito hangang ngayon kasi hindi pa tapos ang kaso lalo na't ayon kay tito nagmamatigas ngayon si Natasha, pero yung kumidnap kay Aly nahuli na it was the mafia of Freed kaya nga galit na galit ngayon si Carmela sa mafia ni Freed, pakiramdam ko malapit nang malutas ang problema ni Aly sana lang talaga wala ng sumunod. Nangako naman kami kay Aly na nandoon kami sa oras ng hearing para sumuporta.
"Let's all sing a happy birthday song to kuya Marcus." And all of the children here sang, yep may mga bata din sila yung mga kaklase ni Marcus at ang mga kamag anak nila mula sa mother side, mas maraming bata kasi doon, at ng matapos na ang birthday song nag blow na ito ng candle mukhang sobrang late nga kami kasi patapos na ang birthday, at after naman neto adults naman since double celebration nga ito, pinasara muna ni mommy Van ang buong hotel para saamin at dito kami ng three weeks, da't nga hindi na ako sasama pero nagtampo sila Carla saakin ng malaman nila yon, hindi naman ako na out of place sakanilang lahat dahil ang turing nila saakin ay pinsan na rin, mukhang ito ang naging kapalit sa lahat ng napagdaanan ko. Everything happens for a reason nga naman, and I am so thankful kasi kung hindi ako pinabayaan nila mom baka hindi ko nameet ang mga taong tumayong pamilya ko nung mga panahong tinapon ako ng sarili kong pamilya, at siguro mapapatawad ko din sila hindi nga lang ngayon.
I am still in the process of healing, at siguro kung magaling na magaling na ako matutunan ko na ding magpatawad, pero hindi ko na kayang ibalik ang lahat sa dati dahil hindi yon ganon kadali.

BINABASA MO ANG
The Music of my Life *EDITING*
Teen FictionShe's broken... His broken.... He wanted to reach her...... She don't want to be reach by him.... She's cold.... His cold.... They wanted to be fix, they wanted to get out... How can you fix a shattered person when you don't even notice that they ar...