Chapter 27

0 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kabilang room kung saan naka admit na ngayon si Wynter, inilipat ito ng room ni tito baka kasi hindi kayanin ni Wynter ang nangyari sa mom nya, hangang ngayon tulala lang ito at umiiyak. Gusto ko man syang damayan pero alam kong wala din akong maitutulong. "Am I bad ate? Is it my fault that mom died? Kasi bad ako sa lahat, kasi spoiled ako, ate am I bad?" nanginginig nito, lumapit ako sakanya at niyakap sya. "Why did she leave us? She loves us. But she still leave us why? Bakit sya namatay? bakit hindi sya lumaban?" Tinapik tapik ko ang balikat nya. "Everyone died, hiram lang ang buhay na meron tayo ngayon, at kung oras na natin oras na natin. Lumaban si tita, kahit wala ako noon alam kong lumaban sya hindi lang para sa sarili nya kung hindi para din sainyo. No one deserve to die pero lahat tayo namamatay, lahat ng bagay nawawala, walang nag sta-stay sa mundo, pero eto lagi ang tatandaan mo, na kahit mawala man ang mga mahal natin sa buhay, baon pa din natin ang masasayang ala alang iniwan nila saatin.

Na kahit mawala sila alam nating sa puso at isip natin nandoon sila, at kahit wala na sila alam natin sa sarili natin na binabantayan nila tayo kung nasaan man sila. Tita don't want to see you crying mourning for her, Tita wants you to be happy at gusto rin nyang labanan mo ang sakit mo, tatalunin natin ang sakit mo." hinawakan ko ang kamay nya at binigyan sya ng isang malawak na ngiti, pinunasan ko ang luha nya at pinagpahinga na sya.

Napatayo ako ng makita ko si sir. "Ikaw muna ang bahala kay Wynter aasikasuhin ko lang ang bangkay ni Wendy, please don't let my daughter cry, kapag hahanapin nya si Wendy yakapin mo na lang sya. Mahirap para sakanya ang lahat lalo na't mama's girl sya, bakit ba ito nangyayari saamin?" Ngumiti saakin si tito at umalis na, Alam kong mabait si tito, at alam kong may rason sya kung bakit nya ako hinayaang maging katulong sa bahay nila kaya nga hindi ko magawang magalit sakanya dahil sa kabila ng lahat ng naranasan ko nandoon sya at iniligtas ako mula sa mga armadong lalaking gusto akong kunin, pero ilang beses kong sinubukan syang kausapin kaya lang pinanghihinaan ako ng loob kaya I never tried to ask where is Biloy and Era, pati kung ano na din ang nangyari kay nanay Solen.

Napatingin ako sa bintana kung saan kita ko ang unti unting pumapatak ang ulan, napapikit na lang ako. Ngayon ko lang naalala na ito ang araw kung saan pinalayas ako saamin dahil lang sa kinuha ko ang pera ni tita Francine kahit wala naman talaga akong kinukuha sakanila. I can't still believe dad will believe in those lies that tita Francine and her youngest daughter made, si tito mismo ang nagsabi saakin ng sinubukan nyang imbestigahan ang lahat ng tungkol saakin. At hindi talaga ako makapaniwala na nagawa ni dad na mas paniwalaan ang kabit nya, ako na mismong anak nya nagawa nyang sigawan at palayasin. Napakuyom na lang ako ng kamay. I will never forgave them, pinangako ko sa sarili ko mula ng balewalain nila ako. Pinangako ko na kapag nakita ulit nila ako I will be a successful woman they could ever met at sisiguraduhin kong ipapamukha ko sakanila kung sino ang binalewala nila.

Kung sino ang iniwan nilang nag iisa, balang araw magiging successful ako. Naramdaman kong may nagpunas ng luha sa mata ko, isang nakangiting Wynter ang sumalubong saakin. "Ate wag ka ng umiyak." Ngumiti ito, inalalayan ko ito sa kama nya. "Bakit ka bumangon, matulog ka muna ay wait dinalhan ka pala ni tito ng pagkain wait ihahanda ko lang." Kinuha ko ang pagkain nya at inayos ang maliit na mesa at doon inilagay ang mga pagkain. "Palakas ka ha, oo nga pala umalis si tito may inasikaso lang baka mamaya pa sya babalik, ang sabi ni tito wag ka daw magpasaway at sumunod ka sa mga doktor wag daw pasaway." Magiliw itong kumain at inalok pa ako pero ang sabi ko kumain na ako.
Umupo ako sa veranda ng hospital habang nakamasid sa malakas na pagbuhos ng ulan, sa sobrang lakas halos matakpan na nito ang mga bituin sa kalangitan, ngumiti ako at inangat ang braso ko dahilan para pumatak sa kamay ko ang tubig ulan. Nagpaalam muna ako kay Wynter na bibili lang ng tubig sa baba at tumango naman sya.

The Music of my Life *EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon