Last Part( Part 2)

2 0 0
                                    

TAYLOR

After 6 years.....

Nakangiti kong nilagay ang puting bulaklak sa puntod ni Wynter. "Finally Wynter after 6 years maayos na ako buong buo na ako, Alam mo bang sa umpisa sobrang hirap para saakin ng lahat lalo na sa mga nalaman ko, alam kong sasabihin nilang napaka babaw ko pero ano bang alam nila? Wala naman silang alam tungkol sa lahat. I am so thankful that everything is fine now, alam kong matutuwa ka sa ibabalita ko, you know mom and dad right? Alam mo pagkatapos ng dalawang taon ko sa iba't ibang bansa, pagkatapos kong umakyat ng bundok ng paulit ulit, pagkatapos ko sa mga water adventure I can finally said na napatawad ko na sila, hindi ko man maibabalik ang lahat pero alam kong masaya na kaming lahat. Nakaclose ko na din pala sila kuya Franz, natatawa nga ako kapag niyaya namin ni kuya si ate Francis na sumama saamin sa mga water adventure namin tili ng tili, tito kung nasaan ka man ngayon alam kong masaya na kayong tatlo dahil sa wakas magkakasama na din kayo."

Napangiti ako at hinawi din ang isa pang halaman at sa likod ng halamang iyon ang pangalang. 'Westly Garland' habang katabi naman ng puntod ni tito ay ang pangalan ni Wynter at katabi ng kay Wynter ang puntod ni tita. "Tito pangako aalagaan ko ang lahat ng iniwan nyo saakin, hinding hindi ko kayo kakalimutan. Dahil kayo ang tumayong pangatlong pamilya ko, sorry po kung nagalit ako sainyo. Maraming maraming salamat sa lahat, I will never forget the three persons who accept me and love me." Nakangiti kong sabi at tumayo na, kakauwi ko lang galing sa hongkong may inattendan kasi akong business meeting, umattend din ako sa isang meeting sa new york kung saan muli kong nakita si Katie, bukod sa isang businesswoman, nag sisidline din ako bilang isang architect they love my ideas, kilala ako sa larangan ng business at kagaya ng pinangako ko kanina kay tito nanatili pa ding top 1 ang business namin all over the world.

Namatay si tito dahil sa katandaan, at bago siya mamatay inasikaso na niya ang paglilipat ng pangalan ko sa lahat ng business ni tito. Sobrang nagsisi ako kasi nung mga panahong kailangan ako ni tito yun yung mga panahong umalis ako ng bansa para lang sa space na sinasabi ko, but tito wrote a letter for me, his last will for me and the last letter for me. Inilabas ko ang huling sulat ni tito at napangiti.

*Dear Taylor

Patawad sa mga nagawa ko sayo noon, ginawa ko lang yon kasi alam kong mas ligtas ka kapag tinrato kita hindi bilang kamag anak kundi bilang isang katulong o basura, masakit sa akin na makita kang nilalait ng mga kapwa mo katulong noon pero ang mas masakit saakin yung wala akong magawa para iligtas ka, hangang sa dumating na ang panahon kung saan nagtatago na ang mafiang iyon kaya nagkaroon kami ng pagkakataon na maisaayos ang relasyon namin sayo. Masaya kami at dumating ka sa buhay namin dahil ikaw ang nagbigay saakin ng pag asa para magpatuloy sa buhay, na kahit wala na ang dalawang taong pinakamahalaga para saakin nandyan pa din ang Taylor na handa akong damayan. Ng malaman kong kinidnap kayo ng mafiang iyon agad akong gumawa ng paraan para mailigtas ka at ang mga kasama mo pero nabigo akong iligtas ang tumayong nanay mo sa lansangan, nahuli ako ng dating patawad. Alam mo bang ng malaman namin nila Wendy na pinabayaan ka ng kakambal at ng bestfriend nya sobra kaming nagalit na muntikan ng sugurin ni Wendy sila Millandra buti na lang napigilan ko. Alam mo bang nakita ka nanamin ng ipinanganak ka, napacute mo nung baby ka, pero nakakalungkot lang sabihin na kumplikado ang sitwasyon ng mga magulang mo ng ipinanganak ka, muntikan ka na ngang ipalaglag ni Millandra pero tinakot ko sya kaya hindi natuloy iyon, kami pa nga ni Wendy ang nagbantay sayo noon, at syempre palihim lang naming ginawa iyon, nag away kasi si Toffer at Wendy noon dahil sa hindi sinasadyang nabunyag ni Wendy ang sikreto kila tita kaya nauwi sila sa mabilisang kasal.

Hindi ako nagsisising pinatira kita sa bahay, para saakin ikaw na ang pangalawang anak ko, mahal ka namin Taylor wag na wag mo yang kakalimutan, at sana matuto kang magpatawad, dahil masarap sa pakiramdam kapag napatawad mo na ang lahat ng taong nagkasala sayo, be happy Taylor don't live you're life like that, please do us a favor, make yourself happy and be contented, alagaan mo ang kompanya ko pinagkakatiwala ko sayo ang lahat ng pinaghirapan ko, hindi mo kasalanan ang lahat mahal na mahal ka namin anak.

The Music of my Life *EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon