Chapter 23

0 0 0
                                    

Natulala ako sa sobrang laki ng bahay, ngayon na lang ulit ako nakakita ng ganito kalaking bahay magmula ng tumira ako sa lansangan, ng pumasok ako sa bahay pinagtinginan ako ng mga katulong kaya naman napayuko na lang ako.

"Yuck daddy who is she! She's dirty." Isang batang babae ang biglang bumaba at masama ang pagkakatingin saakin, at ang mata nya halatang diring diri, hindi sya pinansin ng lalaking nagligtas saakin, nagtungo kami sa isang room kung saan madaming mga tao, sa palagay ko katulong ito ng bahay. "Ito ang Maid's chamber, dito ka matutulog, at eto lang ang tatandaan mo hindi libre ang pagtira dito, bilang kabayaran magtratrabaho ka dito." Tumango lang ako at iniwan na niya ako.
Tumabi ako doon sa ate pero agad itong lumayo saakin.

"Kadiri naman." Dinig kong bulong ng isang babae na I think nasa mid 20's pa lang. "Buti pinatira dito, bakit hindi na lang sya diniretso sa bahay ampunan mas bagay sya don."

************
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar, may naramdaman akong malamig na bagay na bumuhos saakin. "Hoy! Bata, hindi porke pinatira ka dito magbubuhay prinsesa ka na, tumayo ka na dyan at maligo. Siguraduhin mong malinis ka na, napaka baho mo pa naman mga bata nga naman sa lansangan." At nagtawanan na sila, nakayuko akong pumunta ng banyo at naligo. Gusto kong umiyak pero alam kong hindi makakatulong saakin ang pag iyak, bakit nya ba ako kinuha? Sana pinabayaan na lang niya ako mag isa, sana hinayaan na lang niya ako kesa sa mapunta ako sa lugar na ito, hindi ko maiwasang sisihin sila mommy at daddy dahil pinabayaan nila ako, oo! Galit ako sakanila dahil hinayaan nila akong magdusa. Hindi ko naman kasalanan kung parehas silang nagloko, na nabuo lang ako dahil sa arrange marriage ang parents ko, napapikit na lang ako at hinayaan ang luhang tumulo.

Bakit nangyayari ito saakin? Hindi ko naman deserve ito ah! Do I really have to suffer the consequence of my parents action? Hindi ko naman kasalanan kung hindi nila mahal ang isa't isa, bakit kailangan nila akong pabayaan, sana hindi na lang nila ako binuo kung ganito din pala ang kalalabasan ko, sana sinabi na lang nila kila lolo at lola na may sarili silang pamilya bago sila nagpakasal ng sa gayon hindi ako nabuo at hindi ako naghihirap.
Nanginginig akong tumayo at humanap ng suporta sa pader, tapos na akong maligo, sinuot ko ang damit ng mga katulong dito, ng masigurado ko ng malinis at maayos na ako katulad ng  sinabi nila lumabas na ako.

Isang babae ang humarang sa dinaraanan ko at masama akong tinignan, hinawakan niya ako ng mahigpit, sa sobrang higpit bumabaon na ang kuko nya sa balat ko "Bakit napakatagal mo?! Madami kaming ginagawa bata at hindi ka prinsesa sa bahay na ito para magmabaga--" naputol ang sasabihin nya ng may sumingit sa usapan namin, it was a lady. "Yaya Kristel, tumigil ka, bata lang yan, alam mo bang pwede kang makulong sa ginagawa mo?" Inilayo ako ng babae at ngumiti saakin. "Sige na Kristel magtrabaho ka na, ako ng bahala sakanya." Sasagot pa sana sya ng patigilin na sya nung babae kaya wala na itong nagawa at umalis na pero masama ang tingin saakin. Humarap ang babae saakin na may ngiti sa labi. "Ako nga pala si Wendy M. Garland, Kamilla right?" Tumango ako. "Ako ang asawa ng taong tumulong sayo makaalis sa lugar na iyon." Naglakad kami at pumasok sa isang kwarto, at halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang larawan ni lolo Xand sa kwarto. "L-l-lo-lolo." Gulat na gulat kong sabi.

Napatingin ako sa babaeng kaharap ko na medyo hawig kay daddy. "A-anong?" Gusto kong magtanong pero parang may nakabarang kung ano sa lalamunan, umupo ang babaeng may pangalan na Wendy sa kama at may kinuha sa drawer at ibinigay saakin, at halos mapaupo ako when I saw dad and the lady in the picture. "Ang buong pangalan ko ay Werenika Delie Mcnee. Garland, ako ang twin sister ni Kristoffer Lhor Mcnee, yes! Kamilla ako ang kapatid ng daddy mo, kaya hindi nya sinabi eto dahil sa isang bagay. Nagalit saakin si Kris dahil ako ang dahilan kung bakit natuloy ang kasal nya kay Millandra, nagpa plano non si kuya na pakasalan na si Francine bago pa ang kasal nila ni Millandra, pero dahil nagsumbong ako kela dad napaaga ang kasal nila ni Millandra. Magkakaibigan sila Millandra, Francine, Kuya, at Cross, first love ni Millandra si Cross, habang may relation naman sila Kuya at Francine pero alam nilang arrange marriage sila kaya saakin lang sinabi ni kuya ang lahat, pero ng dahil sa kasalanan ko nagbago ang lahat, nung araw ng kasal nila parehas silang naglasing at sa sobrang kalasingan nila may nangyari sakanila at ikaw ang naging bungga non, lingid sa kaalaman ng lahat may nangyari na kay Kuya at Francine bago pa iannounce na engaged silang dalawa, aksidente kasing narinig ni kuya ang lahat kaya gumawa sya ng paraan para matigil ito, at doon nabuo si Franz, hangang sa nasundan pa iyon at nagbunga iyon at iyon ay si Frances, hangang sa sinabi ko ito kay daddy at kinasal sila sa araw mismo na dapat ikakasal si Kuya kay Francine."

The Music of my Life *EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon