Chapter 29

1 0 0
                                    

Nakalabas na si VinVin ng hospital two months ago habang si Wynter naman ay nasa stage 2 na ng cancer, habang tumatagal mas lalong lumalala ang lahat, kahapon nagsuka si Wynter ng dugo at sinugod sya sa E.R, halos manghina non si sir West pero para kay Wynter tinatagan nya ang loob nya, pinayagan ako ni sir o ni tito ba umalis muna ng hospital kaya heto ako ngayon papunta sa bahay ng mga Cyan.

Naabutan ko silang nagtitipon tipon malapit sa hagdanan, ng tignan ko ang lapag nakita ko ang isang vase na basag hmmm... nabasag siguro? Magiliw ko silang binati at inaya si VinVin na maglaro kaya lang pagtingin ko wala na sila ni Carmela, kaasar napaka sungit nya talaga. Hinarap ko na lang sila kuya Chard at ngumiti ng napakalaki. "Goodmorning po tita, pasensya na po ngayon lang nakadalawa sinamahan ko pa po kasi yung pinsan ko." Nakangiti kong sabi, ginulo naman ni kuya Chard ang buhok ko kaya napa pout na lang ako, mukhang nahahawa na ako kay Wynter sa kakapout nya is this good?.

Niyaya na ako nila tita sa dining area, agad na kuminang ang mata ko ng makita ko ang isa sa paborito namin ni Wynter ang graham cake, sayang wala si Wynter dito kapag pa naman nakakakita iyon ng graham cake nagiging hyper ito, pinagsandok ako ni ate Ice ng food. "Kamusta naman ang pinsan mo magaling na ba sya? Sana naman gumaling na sya gustong gusto pa naman namin siyang makilala, malay mo makasundo ni Vince at Carmela." I hope so, hindi kasi pwedeng lumabas si Wynter at hindi din pwedeng tumanggap ng bisita bukod saamin ng pamilya nya, it's too risky. Ngumiti ako ng malungkot kay tita Van. "Ganon pa din tita Van, habang tumatagal mas lumalala ang lahat sakanya. Patuloy pa din naman ang pag che-chemo nya pero still no progress, minsan natatakot na din kami ni tito baka isang araw hindi na magising pang muli si Wynter. She is now suffering from stage 2 cancer, sana lang gumaling sya. Madami pa kasing plano si Wynter sa buhay and she is just a child." Ngumiti saakin si kuya Chard. "Don't loose hope Kamilla."

Saktong pagtapos kong kumain sakto namang bumaba sila Carmela at VinVin, ng makita ako ni VinVin agad itong sumimangot. "Andito ka pa rin pala, akala ko umalis ka na." Pinalo naman sya ni Carmela at ngumiti saakin, tumabi pa ito saakin. "Pabayaan mo na si Vince meron sya ngayon, intindihin mo na lang." Sabay kaming natawa sa nakasimangot na VinVin at umupo sa harapan namin ni Carmela. "See sabi sayo meron yan ngayon." Napailing na lang ako at sumubo ng graham, masarap talagang gumawa ng graham si tita, grabe pag talaga nandito ako sakanila palagi akong busog, at ramdam kong welcome na welcome ako sa buhay nila. I wish sila na lang ang pamilya ko.

Matapos naming kumain masaya kaming nanood ng movie, it was a horror movie kaya nga tawa ako ng tawa ng tili ng tili si Carmela habang si VinVin naman halos mapayakap na kay kuya Chard. "Palitan nyo nga yung palabas!" Singhal ni Carmela, napatigil ako sa pagtawa ng tumunog ang emergency phone ko na regalo mismo saakin ni tita Wendy nung 9 birthday ko. "Kamilla sinugod ulit si Wynter sa E.R!" Napatayo ako doon at tumakbo, hindi ko na nagawang makapag paalam sa mga Cyan dahil ang buong isip ko lang ay si Wynter.
Sumakay ako sa taxi at sinabi yung address ng hospital. Pagdating ko doon agad akong pumunta sa E.R kung saan dinala si Wynter, naabutan ko si tito sa labas ng makita nya ako malamig nya akong tinignan. "She fainted, and the doctor bring her here, when I arrive at her room they say she's in the E.R." Napahilamos ito sa mukha at umupo sa upuan, buong magdamag naming hinintay si Wynter sa E.R at ng lumabas ang doktor he looks sad. "Kamusta po sya?" Agad kong tanong.

The doctor sigh. "Her condition is getting worst each day, I am sorry to say this but she reach the stage 3 cancer."

               ~*~*~*~*~*~*~*~
Sa bawat araw na lumipas palala ng palala ang condition ni Wynter, halos mawalan na din ito ng buhok dahil nagsisimula ng malagas ang buhok nya pero hindi pa din kami sumusuko dahil eto ang mga oras na kailangan ni Wynter ang suporta namin. Ilang beses na din akong nagpupunta ng chapel para ipagdasal ang pag galing ni Wynter, patuloy din ang pag chemo ni Wynter pero still no progress pa din. Andito ako ngayon sa room nya binabantayan sya, pinayagan naman kasi kami ni Dr. Fernandez na magstay sa hospital dahil ayaw ding maiwan ni Wynter ng mag isa, gusto nyang palagi kaming nasa tabi nya.

The Music of my Life *EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon