Chapter 9

1 0 0
                                    

"Talaga tayo na!" Malaking ngiti ang pumaibabaw saakin ng sagutin ako ni Kamilla, ngumiti sya saakin at tumango, agad ko itong niyakap, napapikit na lang ako sa sobrang saya, it's been months since she let me court her and finally she said yes to me after all the hardships I went just to get her yes it's all worth it.

******
Naglalakad kami patungo ng bahay it's ate Ice birthday at invited si Kamilla sa party nito napasimangot na lang ako ng marealize na ang tanda na nito para sa party tsk, si ate Ice hindi ko alam pero sa tuwing titignan ko ito parang may nagbago o ako lang to pero simula ng maging kami ni Kamilla naging malamig na si ate Ice minsan lang ito kung ngumiti ay mali kahit kailan hindi na namin sya nakitang ngumiti. Agad naming nakita ni KamKam si Alyson na masayang tumatakbo patungo saamin ng nasa harapan nanamin bumaba ang tingin nya sa kamay naming magkahawak pero ngumiti din ito saamin. "Nabalitaan kong kayo na daw mabuti naman at nagkaaminan na kayo geez ang sakit nyo kaya sa ulo habang pinapanood ko kayong nagtatanga tangahan sa nararamdaman" hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon para talagang may nagbago sa paligid, I can feel Alyson holding something back trying hard not to say it.

Ngumiti si Kamilla sakanya. "Mokong kasi itong si VinVin aba sukat daw bang saktan ako sapakin ko kaya ito" sabay silang natawa sa sinabi nya pero habang nakatingin ako kay Alyson parang peke ang lahat. "Yes, bastard talaga yan aba itong si kuya napaka corny talaga may pasabi sabi pa sya saakin noon 'kapag naghiwalay si Steve at KamKam ako ang unang matutuwa' o diba ate Kamilla kaya kung ako sayo hiwalayan mo na si kuya" sinamaan ko sya ng tingin at akmang babatukan ng makatakbo na sya palayo saakin. "Hayaan mo na si Alyson, so sinabi mo talaga yon? I can actually imagine your face that time" nakangisi nyang sabi saakin. "KAMILLA!!!" Inis na inis kong sigaw sakanya at hinabol sya.

************
Geez bakit ba sa bawat parte ng bahay na ito naaalala ko sya? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang ako? Napatawa na lang ako sa mga memories na kasama ko pa sya, kung sana naging malakas ako, kung sana naging matapang ako edi sana masaya pa kaming dalawa ngayon.

"Nakakamiss pala no Vince, kailan kaya babalik ang sigla ng bahay na ito?" Napatingin naman ako kay Carmela na may lungkot sa mga mata, bahagya nyang hinawakan ang kamay ko at binigyan ako ng isang tipid na ngiti. "Naniniwala akong matatapos din ang lahat ng ito Vince, na sa pag dating ng araw lahat ng sakit na nararamdaman ng bawat isa ay mawawala na sa bawat pagdudusa ng bawat isa may kaakibat na gamot, kaya wag kang mawawalan ng pag asang makamit ang syang inaasam na kaligayahan" niyakap niya ako at hinaplos ang buhok, minsan talaga parang ate si Carmela kung magsalita kung sabagay nauna sya saaking ng dalawang buwan. "Aasahan ko yan ate Carmela, at sa pagkakataong ito sana mawala na din yang galit mo sa puso" alam kong hangang ngayon nahihirapan pa din ito at handa akong isakripisyo ang lahat maging masaya lang ito.

*****************
"Gusto kita" para akong binuhusan ng malamig na tubig ng banggitin yon ni Alyson, bakit? Bakit ako? Halos paiyak na ito sa harapan ko ang habang hirap na hirap sabihin ang mga katagang iyon. "Tinanong mo ako dati kung bakit hindi ko magawang balikan si Marky, dahil yon sa gusto kita, alam kong mahirap paniwalaan pero sa maniwala ka man o sa hindi nagustuhan na kita" hindi ko magawang magsalita o kahit isang tinig walang lumalabas saakin, kanina habang magkasama kaming nanonood ng theatro ni Kamilla nag text saakin si Alyson na magkita kami sa rooftop na paborito nitong tambayan, hinatid ko muna si Kamilla sa apartment nito at dumiretso na sa pagkikitaan namin at eto nga ang bumungad saakin. "H-how?" naguguluhan kong tanong, eto lang ang kaya kong sabihin sa mga oras na ito. "Ikaw yung nandyan nung mga panahong kailangan ko ng karamay, alam kong napaka impossible na na mahalin mo ako dahil alam kong hindi ko mapapalitan si Kamilla sa puso mo. Ang gusto ko lang malaman mo na gusto kita yon lang at masaya na ako doon" ngumiti lang ito saakin at niyaya na akong umuwi.

The Music of my Life *EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon