Chapter 26

0 0 0
                                    

"Taylor?" Dad? Halos manginig ako sa kinatatayuan ko, mabuti na lang at napansin iyon ni Tatay Caloy at sinabing sya na ang bahala sa bagong dating, pero hindi ako nagpatinag at sinabing kaya ko na silang pagsilbihan. "Gosh mom, why are we even here?" Sabi ni Frances, ngumiti ako sakanila kahit sa loob loob ko para na akong pinapatay. "Anong po sainyo?" Magalang kong tanong pero sa walang ganang boses. "Look even the Staff here doesn't have manners gosh mom this place, it's too cheap and dirty." Gusto ko man syang sampalin sa pisnge pinigilan ko na lang ang sarili ko, compared to her I have my manners.

Dad sigh and look at me. "We are to talk to you, napagalaman namin na dito ka nagtratrabaho kaya agad kaming pumunta dito, and my investigator is right. Bakit ka nagtratrabaho sa isang lugar na katulad nito Taylor, at isa pa masyado ka pang bata para magtrabaho." Nabuo ang galit ko, gusto ko syang sumbatan pero alam kong matatalo lang ako kaya hindi ko na lang pinansin yon. Bumuntong hininga ako at hinarap sila. "Look kung wala po kayong bibilhin, mas mabuti na pong umalis na po kayo. Mawalang galang na po sir but you are all disturbing us, not only us but also our customer. As one of the staff here I supposed I have the rights to say better get out of this place sir." Walang gana kong sabi at inasikaso na ang ibang customer na kanina pa naghihintay, para namang napapahiyang umalis sila sa lugar, napansin ko naman ang mga mata ng customer namin na nanghuhusga kaya napayuko na lang ako, at hinayaan na si tatay Caloy na umasikaso ng lahat.

***************
Nakayuko akong umupo sa sofa ng may lumapit saakin, it was ma'am Wendy she was smiling at me kasama nya si tito West. "Bakit ngayon ka lang?" Napayuko na lang ako, narinig ko ang tawanan ng mga katulong maski ang tawa ni Wynter sa isang gilid. "Madami pong ginawa sa lugawan kaya ngayon lang po ako nakauwi." Magalang kong sabi at nagpaalam na para mag ayos, wala pa pala akong tulog, pakiramdam ko babagsak ako ano mang oras dahil sa tatlong araw kong walang tulog dahil sa sunod sunod na trabahong dumating.

Bubuksan ko na sana yung kwarto naming mga katulong ng marinig ko ang tilian ng lahat, napatakbo ako sakanila and I felt frozen when I saw Wynter's nose is bleeding at nahimatay si Ma'am Wendy, tumingin saakin si Sir West. "Sumama ka saakin, dadalhin natin sila sa hospital, manang Esme paki buhat si Wynter papuntang kotse bilis!" Nagmadali akong nagtungo ng kotse at binuksan yung pinto ng kotse habang tumatakbo sila. Isinakay sa backseat sila Wynter at Ma'am Wendy, isinandal ko sa balikat ko ang ulo ni Wynter habang hawak ko ang isang panyo para patigilin ang pagtulo ng dugo sa  ilong nya. Nagulat ako ng hawakan ni Wynter ang kamay ko. "A-ate Kamilla don't leave me." Natatakot na pakiusap nya saakin, tumango na lang ako at pinat ang ulo nya. "I'm scared." Tumingin si sir dito at tinanong ako kung ayos lang ba sya, tumango na lang ako at binaling sa labas ang tingin.

Pumikit ako at hiniling na maging maayos sila, na sana walang mapahamak sakanila.

***************
Nandito kami ni sir sa isang room kung saan naka admit si Wynter at Ma'am Wendy, pinagsama na lang sila sa iisang room dahil sa request ni sir na wag silang paghihiwalayin. "Dito ka lang bibili lang ako ng makakain." Tumingin ako kay Wynter at malungkot na ngumiti, kahit na hindi maganda ang karanasan ko sa pamilya nila, at kahit hindi mabait saakin si Wynter hindi pa din nya deserve ang sakit na ito, she has a cancer like Ma'am Wendy pero si Ma'am Wendy ay nasa malala ng stage ng Cancer kung saan machine na lang ang bumubuhay sakanya, matagal na pala itong nag papachemo at nag wiwig na lang ito.

Ng dumating si sir may dala na itong pagkain na kasya sa dalawang tao. Inabot nya saakin yung isang supot, agad ko naman itong tinanggap at ngumiti. Kahit naman masama ang trato saakin ni sir alam kong may rason sya kung bakit nya iyon ginagawa, kung bakit ganon na lang ang trato nya saakin. At nagpapasalamat pa din ako dahil kung hindi dahil sakanya sana nasa lansangan pa din ako at naghihirap.

The Music of my Life *EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon