Isang buwan na mula ng pumutok ang mga balita tungkol kay Aly at hangang ngayon hindi pa rin namin nahuhuli ang puno't dulo ng lahat, at wala pa ngang dalawang araw may nagpakalat nanaman ng panibago mukhang hindi sila titigil hanga't hindi bumabagsak si Aly, Isang buwan na din mula ng mag usap kami ni Kamilla and I must say na wala na talagang pag asang maibalik pa namin ang relasyon meron kami noon. Mukhang hangang kaibigan na lang talaga kami, masakit para saakin na mauuwi lang sa ganito ang lahat pero wala naman akong magagawa kung yun ang gusto nya dahil sa umpisa pa lang naman kasalanan ko na ang lahat kung hindi ako nagpadala sa takot edi sana matatag pa din kami, napapikit na lang ako at dinama ang sariwang hangin, nandito ako ngayon sa taas ng bundok napagkasunduan naming lahat na magpahinga ng ilang araw at eto ako ngayon mag isa sa tuktok ng bundok, dito ako pumupunta sa tuwing gusto kong mag isip isip at nakakatulong saakin ang magandang tanawin sa baba.
Kapag nasa tuktok ako nakikita ko ang kabuuan ng lugar, ang mapayapang lugar. Napabuntong na lang ako ng hininga, hindi ko kasi aakalain na kapag nagpadala ka sa takot maraming pwedeng magbago, at alam kong eto na din siguro ang tamang oras para bitawan ang lahat sa lugar na ito kung saan iiwan ko ang masasayang ala alang meroon kami, dito ko dinadala si Kamilla dati pero mukhang malabo ng mangyari iyon dahil sinukuan na niya ako, oras na siguro para tanggapin ang katotohanang hindi talaga kami para sa isa't isa, we deserve to be happy afterall.
"Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap" gulat na napatingin ako kay Kamilla na nakangiti na saakin ngayon, umupo ito sa tabi ko at nakangiti akong hinarap. "Naalala mo pa ba noon ng una mo akong dalhin dito? Sobrang lungkot ko ng mga araw na iyon kinalimutan mo kasi yung pangako mong magkikita tayo sa araw na iyon, nung araw na dinala mo ako dito yun yung araw na muntikan ko ng bawiin ang buhay ko, kaya nga sobrang laki ng pasasalamat ko sa iyo kasi ginising mo ako sa kahibangan ko" ngumiti ito saakin at hinawakan ako sa kamay, nagulat pa ako ng tumulo ang luha nya sa mata. "Kaya nga sobra akong nasaktan ng makipag hiwalay ka saakin, ok lang naman saakin Vince e kaya lang bakit pati friendship na meron tayo kailangan mo ring iwan, Vince alam mo bang halos mabaliw ako sa kakaisip at kakatanong sa sarili, ano bang mali saakin? Bakit lahat ng taong mahalaga saakin iniiwan ako? Ganon na ba ako kasama para iwan ng lahat? Vince halos hindi ko kinaya yung ginawa mo saakin. Halos mabaliw ako lalo na nang ibalita saakin ni Cheska na kaya mo ako iniwan dahil gusto mo akong protektahan sa gustong pumatay saakin, dahil delikadong magsama tayong dalawa, d-dahil hindi tayo para sa isa't isa, Vince alam kong mahirap tanggapin ang lahat pero sana maintindihan mo ang desisyon ko. Ang tapusin ang lahat, sana hindi ka umiyak dahil lang sa desisyon kong ito, oo alam kong nasasaktan ka ganon din naman ako Vince. Sobrang hirap para saakin ang tanggapin na hindi tayo para sa isa't isa" ipinagdikit nya ang noo naming dalawa, napapikit na lang ako ng maramdaman kong unti unting nagbabaksakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Tama ka Kamilla, siguradong mahihirapan akong tanggapin na hangang dito na lang tayong dalawa, na ang storya nating dalawa ay matagal ng tapos, na ako na lang ang lumalaban sa hindi naman dapat ipaglaban.
***************
"Nasan tayo?" Takang tanong ni Kamilla saakin ng dalhin ko sya sa paborito kong lugar. "Eto ang paborito kong lugar, dito ako pumupunta kapag malungkot ako, nasa Private property tayo, binili ko ito nung matanggap ko ang sweldo ko sa pagtratrabaho sa company namin" una ko palang tong makita nainlove na ako dito, naisip ko bakit hindi ko dalhin dito si Kamilla paniguradong matutuwa yon mahilig pa naman si Kamilla sa matataas na lugar. Sabay kaming umupo sa damo na magkahawak ang kamay. "Bakit mo ako dinala dito?" napangiti ako sa tanong nito habang pinagmamasdan syang nakatingin sa kalangitan, punong puno ito ng kasiyahan sa mata at sana hindi na ito mawala pa muli.Bumaling ako sa baba kung saan kita ko ang malawak na lupain na napalilibutan ng magagarang bulaklak, di kalayuan dito matatanaw mo ang magandang tanawin ng dagat na nakakapag dagdag sa kapayapaan ng lugar. "Gusto kong maging takbuhan mo din itong lugar na ito sa tuwing nasasaktan ka, sa tuwing pakiramdam mo wala ka nang karamay, tumakbo ka lang dito, dahil ang lugar na ito ang magbibigay sayo ng kapayapaan, napakaganda ng lugar na ito na pwedeng magdulot para makalimutan mo ang lahat ng masasakit na ala ala, gusto kong maging lugar natin ito para kapag ramdam mong malapit ka ng sumuko, tumakbo ka lang dito at asahan mong nandito ako handang alalayan ka sa lahat ng pagsubok mo sa buhay" hinawakan ko ang kaliwang kamay nya habang ang isa ko namang kamay ang nagpahid sa luha nito. "Paano kung dumating ang araw na tumakbo ako sa lugar na ito at nadatnan kong wala ka na sa tabi ko? Paano mo ako madadamayan?" Umiiyak nitong sabi, niyakap ko ito at tumingala sa kalangitan, napaka dami ng bituin sa langit na nagpapahatid ng masayang ambiance sa paligid. "Isipin mong nandito pa din ako. Kamilla mawala man ako sa tabi mo, lagi mong tatandaan na nasa puso mo ako at nasa isip kailanman hinding hindi ako mabubura dyan na kahit wala na ako sa tabi mo dala dala mo naman ang mga ala ala nating dalawa"
BINABASA MO ANG
The Music of my Life *EDITING*
Roman pour AdolescentsShe's broken... His broken.... He wanted to reach her...... She don't want to be reach by him.... She's cold.... His cold.... They wanted to be fix, they wanted to get out... How can you fix a shattered person when you don't even notice that they ar...