Inalalayan ko si Aly, nakapasan ito sa likod na dahilan para mahirapan akong tumakbo, gusto kong balikan si Carmela pero hindi ko kaya silang dalawa, kahit hinihingal na ako patuloy pa din ako sa pagtakbo hindi pwedeng huminto baka mahuli kami, ganon na lang ang gulat ko ng nakita kong tumatakbo si Freed papunta dito akay akay si Carmela.
Planado namin ni Freed ang lahat at nanghingi na din ito ng patawad saakin, hindi nya gusto ang nangyari pero tinakot sya ng tatay nya na gagalawin ulit si Cheska kaya kahit ayaw nya sinunod nya ito pero nangako syang ilalabas nya kami dito. "K-kailangan n-n-na na-n-n-natin makahanap n-ng li-l-ligtas na l-lu-lugar." Hinihingal na sabi nya, kanina pa ako tumatakbo at alam kong nahihirapan na din si Freed dahil may tama ito ng bala sa tagaliran at ako bugbog sarado sa mga tauham ng tatay niya.
Ng makahanap kami ng kweba na tago doon kami tumakbo at pumasok sa kweba. Ng mailapag namin sila Carmela at Aly umupo kami sa harap nila sa may sandalan, nakita ko itong nilinis ang sarili nitong sugat. "Akala ko maiiwan si Carmela hindi ko alam na susunod ka, paano kapag nalaman ito ng tatay mo? Baka mapahamak ka." Kaibigan ko si Freed kaya hindi maiwasan ang mag alala dito. "Tsk! Yung matandang yon, masyado syang tanga para mapansing ako ang nagtakas sa inyo at isa pa may tumulong saakin. Sapat na siguro yon para hindi mahalata ni tanda ang pang tra-traydor ko sa mafia. " tinignan ko sila Carmela, shit! Kailangan nga palang magamot nila Carmela. Tumayo si Freed at tumingin saakin. "Dito ka lang bantayan mo sila ako na ang hahanap ng gamot na kakailanganin natin." Hindi na ako nag abala pang sumagot at binantayan na lang sila.
Kasalanan ko to, kung sana hindi ko sila hinayaang umalis ng bahay edi sana hindi ito nangyari. Napatingin ako kay Carmela ang pinsan kong nakaranas ng matinding karanasan dito sa bansang ito, at sa palagay ko history repeats itself. "Patawarin nyo ako, hindi ko kayo naprotektahan, damn it!" Napasuntok na lang ako sa bato na syang naging sanhi para magdugo ang kamay ko. "V-vince." Napatingin ako kay Aly na unti unting nagmumulat ng mata, inalalayan ko itong umupo. "Wag ka munang gumalaw masyado baka lalong lumala ang sugat mo." nanghihina itong tumango at ngumiti saakin. "Na-nasaan tayo? S-si ate?" Ng maisandal ko ito tinuro ko si Carmela na hangang ngayon wala pa ring malay, saaming tatlo si Carmela ang pinaka malala ang kondisyon dahil ng dumating ako wala na silang malay at duguan. "Paano kayo napunta sa lugar na ito?" Gusto ko mang gumanti sakanila pero alam kong dehado ako dahil may mga pasa din ako, dumudugo din ang ulo ko gawa ng paghampas saakin ng tubo sa ulo. "N-naglalakad l-l-la-lang kami kanina ni ate papunta sa bahay nyo ng may humarang na pulang kotse sa harapan namin at sapilitan kaming pinasok sa kotse. Hangang sa may pinaamoy sya saamin at nagising na lang kami sa isang hindi pamilyar na lugar." Paliwanag nito sa nanghihinang boses.
"I-it w-was F-Freed who took us here." Nabaling naman ang tingin ko kay Carmela na dahan dahang minumulat ang mata. "A-ate." Tawag ni Aly sa ate pero hindi nya magawang lumingon dahil sa natamong sugat at pasa, kapag talaga nakaligtas kami dito hindi ako titigil hanga't hindi sila nahuhuli.
Ilang oras na pero hindi pa din dumadating si Freed, ano na kayang nangyari doon? Nagulat ako ng may narinig akong putok ng baril mula sa labas, shit! Nasundan ata kami, dali dali akong tumayo at tinago ang dalawang babae habang lumalapit doon, sumilip ako at halos manlaki ang mata ko ng makita ko si Freed na duguan at hawak ng ilang tao. "Sabihin mo nasan sila?!!" Tanong ng isang lalaki. "Hindi ko alam." Halos manghina ako at halos manlaki ang mata ko ng may maramdaman akong isang malamig na bagay sa sentido ko hangang sa pumutok ito at nandilim na ang paningin ko.
*****************
"Doc. Gigising pa po ba sila?" Isang boses ang narinig ko, sinubukan kong imulat ang mata ko pero hindi ko nagawa at ng subukan kong igalaw ang buong katawan ko hindi ko din ito nagalaw, ano bang nangyari? Ang pagkakaalala ko nabaril ako at nawalan na ng malay pero bago yon narinig ko pa ang boses ni Freed na tumatawa. ang traydor na Freed na yon! Pinagkatiwalaan ko pero sa pangalawang pagkakataon tinraydor nanaman kami!. "Yung dalawang babae ginagawa pa namin ang lahat para maisalba ang buhay nila, while young man is in coma, Mrs. May mga pagkakataon na inaabot ng ilang taon ang pagkaka coma, maaga pa lang sasabihin ko na sainyo there's a 50/50 chance na magising sya ang kailangan lang nyang gawin ay lumaban." Mom, Kamilla, c-coma?
BINABASA MO ANG
The Music of my Life *EDITING*
Novela JuvenilShe's broken... His broken.... He wanted to reach her...... She don't want to be reach by him.... She's cold.... His cold.... They wanted to be fix, they wanted to get out... How can you fix a shattered person when you don't even notice that they ar...