Chapter 14

2 0 0
                                    

We both look at each other face when we saw Kamilla having so many bruises on her whole damn body. "What the hell happened?" Tanong ko na punong puno ng kaseryosohan sa boses. "Uh.. nothing" alanganing sabi nya at niyakap ako. "Sorry na kung pinag alala kita ng sobra hindi ko naman alam na hahantong sa ganito ang lahat" napakunot ang noo ko ng sabihin niya iyon saakin, ano bang sinasabi nya?. Pinaupo ko sya sa sofa at naghanap ng first aid kit, naramdaman kong umalis si Carmela, paniguradong aakyat na yon at matutulog since nabulabog ko ang tulog nya ng malaman kong nawawala si Kamilla. Lumuhod ako sa harapan nya at nagsimulang linisin ang mga sugat nya. "Sa susunod kasi mag iingat ka, at sa susunod sasabihin mo saakin kung saan ka pupunta. Alam mo bang inistorbo ko pa si Carmela para lang hanapin ka, at alam mo bang kung san san na kami pumunta para lang mahanap kan." sa sobrang inis ko nadiinan ko yung bulak na may lamang betadine kaya naman napangiwi ito sa sakit. "Sorry na VinVin, may kailangan lang talaga akong gawin kanina." Hindi ko na lang sya pinansin at agarang tinapos ang paggagamot dito, matapos non hinalikan ko ito sa noo, kahit naman may kasalanan ito saakin hindi ko pa din sya matitiis aba! Mahalaga sya saakin at handa akong magpakumbaba at intindihin sya sa ganitong sitwasyon. Ramdam kong ayaw nyang sabihin saakin kaya hindi ko na sya pipilitin na sabihin ang lahat. "Dito ka na lang matulog ngayong gabi alam kong pagod ka na, siguro naman natatandaan mo pa din ang room mo dito?" Habang kausap ko ito nakayuko lang ito na syang kinainis ko kaya naman umupo ako sa tabi nya at nilagay ang ulo nya sa balikat ko at hinaplos haplos ang malalambot nitong buhok. "Hindi ako magtatanong tungkol sa kung anong nangyari sayo, at hindi din ako galit Kamilla, naiintindihan ko kung ayaw mong magsabi basta eto lang ang tatandaan mo, kapag handa ka ng sabihin ang lahat narito lang ako handang makinig sa iyo" nagulat ako ng tumutulo na ang luha nito.

"Salamat VinVin, dahil patuloy mo pa din akong minamahal sa kabila ng lahat ng hindi ko masabi sayo. Alam kong unfair sa iyo pero kasi para saakin napakahirap sabihin ng lahat lahat, hindi ko kayang sabihin VinVin" pinunasan ko ang luha nito at hinalikan sya sa mata at sa ilong. "Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo, handa akong maghintay KamKam." Inalalayan ko na itong tumayo at hinatid sya sa kwarto nya dito sa bahay, di na din kasi bago si KamKam sa bahay dahil dati na syang tumira dito saamin at sila mom mismo ang nag pagawa ng kwarto nya para hindi na sila share ni Carmela ng room, knowing Carmela napakalikot nitong matulog at mas pipiliin mo na lang na matulog sa sofa kesa ang makatabi sya sa kama.

Ngumiti ako sakanya ng makahiga na ito. "Matulog ka na at maaga pa tayong papasok bukas, ipapahatid ko na lang kay manang yung uniform mo para di ka na umuwi, goodnight KamKam." ngumiti lang ito saakin at pinikit na ang mata.

Nang masigurado ko ng tulog na ito umalis na ako at dumiretso na sa kwarto ko at nahiga, masyadong maraming nangyari ngayong araw na ito at kailangan ko ng ipahinga ang lahat siguro naman malalaman ko din ang lahat kapag handa na syang sabihin.

******************
"Ano ba Vince bumangon ka nga dyan! Kalalaki mong tao ang hirap gisingin, pwede ba wag kang pa V.I.P duh! Ikaw na lang ang hinihintay namin!!" Napatakip ako ng unan ng marinig ko ang nakakarinding boses ni Carmela, sobrang sakit ng ulo ko bukod kasi sa hinanap namin si Kamilla sa iba't ibang lugar na pwede nyang puntahan naabutan pa ako ng ulan, sakto namang hindi ko kasama si Carmela dahil pinauwi ko na ito ng maaga at ako ang nagtuloy sa paghahanap, sa gitna ng paghahanap ko sakanya sakto namang bumuhos ang ulan at kung minamalas ka nga naman wala pa akong dalang payong pero kailangan ko syang makita, kaya kahit umuulan patuloy ko syang hinanap.

"Carmela mamaya na lang ako babangon, shit sobrang sakit ng ulo ko." angal ko dito, naramdaman ko ang isang kamay sa noo ko. "Vince may sinat ka." malumanay nitong sabi saakin, mariin na lang akong pumikit at hindi na sya pinansin pero maya maya lang naramdaman ko ang isang maligamgam na basang bagay sa noo ko. "Hmmm.... wag ka munang pumasok ngayon at magpahinga ka na lang wait bababa lang ako at ikukuha kita ng makakain." hindi na lang ako sumagot at hinayaan sya sa gusto nyang gawin.

The Music of my Life *EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon