Chapter 20

1 0 0
                                    

"H-hi!" Isang bata ang lumapit saakin habang may alanganing ngiti sa labi, ito ang unang araw ko sa lansangan mabuti na nga lang at pinatira ako ni nanay Solen dito sa ilalim ng ilog, tumingin naman ako kay Biloy sya yung isa pang kinupkop ni nanay Solen, ayon kay nanay Solen nakita nya daw si Biloy sa isang karton, sanggol pa ito kaya hindi niya alam ang pangalan nito at dahil doon Biloy na lang ang binigay nyang pangalan dito. Mahiyain si Biloy at minsan lang kung ngumiti, palagi lang syang nasa isang gilid at tumutulong kay nanay Solen sa pagtitinda ng sampaguita sa simbahan, kung minsan nag babakal bote din ito at nangagalakal ng mga pwedeng dalhin sa junk shop para ibenta. Hindi maiiwasan ang laitin ng tao dahil ngayon palang nararamdaman ko na ang mga mata ng mga taong mapanghusga.

Magkasama kasi kami ngayon ni Biloy kailangan kasi naming kumita ng pera para makabili ng gamot ni nanay Solen , may sakit kasi si nanay Solen at paubos na ang gamot wala namang sapat na pera para bumili kaya tumulong na ako para naman may silbi ako sakanila. Ngumiti ako kay Biloy. "Hello!" Masigla kong sabi, kapag talaga tumitingin ako kay Biloy na aamused talaga ako, kasi hindi maiitanggi na halatang may lahi si Biloy, asul na asul ang kulay ng mata nito, natural din ang puti nya kaya kahit magbilad sa araw hindi ito umiitim, may katangkaran din ito, matangos ang ilong at mapula ang mga labi. "San nga palang simbahan tayo pupunta?" Ng sinabi nya ito napangiti na lang ako at tinulungan na sya sa mga sampaguitang dala nya.

"Bakit ka nga pala napunta sa lansangan Kamilla? Halata kasing anak mayaman ka dahil hindi ka masyadong marunong sa gawaing bahay?" Natahimik ako sa sinabi nya, hindi ko sinabi ang pangalang Taylor dahil simula nung pabayaan na nila ako kinalimutan ko na ang pangalang iyon, ang alam lang nila saakin ay ako si Kamilla yon lang ang sinabi ko. Napatahimik na lang si Biloy at sa unang pagkakataon ngumiti ito saakin. "Pasensya na kung nagtanong ako." Tumango na lang ako.

Nang makarating sa simbahan agad kaming pumwesto ni Biloy sa pwesto nya palagi, ang sabi nya sa tabi nya muna daw ako dahil bago pa lang ako, napatingin ako sa loob ng simbahan at mapait na ngumiti ngayon ko lang napagtanto na ito ang simbahan kung saan kami nagsisimba nila mom at dad, masaya kaming lalabas ng simbahan at kakain sa labas, nagulat ako ng punasan ni Biloy ang pisnge ko. "Umiiyak ka." Maikli nitong sabi. Napayuko na lang ako, ng matapos ang misa agad kaming kumausap ng mga tao at binenta ang sampaguitang hawak namin.

***********
"Ano pang gagawin natin Biloy?" Magiliw kong sabi na ikanatawa nya lang, sa maikling panahon naging magkasundo kami, nagsimula yon ng magbenta kami ng sampaguita. "Kuya naman wag mo nga akong tawanan." Nakapout kong sabi na mas lalo nyang ikinatawa. "Pasensya na bunso, ang cute mo talaga." Si kuya talaga ang daming alam, sinamaan ko ito ng tingin at napataas na lang ito ng dalawang kamay. "Kailangan nating mangolekta ng pwedeng ibenta sa junk shop." Tumango ako at masayang tumulong sakanya.

***********
Limang araw na ang lumipas mula ng makilala ko si Brick, masaya itong kasama kasi habang tinuturuan nya ako may halong biro kaya hindi na ako naiilang sakanya pero syempre malamig pa din ang trato ko dito, nag sorry na din sya sa inasal nya which is fine with me, kasama ko ngayon sila Lacy hinayaan muna akong bigyan ng break nila tito.

"Ate Kamilla! I miss you!" Napangiti na lang ako at pinisil pisil ang pisnge ni Marcus. "I miss you too Marcus, how are you? Naging good boy ka ba? Nung wala ako." I really adore this kid, kumandong saakin si Marcus at hinalikan ako sa pisnge. Awe what a sweet child, kahit malamig akong tao I still know how to value a person and since I am facing a child I am a sweet lady, alam naman nya kung ano ang ipinagbago ko hindi ko lang talaga sya matii, masayang tumango si Marcus saakin. "Yes ate i've been a good boy to my brother, well a little." At napahagikgik ito saakin, tinignan ko naman si Thorn na busangot ang mukha at naka pout pa. "Tigilan mo nga yang itsura mo Thorn mukha kang ewan dyan." Napangisi na lang ako sa sinabi ni Dennis isa pa itong pang asar e, napatawa na lang si Carla at pinat pa ang balikat ni Thorn. "May pumalit na sayo bilang kapatid ni Marcus, wala ka pala kay Kamilla hahahahahahahah I feel sorry for you bro hahahahahahaha kay Kamilla lang nakikinig si Marcus hahahahahahaha kawawang Thorn." At nagtawanan na nga po sila.
Napatigil lang sila when my phone rang, it was Brick, nag excuse muna ako sakanila at pinasa si Marcus kay Thorn.

The Music of my Life *EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon