Chapter 25
(Anthony's POV)
"Anthony!!" tinawag ako nila Jake..
At lumapit ako sa kanila..
"what's up mga Bro!!" sabi ko sa kanila..
"Ok lang bro'" sabay ngiti nila sa akin..
"Oie... ayan na si Ivan oh!!" sabay tayo at inakbayan si Ivan..
Inakbayan rin ako pabalik ni Ivan..
"Mga bro' mamayang hapon, let's hang-out!" pagsusuggest ni Steve..
"Saan?" tanong ni Ivan
"Sa bar mga pare!! Mamaya! total Saturday na bukas...My treat!" sabagay mayaman naman itong si Steve... kaya bale wala lang ang pera sa kanya.. ss... mayayamann...
"Sige!" lahat kami sumang-ayon..
Sino bang tatanggi? :D
After the class..
Pumunta kami deretso sa bar..
Pagdating namin doon ay umupo kami lahat sa mga stools, habang nagtatagay..
"Mga Bro'!!" sigaw ni Steve, medyo lasing na siya nun..
"A--ano yu-yun Brooww!?" sigaw ni Rolly, kami lang ata 3 nila Ivan at ni Jake ang hindi masyadong lasing.. 2 shots lang kami... tapos si Ivan naka 3 na... ayaw niya daw magpalasing.. weh? naka 3 na nga... pero, hindi naman siya masyadong lasing
"Hiinnndeee!!! Ak--ako!!! Lassheeenngg!! Naentyendehan nyo bash A--ako? ha? *hiks*" tong steve na to, grabe ka lasenngero!! hindi daw lasing...
"Tarantado ka talaga Steve!! Eh ang lasing lasing mo na!!" pabiro ni Ivan..
"Akkoo..*hiks*" tinuturo niya sarili niya, ang mga mata niya parang mahuhulog na sa kalasingan...
"Hende!!!*hiks* hende ako lasheng!! *Hiks*" tapos nun, tumayo agad si Steve at sumasayaw, pinapakitang hindi daw lagi siya lasing.. tsk.tsk.tsk..
ang kanta kasi ngayon ay Shots by LMFAO...
Lahat naman nang tao, nagpalakpakan... habang kami tumatawa..
nang kalagitnaan nang kanta ay natumba si Steve, at nilapitan din naman namin agad..
"Steve!! Huy!!" pagsisita ni Ivan..
"Hende nga kashi *hiks* ako lashenng!!!!!!!!! *hiks*.." pinatayo namin siya at inalalayan at hinatid sa bahay nila...
Nang makarating na ako sa bahay...
Wow... Si Nanay, naka gown... wow... ano siya? nag debut..
"Anthony, lasing ka ah?" tanong ni Mama..
"Hindi naman masyado ma.." humiga na ako sa sofa namin at nagpahinga muna sandali..
"Anak, aalis kami ngayon nang daddy mo, we have a party to attend to..." hindi nalang ako imimik at umalis na sila..
"NOW I"M ALONE!!" napasigaw ako nang malakas..
"Anong alone? Nandito pa ako kuya!!" sumigaw yung kapatid kong babae... Si Alex, she's 5 years old..
"oh, Hi there cutie.. give you're kuya a hug.." umupo ako at tumakbo siya palapit sa akin at niyakap siya..
"Kuya, ang baho-baho mo!! You're drunk!!" sigaw nang kapatid ko
"Ahh, oo, pero hindi naman masyado... 2 maliliit lang na baso.. yun lang..." yakap-yakap ko parin siya.. napakalapit nang loob namin sa isa't isa... never pa kaming nag-aaway, pero kung mag-away man kami, hihingi ako nang sorry at hihingi rin siya nang sorry.. para fair.. :D