CNW 1 | Virtual Reality

41.3K 1.1K 205
                                    

Numinous: a powerful feeling of both fear and fascination, of being in awe and overwhelmed by what it is before you.

Stagger: to feel astonish or deeply shock

I adjusted my scope as I squinted my eyes to calculate the distance between my target and me, and it just spent three seconds before I pulled the trigger which resulting in my victory.

Napasuntok ako sa hangin pataas habang malaki ang ngiti sa labi. "Winner, winner! Chicken dinner!" Pagkasabi ko noon ay tuluyang napahikab ako.

Ah, anong oras na ba? Pumihit ako patalikod habang nag-uunat ng katawan gamit ang aking gaming chair at sinilip ang orasan sa itaas ng aking pintuan, at nanlaki ang mata ko nang makitang alas tres na ng madaling araw! Grabe, grabe! Gan'on ba 'ko katagal naglalaro?

Siguro totoo nga ang kasabihang kapag nag eenjoy ka ay hindi mo napapansin ang oras, 'no?

At sa hindi inaasahang pagkakataon, sa ganitong klaseng oras, halos mapalundag ako nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa aking pintuan, kasabay nang malakas, ngunit medyo pigil- malamang! Anong oras na kaya! May pagka-mahinahon na boses ng aking inay mula sa labas ng aking kwarto.

"Lev, matulog ka na!" Utos nito, at siguradong nagagalit nanaman ito dahil inabot nanaman ako ng anong oras.

Napakamot ako sa aking ulo at nakangusong pinatay ang computer ko.

My eyes sting a little after being exposed to the monitor for hours, as I closed it tightly to rest it for a while.

Ayoko 'man, ay kailangan kong sundin si Inay. Isa pa, anong oras na kaya, 'di ba?

Ang masama kasi, kailangan ko talagang matulog. Ibig kong sabihin, alam ko namang lahat ng tao ay kailangang matulog dahil base sa aking nabasa, ang sampung araw raw na hindi pagtulog ay kamatayan ang kahahantungan. Not that I'm believing that, but who knows?

Pero ang dahilan ko talaga rito, ay dahil unang araw ng klase namin bukas. Syempre, ngayon pa lang ay sabog na sabog na 'ko, paano pa kaya kung hindi ako matulog 'di ba? Alam kong ang mga kaklase ko n'ong ako'y Grade 11 ang mga kaklase ko ulit ngayong Grade 12 na ako, pero kahit na ba!

"Matulog kana sabi!" Naputol ang aking iniisip nang marinig muli ang boses ng aking ina, kasabay nang pagdilat ko ng aking mata at ang kaunting paghikab muli. Ngayon ko lang naramdaman ang antok mula sa pagkahaba-habang oras nang paglalarong iyon.

Sanay naman na sya sa'kin sa ganitong oras na pagtulog. Iyon lang, hindi niya iyon gusto pero alam nyang kahit bawalin nya ako at sabihang itigil ang aking ginagawang pagtulog ng madaling araw ay hindi ko iyon susundin.

She's the one who taught me to make choices by myself.

Lagi nya kasi akong naabutan na ganitong oras ay gising pa rin at tulad ngayon ay lagi nya 'rin akong kinakatok para utusang matulog. Iyon lang, alam nyang hindi nya ako mababawal at mapapatigil rito dahil ito talaga ang gusto ko.

She's also the one who taught me to pursue happiness no matter what, even it will be hard. Because for her, why are we even born in this world if we would only follow every order around us? That's why she's letting us do what makes us happy and decide what we really wanted to do, as long as we know that the path we are pursuing is the right one- the one without hurting others.

Masama ang pagtulog ng ganitong oras, alam ko iyon, pero alam ko rin namang ito na ang huling pagtulog ko ng ganito kaya't sinusulit ko na.

Whether we like it or not, we will have to put aside our passion for our priorities to pursue what we must become. A title.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon