CNW 63: Killing

6.6K 370 10
                                    

There are many questions in the world that was left unanswered— whether it isn't the right time, or maybe it's for the best for all.

Parang ang katanungan kung mayayari pa ba ito, ngunit sa tingin ko'y ngayon pa lamang magsisimula ang tunay na laro na hindi ko alam kung makabubuti ba o makasasama sa amin.

Hindi nagtagal ay bumalik si Dustine mag isa, at hindi nya kasama si Alpha na siguro'y bumalik muna sa mga kaguildmates nito at ibalita rin ang nagawang usapan. Pagkabalik ni Dust ay mabilis itong nagpatawag ng meeting, at kung pagbabasehan lamang ang madilim at seryoso nitong itsura, sa tingin ko'y hindi ito isang biro lamang. Na kahit ako ay biglang kinabahan sa kalalabasan ng meeting na ito.

All of us are serious while sitting around the small coffee table of our living room. Si Dustine ang nasa pinakagitna na nakaupo sa single couch, habang kami naman ay magkakatabi sa dalawang mahaba at magkabilang couches at napagigitnaan nito si Dustine na ngayo'y parang nag iisip muli.

Now, I'm curious kung ano ang napagmeetingan nila at ganito ang kaniyang itsura.

“So…” Panimula ni Red nang marealize na wala pang balak magsalita si Dustine. “What's the matter?” Tanong nito, na siyang katanungan rin naming mga walang alam at naghihintay ng maaaring sabihin nito.

Dustine sighed. “We have to be more careful.” He paused. Hindi muna kami nagsalita dahil alam kong may kadugtong pa iyon. “There's something wrong with this world.” Dahil sa kanyang sinabi ay mas lalo akong maguluhan.

Anong inig nyang sabihin?

“Kahit ang lahat ay lubos na nababahala. There's a sudden rapid increasing of strong players in which, all of us, even the officials, seems impossible. It was like a cheat on a computer game, hindi rin namin alam kung saan nagmula ang malalakas na iyon na para bang may nagbibigay sa kanila ng lakas at nababahala ako na baka may makasalubong kayo na katulad nila— na mapanganib para sa atin.” Pagpapatuloy nya na ikinanuot ng aking noo. Mapanganib?

“Anong ibig mong sabihin?” Stanley asked. Bakas na bakas ang kaseryosohan sa kanyang mukha— mali, hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa iba naming mga kasama.

“Majority of them are killing the other players. Karamihan rin sa guild ay unti-unting natitibag dahil mas ginugusto ng nga ito na magsolo players na lang at kahit na magkaguild noon ay nagpapatayan. Everyone's wants power, and in able to get it, they have to kill.” All of us gasped after the revelation he just spilled. Hindi ako makapaniwala… paano…?

“How about the bounty hunters?” Weston, the first time he spoke in our serious meetings, in which, alam kong nababahala din sya.

But he's right! The bounty hunters are the one who'll be needed to fix things like this, 'di ba?

“That's the problem.” Dustine said and sighed. Hindi ko alam pero… parang mahirap paniwalaan ang susunod nyang sasabihin. “The bounty hunters… are all dead.”

Samu't-saring reaction ang aking narinig mula sa aking mga kasama habang ako'y naiwang natatahimik at natutulala. All of them are dead… “Paano?” I thought some of them are NPC, so how the hell they were killed?

“We don't know if it's true, but there's an anonymous person who killed all of them, in just a day, without leaving any evidences.” Hindi ko alam ngunit nang marinig ko iyan ay bigla akong nanlamig. Siguro ang kadahilanang… may isang taong napatay ang mga hindi kayang patayin ng isang normal na tao tulad namin? At sa isang araw lamang? Tama nga ang sinabi ni Dustine na parang nay cheat itong mundong ito, pero ang tanong ay paano? Kung kami ay nandito at nakakulong sa loob?

Ibig sabihin… may iba pang tao sa labas nito?

Napakahawak ako sa aking ulo dahil sa naramdaman kong pagkirot. What the heck I am thinking? I saw it clearly with my naked eyes. Nakita ko mismo ang unti-unting pagbabago ng mundo. At ako? Ito ako mismo. Ako mismo ang gumagalaw nito at walang ibang mundo kung saan may nakakakita ng galaw namin dito. Wala nga ba? Pero kahit na! Pero… shit. Napakagulo ng mundo!

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon