CNW 66: New Companions

6.2K 403 18
                                    

Pampahaba lang ng kwento hihihi

--

They are innocents, and also the victims of this cruel world.

I wonder, ilang inosente pa kaya ang madadamay?

I sighed as I unconsciously look at Yvonne. Nakita kong bumaling rin ito ss akin at ngumiti ng malungkot. I know we just thought the same thing. Hindi ko rin maiwasang malungkot dahil doon.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang presensya ni Wolfy. This is also an advantage of having a pet. Mararamdaman mo ang presensya nya. Huminto ang karwahe at pumasok si Demon, kasunod si Wolfy na maliit na muli ngayon. Natigilan pa ang babae nang makita ang dalawang iniligtas na tulog. Right. Nakatulog rin si Sky dahil na rin sa pagod. Nagpatuloy sa paglalakad si Demon papunta sa beanbag at doon ay umupo. Kumuha naman ako ng bote ng tubig mula sa baon naming mga pagkain at inumin.

“Kamusta sila?” Tanong ko sa kanya at inabot ang aking hawak. Tinanggap nya naman ito at nagpasalamat ng mahina. Uminom muna sya bago nagsalita.

“They're on the way.” Simpleng sagot nya. Tumango na lang ako dahil napanatag na ako sa kanyang sinabi. “What's your plan about them?” She asked as I saw her look at those two. I shrugged.

“It'll depend of them whether if they want to be with us or what.” Hindi naman siguro masamang isama sila? The more the merrier. Isa pa't mapanganib kung sila lang ang maglalakbay dito, 'di ba? Kami nga'y nahihirapan, sila pa kaya?

“You know what? You're too kind.” Napabaling ako kaagad sa kanya at napanganga. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong napahinto si Yvonne, Archangel at kahit si Priestess sa kanilang ginagawa.

“But it's fine as long as you know you're not being taken by granted.” Tumayo ito at naglakad palabas. Ngunit bago umalis ay humarap ito sa akin. “Just remember that kindness is the main cause why people are getting hurt.” Patuloy nya bago sya nagpatuloy sa paglakad palabas.

At doon ko lamang namalayang nakahinto na pala ang aming sinasakyan.

Aish! Hindi manlang ako nakapagsalita sa gulat!

“That's the longest and kindest line I've ever heard her say.” Napabaling ako kay Archangel nang marinig ang kanyang sinabi at nakita ang kanyang itsura. Mukhang gulat na gulat ito na parang nakakita ng multo. Si Yvonne naman na nasa gilid nya ay napangiwi.

“Sobra ba talaga syang tahimik at masungit?” Nakangiwing tanong nito. Archangel nodded. Narinig ko ang mahinang tawa ni Priestess mula sa gilid. I shook my head. Baka kung nandito si Demon, sininghalan na ito. But then, I laughed afterwards. Mula pa sa kaibigan nitong matagal na nyang kasama eh, hano?

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na naghihintay sa aming karwahe. Priestess left afterwards, saying that she'll follow Demon to inspection the whole place. Sinabihan ko syang mag ingat at kung maaari ay umiwas sa gulo. Tumango naman ito bago umalis.

Hindi rin nagtagal ay nagising rin ang dalawa. Thunderstorm's the one who woke up first. Nagpasalamat ito nang maramdamang wala na syang sugat o ano. Sumunod na nagising ay si Sky at tulad nito ay nagpasalamat rin. Yvonne and Archangel left us as they're going to find an inn for us to stay for a night. I grabbed that chance to talk to them about their plan. Hindi rin nagtagal ay dumating rin ang mga lalaki na hindi halatang galing sa labanan, mga nakasakay pa sa kabayo na sa tingin ko'y mula doon sa mga nakalaban nila kanina.

Bumaba ako sa karwahe at sinalubong sila. “Hey,” Pambungad ko habang nakangiti. Huminto si Alpha na katabi ni Dustine na silang nauuna at bumaba sa kanyang sinasakyang kabayong kulay puti.

Sinalubong nya ako. “Are you hurt?” At iyan ang pambungad nyang tanong sa akin. Namula ako. I should be the one asking him but… heck!

I shook my head. “Ako dapat ang nagtatanong nyan, eh.” And pouted. He chuckled as he caged me with his arms. I heard a cough from behind.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon