CNW 17: Rarest

9.2K 549 39
                                    

Pareho kaming natigilan ng matandang NPC. Kitang kita namin ang unti-unting pagkawala ng kulay violet na apoy hanggang sa bumalik na ito sa dati.

Kasabay noon ay ang pagbukas ng pintuan. “Lolo, nabili ko na po ang pinapabili nyo sakin.” Mula doon ay may batang lalaki na lumabas habang napakarami nitong bitbit, na nabitawan rin nang makita ako.

Wait? Hobby talaga nila ang mabitawan ang kanilang hawak kapag may bisita?

“Ah, iha. Ang apo ko nga pala. He's Kyle, at ako naman si Lauro, pero pwede mo akomg tawaging Lolo.” Ngumiti ako. Ang bata ay nandoon pa rin sa kanyang pwesto na para bang nakakita ng multo. Doon ko naalalang nakataklob pa rin ang hood sa aking ulo, baka natatakot sila sa akin.

Ibinaba ko ito at itinaas ang aking buhok. “Ako po pala si Levina… este Nightingale. Pero may pamusod po ba kayo ng buhok dito? Kahit goma lang po?” Wika ko at napapaypay sa aking sarili. Ang init kasi, eh!

Nakita ko ang pagkataranta ng bata at parang may hinahanap sa kanyang bulsa, bago ito nagtatakbo palapit sa akin. “Ate, eto po.” Sabi nito at inabot sa akin ang goma na aking hinihingi. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.

Habang ipinupusod ang aking buhok ay hindi ko mapigilang mapaisip. Kyle's age is around nine or ten, and Lolo's age is about sixty plus. Hindi ko alam kung nasaan ang magulang ni Kyle o kung may iba pa silang katulong dito, pero iisa lang ang aking nasa isip.

Even though they are NPC, alam kong nakakaramdam pa rin sila ng hirap at gutom.

“Apo, nabili mo ba ang lahat ng kailangan?” Narinig kong sabi ni Lolo. Pinanuod ko itong halungkatin ang mga binili ni Kyle. Nakita ko ang pag iling ng bata.

“Hindi po eh. Wala pong ores kasi po nakareserve daw po lahat para sa katabing tindahan. Kahit po ang lagi nating binibilhan ay gan'on din.”

“Paano tayo makakagawa ng panibago kung kulang nanaman tayo ng mga materyales?”

Ramdam ko ang lungkot sa kanilang boses na hindi ko mapigilang maawa. I bit my lowerlip. Hindi ko maiwasang mapasingit sa kanilang pag uusap.

“Mawalang galang lang po, pero saan po nakakakuha ng ores na tinutukoy nyo?” Parehas silang napabaling sa akin.

The old man doesn't want to answer my question, nakita ko iyon dahil pakiramdam ko'y alam nito ang aking gagawin. “Hindi na kailangan, iha. Kami na ang lulutas dito.” Sabi nito at nag iwas ng tingin.

Tumalikod ako sa matanda at napapikit ng mariin. No. I will find those ores they'll needed. Napadilat ako nang maramdaman ko ang pagtama ng papel sa aking braso, at nang makuha ko iyon ay nagtatakbo ang bata palapit sa kanyang lolo at tinulungan ito sa ginagawa.

Binuksan ko ang papel at binasa ang nakalagay dito.

Meron pong mga nagtitinda dito pero hindi kami makabili dahil laging ubos kapag sa amin na. Pero narinig ko pong meron pong may quest po dito sa malapit na dungeon na tuwing makakapatay daw po ay may nilalabas na ores. Pero please po huwag nyo na pong subukan, sinagot ko lang po ang tanong nyo.

Napangiti ako sa gulo-gulong handwritten. And with that letter, I made up my mind.

Anonymous

Nightingale: Guys, I need your help.

“Lolo, Kyle, alis po muna ako. Babalik po ako mamaya, pangako.” Nakangiti kong sabi at hindi na sila hinintay pang magsalita. Mabilis akong nagtatakbo palabas at nakipagkita sa mga kasama ko.

***

“Are you sure about this?” Dustine asked with his arms crossed.

I already told them what I want to do. At ngayo'y iniinterrogate nila ako dahil imbis na magbakasyon ay sasabak nanaman kami sa gyera.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon