CNW 30: Underwater

9K 524 84
                                    

May naisip ako. Iisa-isahin ko nalang ang adventure nila para mas humaba. Mwahahahaha. Please wag kayong mabored dahil wala pa talaga si Alpha. Well... wait muna kayo mga babies *wink*

---

I celebrated my 18th birthday with people who are special to me, and I could say that my heart was really touched with their efforts.

Nakangiting pinapanood ko sila habang busy sila sa kanilang pagtatawanan. We're already at the tree house and honesty, they were so shocked as I am the first time I learned about this. Niloko pa nga nila si Yvonne at Stanley kung bakit daw nila inilihim iyon. Nalaman ko ring surprise daw sana sa'kin iyon ni Stan ngunit naunahan sya ni Yvonne kaya't napailing na lang ito n'on.

Nakangiting yumuko ako sa aking kopita na naglalaman ng wine na kulay lila. It's a grape wine in which I really love. Kuntento naman na ako sa aking celebrasyon. Iyon lang, hindi ko maiwasang maisip ang aking pamilya at ang mga malalapit na kaibigan. I wonder if they're at my 18th birthday, which is today, siguro mas sasaya ako? Knowing my father, he'll do everything to make me the happiest girl in the world. Knowing my mother, she'll do everything to make me feel comfort. And knowing my friends, I know they'll do everything to make this day special. Parang ang ginagawa lamang nila Dustine ngayon.

Hindi ako naghahangad ng sobra, ngunit hindi ko maiwasang isipin na sana'y nandito sila at nakikisaya sa amin.

I sighed as I shook my head. Ito ang nasa harap ko, kaya't bakit naghahanap pa ako ng iba?

Knowing that they became my new family who will do everything for me, may hihilingin pa ba ako? Wala na.

The day passed like a blur. Tama nga ang kasabihang kung masaya ka ay mabilis na lilipas ang oras. Right now, naghahanda kami para sa paglalakbay na aming gagawin. Yes, I called it adventure because today, we will start finding those stupid scrolls hiding all over this world. Hindi ko lang alam kung saan kami mapupunta ngunit sisiguraduhin kong makukuha namin ang plano namin. Kahit na normal na scroll lang ang aming makuha ay ayos na.

Paglabas namin ay nakita naming kakaunti na lang ang mga tao sa town. Right. I also learned that everyone's serious about this. Tulad ng kumakalat na usapan ngayon na lahat ay gagawin upang makaangat lamang.

I also learned that there is a conqueror who suddenly appeared out of nowhere who conquered rank number 2 (to whom I know was Valord as he won to Prince back then). And his name is NoOne. Yes. His. A boy.

“Kumpleto na ba kayo ng gamit? Portions? Healing?” Dustine asked. All of us nodded, including me. Hindi na ako bumili dahil napakarami pang stock sa bag ko, pati na rin sa aking inventory. “Okay, let's go.” Dagdag nya at inalalayan kaming babae na sumakay sa karwahe na aming nasa harapan.

I don't know how many hours we were travelling until we reached our first stop. The city of water, that's what I learned from Dustine. Nang sumilip ako kay nasa pinakadulo kami ng hill, kung saan purong tubig ang nasa ibaba at tama, sa ilalim noon ay ang pinakacity mismo.

Dustine chose those place in which he thought that impossible for everyone to go. Kaya nga't nandito kami at handang lumusong sa pinakailalim ng tubig ay dahil impossibleng may mga pumili dito. And yeah, all we have to do is to swim until I don't know next. Walang ibang nakakaalam at kaya kami nandito ay para iyo'y alamin.

“Ready?” Red asked. Nakita kong napalunok si Yvonne at napakapit kay Stanley na nasa tabi nya habang nakatingin sa ibaba.

Well, sino nga ba naman ang hindi matatakot? Puro tubig ang nasa ibaba at kalag dineretso mo ang tingin sa harap ay walang katapusang tubig. Pakiramdam ko nga'y ito ang pinakadulo ng mundo, eh.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon