CNW 34: Finding the Lost Place

9.7K 511 14
                                    

Uunahan ko na kayo. Medyo mahaba nga po pala itong Lost City. Hindi yung chapter na 'to mismo, pero yung adventure nila. Hayaan nyo na po ah? Papahabain pa kasi natin. (Goal ko po kasi ay 60+ pa ang chapter pero medyo nauubusan na 'ko ng idea e :< )

---

Tell me, how to find a place even though it was known as a lost one?

“Seriously? Ang creepy dito.” Bulong ng katabi kong si Yvonne, habang nakayakap sa magkabila nyang braso at inililibot ang paningin. I could clearly see that she's afraid of darkness, kahit gayon ay tinatatagan nya ang kanyang loob which is I'm very proud of.

Lahat naman tayo ay may kinakatakutan, ang kailangan lang natin ay labanan ito. Just like how she's fighting her fear even it could kill her in no time. Well, iyon kasi ang nakikita ko sa kanya.

Tama sya, ang creepy sa lugar na ito, dumagdag pang madaling araw noong umalis kami. Wala pang araw, at alas tres pa lang ngayon.

Dahil nga sa kadiliman ay halos wala kaming makita, idagdag pa ang malamig na simoy ng hangin sa tahimik na kapaligiran at tanging ang mga yapak lamang namin at ang mga huni ng mga ibon at kung ano-anong hayop ang naririnig sa paligid.

I hugged my body tighter when I felt the cold breeze of air again. Hindi yata effective ang cloak ko rito dahil nilalamig pa rin ako. Kahit nga si Yvonne na nakasuot ng bear's purr na coat ay napapayakap pa rin sa kanyang sarili. Hindi ko alam kung sa lamig o sa takot iyon o sa parehong dahilan mismo.

Tumingala ako at tumingin sa buwan. I really love the moonlight illuminating the darkness around it. Simula bata ay gustong gusto ko na ang buwan. Kung ang araw ay ang siyang nagbibigay saya at enerhiya sa umaga, para sa akin ang buwan naman ay ang nagbibigay ng katahimikan at kaliwanagan sa gitna ng kadiliman. I always felt at peace every time I look at the moon above me. Hindi ko alam kung bakit nagiging kalmado ako pagkatapos kong tumingin dito.

I also love the thought of moon following me whenever I go.  Iyong madilim at takot na takot ka, pero dahil sa buwan at ang liwanag na bigay nito ay pakiramdam mo'y hindi ka nag iisa. That is the reason why I love moon.

I shook my head to erase my thoughts. Okay, masyado na kong nahuhulog sa malalim kong pag iisip at nakakatakot dahil baka hindi na ako makaahon. Kaya habang nasa katinuan pa 'ko, gigisingin ko na ang kahibangan kong 'to.

“Devil's hour.” Napalingon ako nang marinig kong bumulong si Stanley kay Yvonne mula sa gilid na dahilan upang mas bumakas ang takot sa babae. Napairap ako. Ang bully lang, ha. I was about to punch him when Red grabbed his ears and now, Stan's shouting with pain. Ayan, nababagay lang sayo 'yan. Sutil ka kasi.

“Shh… 'wag kayong maingay, baka may magising tayong iba.” Marky whispered with his deep voice. Hindi lang tumugma sa paligid dahil parang nananakot ito. And Yvonne, being the scaredy-cat, mas bumakas ang takot sa kanyang mukha.

Ops. Hindi lang pala sya.

“Sasapakin ko na kayo.” Nagtitimpi ‘kunyari’ na sabi ni Kayne kahit kita ko ang panginginig ng kanyang katawan sa lamig o takot o pareho rin. Hindi ko alam pero bigla akong napaharap kay Yvonne at sa pagkakataong iyon ay nakita ko syang nakayuko habang nangingiti. Oh no.

Ito ang mahirap sa'tin, eh. Madalas tayong magbulag-bulagan. Nasa harap ba nga natin ang kasagutan, pilit pa tayong lumilingon sa kasinungalingan at iyon ang pinaniniwalaan.

I know why she's smiling. She thought that Kayne's protecting her but the truth is, he doesn't intended to make her think like that. Hindi nga alam ni Kayne na ganito ang iniisip ni Yvonne ngayon at alam kong natatakot lang 'to dahil sa mga sinasabi ng mga kasama namin. Akala nyo rin sigurado ako sa iniisip ko na iniisip ni Yvonne hano? Pwes, oo.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon