CNW 71: Killers; Players.

6.4K 379 17
                                    

I'm thinking of ending it na. Don't expect ha? Hindi po ako magaling magsulat.

---

It was already dark. Tumingala ako sa itaas kung saan imbis na bituwin ang aking makita, ay tanging ulap lamang na tumatakip dito ang siyang nakikita ko, pati na rin ang mga islang nasa itaas namin na mistulang lumulutang. It is indeed a floating island, and from what I've learned from my companions, sasakay kami sa griffins bukas na bukas rin mismo ng umaga.

I should be scared especially of the next island which we're going as soon as the sun rises. Mula kasi dito sa aming pwesto ay kitang-kita ito, mistulang bulkan kung saan may mga lava pang nahuhulog sa paligid nito. It was kind of fascinating because the lava disappears everytime it reached a place. Siguro'y iyon mismo ang naghahati noon? Sinubukan kong tignan ang sumunod na isla ngunit dahil sa dilim ay hindi iyon inaabot ng aking mata.

Come to think of it. Ang tagal na namin dito. It was like we've been living here for universe but I know everything has its end. I wonder, ano kayang naghihintay sa amin sa oras na makaalis kami dito? Or let me say, paano?

Ang sabi ay kailangan naming maclear ang mga dungeon, para mabuksan ang kabilang mundo kung saan nakagapos ang ibang tao. Pero ngayon ko lang napag isip isip. May kasiguraduhan ba iyon? Is oir sacrifices are worth? O… ginawa lang iyong kwento para sa huli ay lumaban kami?

And come to think of it, with the past news, where people are killing each others, paano namin matatapos ang lahat ng ito kung mismong walang unity?

Oo, may mga taong patuloy na lumalaban, ngunit sapat ba ang mga iyon? Sapat ba kami para maubos ang lahat ng ito?

“A penny for your thoughts?”

Tumingin ako sa nagsalita ay nakitang si Sky iyon. Her midnight dress is dancing with the wind as she sat beside me. I admit, she indeed is a goddess. Kahit sino ay hindi mapagkakaila iyon.

I shook my head as I shifted my gaze in front of me. “I was just thinking… are we enough to clean all the dungeon? Because it seems like it's impossible for me.” Hindi ko maiwasang isatinig ang aking naiisip. Bakit hindi? Kung alam kong paunti-unti ay kinakain na ako nito.

A person's mind is full of unsaid thoughts. Pero paano marerecognize ng iba ang iniisip mo kung hindi mo sasabihin? Paano malalaman? Minsan kasi ay kailangan nating magsalita, dahil ang mga tao sa paligid natin ay hindi manghuhula.

“That's what I'm also thinking. Like, that idea seems so impossible. Pero hindi ba't may lumabas na rumors na kailangan lang nating tapusin ang pinakaboss para makalabas tayong lahat dito?” And when she said, ‘makalabas’, I know she's pertaining to the normal life with no magic, fantasy, monsters and so what.

Pero ang tanong… “Saan natin makikita ang pinakaboss na iyon?”

“If the rumors are right, may isang lugar daw dito na napapaligiran ng malalakas na halimaw. A castle? Then inside of it, nandoon daw ang pinakaboss. Iyon lang, wala pang naglilink kung saan ang lugar na iyon lalo na't ang iba'y naghahanap palang din dito. Tsaka naman dumating ang patayan thingy na 'yan kaya't sa tingin ko'y mapostponed.” Sinabayan nya ng mahinang tawa ang huling sinabi nya. Napangiti ako ng tipid at napailing na lamang.

“But are you planning to finish it already?” Napaharap ako sa kanyang sinabi. She's looking at me with those sad eyes. Sabagay, kahit na puro labanan ang nandito ay talagang napakaganda nga nito.

Pero minsan ay kailangan din nating gumising sa realidad.

Tumango ako bilang pagsagot sa kanyang tanong. “I'm scared that I'll be so much attached to this world that…” I trailed off, “I might forget what reality feels like.” Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng malungkot. “We need to, because the more we slow down, the more lives are taken from us.”

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon