Kinabukasan ay maaga kaming gumising, as in sobrang aga pa at hindi pa sumisikat ang araw dito. Pinabayaan kong nakalugay ang basang itim na itim kong buhok at sinuop ang aking coat. Sumilip ng isang beses sa salamin bago naglakad palabas ng pinto.
Bumungad sa akin sila Stanley na nakabihis na rin at tanging maliliit na detalye na lamang sa kanilang kasuotan ang inaayos. Saktong paglabas ko ay ang pagsasalita ni Yvonne sa may hindi kalakasang boses.
“Let's eat.” Masigla nitong sabi. Tumingin ako sa kanilang banda at makita si Lolo pati na rin si Kyle na tumutulong dito.
It was just five in the morning. Hindi pa gaanong maliwanag ang kapaligiran ngunit sapat na upang makakiya kami. Plano kasi ni Dustine na pinakaunang kuhanin ang quest kung saan papatay kami ng level 35 na dragon, at iyon na mismo ang pinakaboss noon. Hindi naman nalalayo ang level namin dito kung kaya't lahat kami ay pumayag.
It is some kind of special quest, kaya't unahan talaga sa pagkuha nito. It is to welcome the feast that the head of this town proposed, to celebrate the month from which this village was freed from the dragon's wrath, which the NPCs were the witnessed.
Actually sinabi ito ni Lolo kagabi habang kumakain kami, na may magaganap daw na celebrasyon dito at magpapalabas nga ng quest ang town na ito, at ang tanging maswerteng grupo na siyang pinakaunang makakakuha nito ang mabibigyan.
At ang dahilan kung bakit namin kinuha ang quest? Dahil sayang daw, at ang mga premyo daw ng ganito ay between rares ang legendaries, kaya't hindi kami nagdalawang isip na kuhanin iyon.
Iyon ang dahilan kung bakit kami gumising ng maaga.
Nagkaroon ng kaunting kwentuhan bago kami isa-isang nagpaalam kay Lolo. “Mag iingat kayo.” Sabi nito sa amin na tinanguan namin. Nagpaalam kami at nagpasalamat sa lahat-lahat. Hindi ko maiwasang sumaya lalo na nang makita ang ngiti sa mata ng maglolo. Muli ay kumaway ako bago kami nagsimulang maglakad paalis.
Nakuha na nga pala namin ang mga sandata namin kanina lamang pagkayari naming kumain at nailagyan na rin iyon ng mga orbs para maging malakas at matibay iyon. Kanina nga'y nagulat ang mga ito nang malamang sa'kin napunta ang ibang sandata, kahit naman ako ay gulat na gulat rin eh.
Inakala ko rin kasing ibebenta 'yon ni Lolo ngunit nagulat ako nang sinabi nyang sa akin na lang daw iyon. Ang mga ito'y hindi talaga naniwala, nagbiro pa nga ang mga lalaki na hindi ko raw iyon mabibitbit lahat kung kaya't nagulat sila ng bigla ko nalang pinasok ang mga iyon isa-isa sa loob ng coat ko at tsaka binibitawan. Doon naman inexplain sa akin ni Yvonne ang Prerequisite na kapangyarihan daw ng coat ko.
Prerequisite is an ability to cast dimension door. Parang iyong coat ko raw, ang pinagkaiba ay kusa iyong bumubukas-sara kapag ako na ang gagamit lalo na kapag inisip ko ang aking gusto. Tinuruan din ako nito ni Lolo na ilock para ako lamang ang may kakayahang bumukas at sumara ng dimensional na iyon kung saan ko inimbak ang aking mga sandata. Hindi ko talaga alam, pero simula n'on ay nag iba ang tingin ko sa aking mga gamit.
Nalaman ko rin na pinag aralan pala ni Yvonne ito para matulungan ako. Inexperimentuhan nya pa ako nung bago kami matulog. She told me to equip dahil ako lang ang hindi nag eequip sa kanila sabi nya. Hindi naman sya nabigo nung nagbago ang damit ko ang napalitan ng uniporme namin— iyong suot ko nung pagkatapos kong mamili ng avatar— este mag error. At tulad ko ay nagtaka rin ito at bakit gan'on lang, so I explained na iyon na talaga ang damit ko kaya't sabi nito'y siguro ay wala pa kong nakukuhang skin.
Skin ang tawag sa damit na dinodrop ng mga boss pagkatapos nitong matalo, at isa sa dahilan kung bakit excited si Yvonne ay dahil dito.
“Sana may makuha tayong skin, 'no? Sana pangbabae!” Tsaka ito humarap sa akin. “Kapag sa akin napunta ay hindi ako magdadalawang isip na itrade 'to sa'yo dahil gusto ko may armor ka na rin!” At tumawa ito na parang nababaliw. Hindi ko rin alam, ang saya-saya ni Yvonne lalo na sa'kin dahil daw mabuti na lang at pinapunta ko silang lahat sa shop ni Lolo, kaya ngayo'y babawi daw sya sa'kin. Psh.
BINABASA MO ANG
Conquerors of the New World ✓
Fiksi IlmiahVRMMORPG | TAGLISH | Unedited A Sci-fi/Fantasy Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ The life of a gamer is perfectly ordinary. Eat, game, sleep and repeat. That's the life of Levina, the woman who never backs down, until one day, a mysterious ph...