CNW 15: Azytoria

10.3K 576 29
                                    

You can skip this chapter :) (if you're bored and you think it's boring)
--

Mula sa itaas ng puno ay nagpakawala ako ng tatlong sunod-sunod na palaso. I heard a groan, much louder this time. Lumundag ako sa pangalawang puno upang iwasan ang atake nito, kasabay noon ay ang pagpalit sa akin ni Red na sinangga ang atake nito na dapat para sa akin.

I grinned.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Muli ay lumundag ako at lumipat sa panibagong puno upang iwasan ang atake ng mga ito. Habang nasa ere ay nagpakawala ako ng sunod-sunod na palaso na tumama sa kanilang noo. Them, being a monster, disappeared in the air like a dirt on this wonderland.

Nang maubos ang mga bandits sa aming lugar ay bumaba na ako. Hindi nagtagal ay nakasunod na sa akin si Red. I saw him proudly looks at me while giving me boyish grin. “That's my bunso.” Wika nito nang magkasabay kami. Sinimangutan ko sya pero ramdam ko ang pag iinit ng aking pisngi.

“Levina, Red! Dito!” Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita si Yvonne na kumakaway sa amin habang nakatago sa isang gilid. Sunod-sunod parin ang pagsabog sa paligid, sa tingin ko'y di pa tapos ang iba.

“Success?” Tanong ko, tumango naman ito.

Ang nakaassign kasi sa kanya, bukod sa pagiging supporter, ay ilagay sa ligtas na lugar ang mga tao— o NPC dito. After those goblins, we took another quest in which saving this village from bandits wanting to conquer it. Ngayon ay unti-unti kong naiintindihan ang sinabi ni Machina noon, at tama sya.

May mga nilalang talagang sakim na gustong sumakop ng mundo.

“Do you think they need help?” Bulong ko kay Red na kasabay ko sa paglalakad. Tumingin ito sa akin sandali na para bang tinatanong kung sigurado ba ako sa tanong ko, bago ito napailing habang nangingiti.

“What do you think?” Tanong nya pabalik. Napangisi ako at napailing. I think not.

Unti-unti kaming naglalakad pababa na syang naglelead ay si Yvonne dahil sya ang may alam. It was like an underground tunnel, but for some reason, it became a safe zone for everyone. Sa pinakaibaba ay merong parang bar kung saan nandoon ang mga tao at nagyayakapan sa takot. Malaki naman iyon at kasya ang lahat.

Nang makita nila kami ay lumiwanag ang kanilang ekspresyon. If I'm not mistaken, I saw hope in their eyes. Even though they are just NPC (I know this because some of them are oldies), I can't help but to feel the hurt when I saw them losing hope. And now, my heart hurts so good, knowing that we saved them even it's just a simple quest.

Congratulations! You completed this quest!

You received Mini Uzi (2x) with unlimited bullets!

I sighed as I closed the tabs— I mean the hologram. Tumingin ako kay Yvonne na aking nasa harap at tinanong kung ano ang nakuha nito.

“Got an M41A,” Napahinto ito at napakagatlabi. “Well, I'm not a sporty type.” Dagdag nito na ikinatawa ko. Tinapik ko ang kanyang balikat as assurance.

“Don't worry, Stanley too.” Wika ko pampagaan ng loob. Totoong hindi marunong gumamit ng baril si Stanley pero sporty rin ang loko. I know what Yvonne meant to say, that she doesn't know how to use gun. Well, hindi nya kailangang mag alala dahil tuturuan naman sya ng mga lalaki.

Come to think of it. Dalawa ang nakuha kong baril, pero ang tanong, magagamit ko kaya?

Should I keep it?

Hindi nagtagal ay dumating na sila Dustine kasama ang mga NPC na kunyari'y fighters nitong village na ito. I think they're the one who lead this place. And Dustine, being our captain, it's his responsibility to check for our injuries.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon