CNW 12: Level Ones

10.3K 580 35
                                    

You can skip this chapter :) (if you're bored and you think it's boring)
--

Focus.

Sabi ko sa aking isipan at tumingin na ng deretso. Nang makuha ko ang tamang distansya kung nasaan kami at ang Abrian na tinutukoy ni Yvonne ay hinanda ko ang aking pana. Naningkit any aking mata kasabay ng pagbitaw ko dito.

Tumama ito sa tiyan ng ostrich na dahilan upang mawala  iyon ng buhay, ngunit marami pa ring nasa likod nito na parang baliwalang nilundagan lamang iyon habang patuloy ang pagtakbo kung nasaan sila Red na animo'y gutom na gutom.

In my peripheral vision, I saw Dustine ready his weapon. Kung normal na arrow lang ang kanyang pinakawalan tulad nang sa akin ay makikita ko iyon gamit ang mata 'ko, ngunit hindi, dahil sa sobrang bilis noon ay halos mapanganga ako lalo na't may force pang kasama iyon na halos isang buong linya kung nasaan tumama ang arrow na iyon ang naapektuhan! Even Yvonne who beside me couldn't hide her amazement.

“Wow.” She said.

Kahit ang mga lalaki ay natigilan ngunit mabilis na nakabawi, ngunit sa tingin ko'y pakitahan na ng gilas ito lalo na nang makita ko ang ngisi sa kanilang labi.

Marky gripped his lancer (which I saw) before he casually move it like he's only playing with bamboo, at ang ibig kong sabihin d'on ay halos pinaikot-ikot nya iyon habang mabilis ang pagpapalit ng kanyang kamay sa paghawak dito habang patuloy na nakikipaglaban sa mga Abrian na nasa harap namin. And to tell you, napakaraming nagtatalsikan dahil doon!

My eyes moved to Stanley, who's like dancing with his sword. May bitbit itong armor na ginagamit nya rin in both offense and defense which made me gasp. I mean, paano nya nagagawa 'yon eh ang bigat bigat ng armor, 'di ba? I'm talking about the armor that both warrior and knight has. Iyon lang, walang gan'on si Marky dahil mas gusto nitong light armors lang.

Then my eyes stopped at Kayne. He's holding his sword but unlike Stanley, he doesn't have any armor but he swiftly avoiding every attacks those ostrich doing. Sobrang gaan ng pagkakagalaw nito na para bang nakikipaglaro lang!

And when my eyes travelled to Red, napanganga ako. He's using both of his hands! Using his dual sword, mabilis ang paglipat-lipat nito at mabilis rin ang pagkakapatay nya sa mga ito! Parang normal lang ang galaw nya, swiftly and gentle yet aggressive and rough at the same time.

And oh, they're easily avoiding the Abrain's fire breath like it was nothing!

That's only when I realized that this is the first time I'm officially watching them fight.

Ngunit napakunot ang noo ko. Really? May kulang eh.

Muli ay pinasadahan ko sila ng tingin. “Where's Weston?” I whispered. Nang mapaharap ako kay Yvonne at may nakapalibot na yellow na aura sa kanya. Kumunot ang noo ko. “What are you doing?” I asked her.

Dahan-dahan nyang binuksan ang mata nya at doon ko napansing may lumulutang na libro sa kanyang harap. “They're practicing while leveling up, so I'm doing the same.” Pag eexplain nito at nagulat ako nang may binanggit itong isang salita, kasabay ng paggaan ng pakiramdam ko. Then I saw her flipped the page of the book and search something from it.

Oh… okay. Magician's doings.

Nang bumalik ang atensyon ko sa mga lalaki ay napansin kong paubos na ang mga kalaban, ngunit ang atensyon ko ay napunta sa dulo nang makita kong nagsisibagsakan ang mga ostrich ng wala namang malapit sa kanila. Doon pumasok sa utak ko ang character ni Weston. Napangisi ako. Right. An assassin.

Ibinaba ko ang hawak ko at hinugot ang dagger sa aking binti. “Time for me to be serious.” Dagdag ko at mabilis na tumakbo pasugod sa mga ito.

Nang makarating ako ay unti nalang. It's either they enjoyed fighting with Abrains or maybe, nagpapagalingan nga. I kicked the ostrich's body before I shrunk my dagger in another ostrich's body. Paulit-ulit ko iyong ginagawa at paiba-iba hanggang sa namalayan kong naubos na namin.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon