CNW 18: Everything Has a Reason?

9.7K 555 20
                                    


Binuksan ni Kyle ang pintuan at bumungad sa amin sila Dustine na ngayo'y normal na rin ang mga suot. Kahit gayon, ay nakita kong napasilip si Kyle sa likod ng mga ito, at rinig ko rin kahit maingay dito ang pinagsama-samang boses ng mga tao mula sa labas.

“Aren't they the 3rd of the highest guild?”

“Anong ginagawa ng Top 3rd Guild dito?”

“May ano?”

“Sa basurang shop na 'to?”

Mukhang nakaramdam si Yvonne pagkarinig ng huling boses mula sa labas kung kaya't pinasara nya iyon ng marahan kay Kyle. Hindi ko alam kung narinig ng mga NPC na kasama namin ngunit kami'y rinig na rinig iyon.

Humarap ako kila Dustine at tinuro ang mga sandata na nakalapag sa isang malaking mesa. “Baka gusto nyo daw mamili ng panibago o pandagdag na armas.” Of course, I called them becasd I was amazed by the designs and structures of the weapons. Ayoko naman maging makasarili na ako lang ang mamimili. Isa pa, one guild kami.

“Mawalang galang po, pero para saan po ito?” Marahang tanong ni Dustine. Lahat ay gan'on ang mababasa sa kanilang mukha ngunit hindi maiaalis ang pagkamangha nila sa mga sandatang nasa harapan nila.

“Ito'y bilang pasasalamat ko sainyo, lalo na kay Miss Nightingale.” Tumingin ang matanda sakin. Ngumiti ako ng nahihiya.

“Pero hindi naman po kami nanghihingi ng kapalit.” Dustine said again. Iyan rin ang nasa isip ko. Ang totoo'y gusto ko lang naman talagang tumulong at wala akong hinihinging kapalit, kahit naman sila ay alam kong gan'on rin ang iniisip.

“Sabihin na lang nating gusto naming makatulong.” Naglakad ang matanda palapit sa malaking mesa kung nasaan ang mga sandata. “Gawa ito ng apo ko bago ito pumanaw. Ang mga materyales na ginamit dito ay talagang pinaghirapan ng mga ito upang makuha— na halos isugal nila ang kanilang buhay upang makuha ang mga ito. Bago sya pumanaw, gusto ng apo kong itinda ko ang mga ito ngunit pakiramdam ko'y mali, dahil kahit sino'y walang may karapatang humawak sa mga ito.”

Hinaplos nito ang mga sandata. “Kundi kayo.” Bago ito humarap sa aming banda.

“True, it may be an ordinary,” He paused, holding the dagger in his head as he looks at us. “But the strength doesn't come from the weapon itself, but from the wielder of it.”

“Walang may ibang karapatang humawak ng mga sandatang ito na kanila lamang gagamitin sa kasamaan. Kaya nakikiusap ako,” Dahan-dahan itong yumuko hanggang sa lumuhod ito, ang noo'y nakasalat saa lupa na ikinaawang ng bibig namin sa gulat. “Gamitin nyo ito upang kami'y palayain.”

Nawindang ako sa aking nalaman. Palayain? Ibig sabihin… “Kayo pong NPC ay… ang mga nakakulong rin sa ibang mundo?” Hindi ko alam… ngunit malakas ang pakiramdam kong tama ako.

Wala akong nakuhang sagot, ngunit kahit gayon ay nakumpirma namin iyon. Narinig ko ang munting pag-iyak ni Yvonne sa likod, na kahit ako'y nanluha dahil sa aking nalaman.

Hindi lang pala sila nanghihirap doon… ngunit pati dito.

“N—Nasaan po ang apo nyo?” Narinig ko ang garagal na boses ni Yvonne, na kahit ako'y iyon ang gustong itanong.

Inalalayan ko ang matanda sa kanyang pagtayo. Dahan-dahan, kahit pakiramdam ko'y nanghihina na rin ako sa aking nalaman. Bakit? Akala ko'y tapos na ang bangungot mula aa gobyerno, ang kahirapan ng karamihan dahil sa mga ito, pero ngayon ay mas nakumpirma kong mas matindi ang nangyayari ngayon.

Sana… hindi na lang ito nangyari.

Nang makatayo ang matanda ay sinagot nito ang tanong ni Yvonne. “Isa rin syang tulad nyo kasama ng kanyang mga kaibigan. Isang araw ay dumating ito habang bitbit ang mga materyales at nagsimulang gumawa ng iba't ibang klaseng armas. Ang kanyang sabi ay para dayuhin na raw ang aming tindahan dahil tulad ng nakikita nyo ngayon ay ganitong ganito pa rin ito noon. Ngunit isang araw ay hindi na ito bumalik pa pagkatapos nilang sumubok at kumuha ng panibagong materyales sa mas mapanganib na lugar, hanggang nabalitaan nalang naming naambush pala ang kanilang grupo.”

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon