After three days of recovery, now we're off to go. Dapat, isang linggo kami 'don ngunit dahil mapilit sila (kesyo magaling na daw sila) ay wala na rin akong nagawa. Isa pa nilang dahilan ay kapag tumagal daw ang pagstay nila doon ay mas lalo kaming mauubusan ng pera. Tama, hindi biro ang bayad sa ospital 'don, syempre, hindi rin biro ang mabilisang paggaling na siyang ginagamitan ng abilidad.
I also learned that Yvonne is from Clerics, which can also be classified as Mage Class. Mage ang pinaikling tawag sa mga Magicians na siyang isa sa pinakamaraming pumili, sumusunod sa Fighters. And right now, Yvonne's going with us because they said we need a healer in our group and Yvonne volunteered.
I forgot to mentioned that in those three days, Dustine proposed to finally create a guild which all of us agreed. Una, may level na kami. Pangalawa, may kakaibang link ang mga nasa guild kaysa sa mga friends lang, at pangatlo, feeling daw nya ay hindi na kami maghihiwa-hiwalay pa.
Well, okay lang naman sa'kin ang paggawa nila ng guild, sa totoo lang. Wala naman akong pake, basta matupad ang goal ko, at iyon ay ang pakawalan ang mga matanda mula sa kabilang mundo. As long as I'm with them, I think I can do it?
Nakaramdam ako ng braso na pumatong sa aking balikat kasabay ng pagsasalita nito. “What are you thinking?” Stanley asked and when I look at him, I saw him with his signature smirk. Inirapan ko ito at inalis ang braso nya sa aking balikat.
“None of your business.”
“Weh. Guild na kaya tayo, kaya ang ‘business’ mo ay ‘business’ ko rin.” He said, grinning. Sinimangutan ko ito at tumama ang aking paningin kay Yvonne.
I learned her story. Gusto daw nyang makatulong sa kapwa nya kaya sya nagcleric. Ang pangarap daw nya ay ang maging doctor ngunit hindi natuloy dahil sa biglaang pangyayaring ito. Nag aaral lang sya sa katapat na school namin at amg pinakamasakit, ay tinalikuran daw sya ng mga ‘kaibigan’ nya dahil sa pinili nyang avatar. Wala daw itong kwenta at walang maitutulong sa kanila kaya tinalikuran ito na para bang hindi kaibigan.
Habang kinikwento nya ito n'on sa amin ay nakangiti ito, ngunit bakas ng pagkalungkot ang kanyang mukha. Who wouldn't be sad? The ones you thought that will stay, left because of some stupid reason.
Kaya rin daw magustuhan nya agad ang bond namin ay dahil ganito raw ang gusto nyang kaibigan, iyong hindi nag iiwanan at higit sa lahat nagtutulungan.
Sa akin naman, okay lang na sumama sya sa amin dahil nakikita ko namang malinis ang atensyon nya, at isa pa, I saw how lonely she was when we were in town. Now, just by looking at her, I can see how happy she is that there are people who she can call companions. Napangiti ako, ngunit sadyang may panira lang.
“Princess, bakit ka ngumingiti? May nakita ka bang pogi? Aba, iharap mo muna sa'min, ah!” Salita ni Stanley at dinagdagan pa iyon na hindi raw sya papayag na may ibang mas gwapo sa kanya. Sinamaan ko ito ng tingin, ngunit nagtaasan ang balahibo ko nang maramdaman ko ang klase ng tingin nilang lahat sa akin. You know the feeling when someone's staring at you that their gaze was like throwing dagger? Gan'on!
“Lalaki?” Red said. Nang bumaling ang tingin ko sa kanya ay ang sama ng tingin nito sa akin. Magsasalita palang ako nang maunahan ako ni Dustine.
“Sino 'yon? Nakikipagkita ka ba habang nagpapagaling kami? Ano? Sagot!” Mabilis akong tumingin sa kanya at napanganga ng kaunti. Hala! Saan nya nakuha 'yung idea na yan?!
“I assume he's ugly.” Weston whispered. Nang mabaling ako sa kanya ay akala ko'y wala itong pakealam, ngunit ang sama rin ng tingin sa'kin! He was like a crow staring at his prey dahil sa talas nitong tumingin! Nagtaasan muli ang balahibo ko. Bakit ba kay Weston ako sobrang natatakot?
BINABASA MO ANG
Conquerors of the New World ✓
Fiksi IlmiahVRMMORPG | TAGLISH | Unedited A Sci-fi/Fantasy Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ The life of a gamer is perfectly ordinary. Eat, game, sleep and repeat. That's the life of Levina, the woman who never backs down, until one day, a mysterious ph...