CNW 39: The Answers

9.6K 663 162
                                    

Sa mga nakatama, let's celebrate! Hahaha jusq, ang dadali lang naman diba? 😉
Ps: medyo mahaba yung chapter HAHAHA
--

Riddles need logical observations and understanding. It is also the reason why our research teacher added it to our activities. She said we should enrich our logical thinking about something or a fact until we face the answer of it— whether it was the truth or the opinion, and that is the purpose of research.

Now, I'm looking at a pen and a blank paper in front of me. Ngayo'y pinaupo nila ako sa upuan mismo at sa harap ko ay mau maliit na glass table at doon nakapatong ang mga gagamitin namin.

Sa gilid naman ay ang pen na parang paint brush na maliit ang tip at mayroong papel rin, at ang sabi ni Logica— the little girl who suddenly appeared from nowhere, that is where we will write the answer of riddles above us. At kung sakalong magkamali kami ng sagot ay magkakaroon ng panibagong riddles at patuloy na gan'on hanggang sa masagutan namin ang lahat.

Tumingala ako at tinignan ang mga riddles na nakasulat at bumuntong hininga.

Pakisabi kung saan dapat ako magsimula.

Kinuha ko ang pen na binigay sa akin ni Kayne (at hindi alam kung bakit meron pa syang pen at paper sa magic bag nya, iyong papel talaga na one-fourth na ginagamit sa paaralan) at tumingala para sa unang riddle na aking sasagutan.

What will you add to 9 to make it 6?

My first guess was negative three, because there is a certain rule in algebra in which, different signs are equal to minus while same signs are equal to plus, meaning, kapag magkaiba ng sign at dapat pagmiminus-in ang dalawang numero habang kapag pareho naman ay ipagpu-plus sila.

But because it's logic, I know that isn't the answer.

Pumintig ang ulo ko sa kirot. Napapikit ako at napahawak dito. Gosh, first riddle pa lang, nahihirapan na 'ko. I felt someone beside me shifted— Red, which caused me to look at him.

“That riddle is familiar pero hindi ko maalala kung ano ang sagot.” Kunot na kunot ang noong sabi nito habang nakatingala sa itaas. Hindi ako nagsalita dahil talagang hindi ako pamilyar dito.

“Akala ko magtutulungan tayo?” Lahat kami ay sabay-sabay na nabaling kay Demon nang magsalita ito. Para bang nakakapit na sa kanyang boses ang salitang malamig at walang emosyon— 'di lang pala sa kanyang boses kundi pati sa kanyang mukha. “Let us help.” Tumingin ito kay Alpha na nasa gilid lamang, nakasandal sa dingding habang pinapanood kami.

Archangel, who's on my left, suddenly stood from her seat. “Right. Magaling ka rin sa riddles, 'di ba Alpha?” There was some kind of hope on her face— wait… gan'on na ba kawalang pag-asa ang itsura ko kanina?

“No ne—” Sinamaan ko ng tingin si Dustine na nasa bandang kaliwa, malapit kay Demon. And it was like I wasn't the only one who glared at him because he suddenly caught his tongue— ibig kong sabihin ay hindi na nito tinuloy pa ang sinasabi nya. Hindi sinasadyang nahagip ng tingin ko si Demon na masama rin ang tingin dito. Uh-oh. May ano—

It was like something clicked on my mind. Right. Dustine and Demon— the girl who always rejects him. Muli ay sinulyapan ko si Demon at muling napaisip. Right. She's not the kind of girl who will let someone to rule her over— definitely not a leader from another guild.

Natakpan ang aking pinapanood nang isang malapad na katawan, bago ito umupo sa aking tabi. Napausog naman ako dahil baka bitin ang kanyang upuan, kahit na ang totoo'y walang nakaupo sa gilid ni Archangel kanina at medyo maluwang pa doon.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon