CNW 5: Unbiological Brothers

13.7K 687 33
                                    

Una, bakit ba ako nagmamadali? Simple lang, he's Red Davion, at nakakahiya kung paghintayin sya.

Hingal na hingal ako nang makarating sa town hall— hindi kalayuan sa pwesto kung nasaan kami kanina. Actually, hindi naman iyon sobrang layo kaya't hapong-hapo ako. Ang totoo nyan at kulang ako sa exercise (i-spend daw ba ang buong bakasyon sa harap ng computer) at dahil na rin ginamit ko yata ang pinakamabilis kong takbo kaya ganito na lamang ako kapagod.

At dahil nga nagbago ang distansya ng bawat building dito, ang dating malapit na simbahan sa amin ay mistulang isang kilometro ang layo ngayon dulot na 'rin ng pagluwag ng pwesto kung saan nasa gitna ang fountain, at bukod na rin sa tinuturo nitong mapa na ang town hall ay ang sirang simbahan ngayon (na panigurado'y aayusin para muling gumanda), sa paligid nito ay nagsisimula na ring magsitayuan ng kung ano-anong stalls ang iba para sa kanilang hanapbuhay— na kinakailangan sa pamamagitan kung paano makasurvive dito.

Then I suddenly wondered. Bakit biglang nawala si Machina? Ngunit mabilis na kumontra ang pangalawang bahagi ng aking isipan. Of course, hindi mawawala si Machina. Sa ngayo'y hindi man namin nakikita, ngunit paniguradong nasa tabi-tabi lang namin.

Muli ay ibinalik ko ang atensyon ko sa aking pakay. Inililibot  ko ang aking paningin sa paligid nang maramdaman ko ang pagdating ng presensya nang mula sa kung sino. I thought it was Red, but disappointed when I saw Weston.

“Disappointed?” He asked like he knew what I am thinking. Umiling na lang ako dito ngunit napansin kong wala ang iba naming kasama kanina. And it was like he read my mind because he suddenly answered my question. “Looking some house where we could stay.” At napangiwi ako sa aking narinig. Sadyang hindi lang magandang pakinggan kahit wala namang mali, bukod sa pagiging nag iisa kong babae sa kanila.

Hindi na lang ako nagkumento sa sinabi nito at iniwas ang tingin sa kanya. Hindi kalayuan, ay tumama ang atensyon ko sa isang pamilyar na estraktura ng katawan— lalo na ang kanyang buhok. And based on his outfit, he chose a warrior, too.

“Red!” Sigaw ko at mabilis na tumakbo sa kanya. Unti-unti itong humarap sa akin at halos mahulog nanaman ako sa ngiti nya! Pero syempre joke lang 'yon. “Kuya!” Sigaw kong muli.

I saw him laughed from our distance. I saw him combed his black medium length hair to his back as he boyishly smirked at me. Ang maliit nitong mata ay mistulang lumiit dahil sa pagngiti nito, na lalong nagpakita ng mahahaba nitong pilikmata na bumagay sa makapal nitong kilay.

Right. His looks were the first one I noticed, but it's his personality that made me stay.

“Hah! Naabutan kita!” Malakas kong sabi dito na ikinahalakhak nya.

“Bunso.” He shook his head, nangingiti pa rin. “I was planning to wait you here.” Tumingin sya sa likod at tinanguan ang nakabuntot sa akin, bago ibinalik ang atensyon sa akin. “May guild kana ba?”

Umiling ako. “Dustine said huwag muna, e. Ikaw ba?” Tanong ko sa kanya at napatingin sa tinitignan nya kanina. “Ano 'yan? Orbs?”

“Yeah, orbs. Pampalakas daw 'to ng sandata.” Kumuha sya ng isa at tinignan iyon sandali, bago bumaling sa akin. “Considering your question, wala pa.” And because of what I've heard, mabilis akong napatingin sa kanya gamit ang nanlalaki kong mata (na puno ng pagsusumamo, syempre!).

“Kuya! Sama ka samin!” I placed both of my hand like I'm praying while using my innocent-yet-cute face on him. “Please? Baka may mangyaring masama sa akin—” But Weston cut me off.

“Walang mangyayaring masama sayo.” Humarap ako sa kanya at mistulang naging tigre dahil sa sama ng tinging ibinaling ko dito na wala lamang sa kanya, bago ibinalik ang tingin sa aking harapan at mistulang naging anghel.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon